Chapter 11: Doubt

2650 Words
CHAPTER 11 Doubt “Kanina ka pa diyan, Cassandra?” napatingin si Hermes kay Cassandra nang bigla siyang nilingon ni Jefree mula sa dulo ng hagdan. Mukha siyang na-estatwa sa kanyang kinatatayuan kaya hindi maiwasan na kumunot ang noo ni Hermes sa kinikilos ni Cassandra. “Ah, hindi naman,” agad na tanggi ng dalaga kahit na narinig niya kung ano man ang pinag-uusapan ng dalawa. “Natuyo yata ang lalamunan ko,” sambit niya tiyaka siya napahawak sa kanyang lalamunan. “Kukuha sana ako ng tubig sa kusina kaso mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo kaya hindi na ako lumapit o dumaan pa para hindi ko kayo maistorbo.” “Did you hear?” hindi maiwasan na itanong sa kanya ni Hermes kung narinig niya ba ang pinag-uusapan nila lalo na’t isa si Cassandra sa pinagsususpetyaha niya. Kaagad niyang inalis ang isipan niyang iyon dahil sa mga salita sa kanya ni Jefree kanina, nakonsensya siya bigla na pinag-iisipan niya ng masama si Cassandra, hindi lang siya kung hindi pati na rin ang iba nilang mga kaibigan. “What?” tanong ni Cassandra, nagkunwari na hindi niya maintindihan kung ano man ang tinatanong sa kanya ni Hermes para maiwasan niyang sagutin. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin iyon lalo na’t kinuha talaga ng atensyon niya ang usapan ng dalawa kanina. “Nevermind,” agad na sambit ni Hermes nang marealize niya na hindi niya dapat tinanong iyon kay Cassandra. “You should drink water or if you can’t sleep, you can get some fresh milk in the fridge,” wika ni Hermes. Tumango si Cassandra tiyaka siya marahan na pumasok sa kusina. Kumuha siya ng baso tiyaka siya kumuha ng tubig at ininom iyon. Bigla siyang natigilan sa usapan nina Hermes at tila nagpo-proseso pa sa kanya ang lahat ng napag-usapan nila. Pinilig niya ang kanyang ulo dahil sa naisip pero binuksan na niya ang ref tiyaka siya kumuha ng fresh milk doon para magsalin ng kalahati sa kanyang baso dahil mukhang hindi siya makakatulog sa kakaisip. “Can’t sleep?” halos mapalundag siya sa gulat nang muli niyang marinig ang boses ni Hermes. Pumasok na ito sa kusina tiyaka siya kumuha ng baso para magsalin siya ng tubig doon. “Ah, oo,” naiilang na sagot ni Cassandra dahil alam niyang may alam si Hermes. “Nagbabahay siguro,” palusot pa niya tiyaka siya pilit na ngumiti. Tumango si Hermes tiyaka siya sumandal sa ma lababo at ininom muna ang tubig na kinuha niya bago siya magsalita. “Weird,” pinaglaruan ni Hermes ang kanyang baso kaya nakikita niya ang tubig na umaalon doon, sa baso niya lang siya nakatingin. “Sa inyo bahay ito and yet you’re not used sleeping here,” ngumiti si Hermes para ipakita iyon kay Cassandra. Umawang ang labi ni Cassandra dahil tama nga naman si Hermes. Bago pa makapagsalita si Cassandra at makaisip ng palusot ay nagsalita muli si Hermes. “O baka hindi ka sanay na may katabing matulog?” ngiti niya. “Hi-hindi naman kami palaging natutulog dito at isa na rin iyan sa dahilan,” pagpapalusot ni Cassandra, tumango si Hermes na tila naintindihan niya ang dalaga. “Sabagay, baka magalit ang secret boyfriend mo?” para matakpan ang pag-awang ng labi ni Cassandra ay kaagad siyang uminom sa hawak iyang baso na may lamang gatas. Tumango si Cassandra habang umiinom siya, wala na siyang balak na magsalita dahil baka kung ano pa ang itanong sa kanya ni Hermes. Nang maubos na ang gatas niya ay naglakad siya palapit kay Hermes na may ngiti sa labi habang pinagmamasdan siya ni Hermes. Umusog si Hermes para makapag hugas si Cassandra, tahimik na silang dalawa at tanging ang tubig lang ng gripo na nanggagaling sa lababo ang naririnig nila dahil sa paghugas ni Cassandra sa baso. “Akyat na ako,” paalam ni Cassandra pagkatapos niyang hugasan ang baso tiyaka niya ito nilagay sa lalagyan. Ngumiti siya kay Hermes kaya bahagyang tumango si Hermes at naiwan siya sa kusina. Humigpit ang hawak ni Hermes sa kanyang baso na tila unti-unti ng nabibigyan kasagutan ang tanong niya sa sa sino. Dahil sa reaksyon kanina ni Cassandra ay para bang nadadagdagan ang kanyang mga hinala. Oo at nakapag-usap na sila ni Jefree, aaminin niya na sa ilang minutong iyon at ilang minuto pagkatapos non ay hindi niya maiwasan na makonsensiya dahil bakit nga ba naman niya pag-iisipan ng masama ang mga taong itinuturing na niyang pamilya? Ang mga taong nasa tabi niya noong kailangan niya ng kausap? Pero dahil don sa sinabi ni Jefree ay para bang nagkaroon siya ng ideya. Hindi kaya pagkatapos non ay pinasundan siya kaya nalaman nila kung ano ang sinisikreto niya noon pa man? Pero nasisigurado siya na walang makakaalam non. Alam niyang isa silang pamilya, walang duda roon dahil ramdam niya ang pagmamahal ng kanyang mga kaibigan ang kaso nga lang ay ibang usapan na dahil sa biglang pinadalang ID. At alam niya na sa oras na naisapubliko iyon ay mawawalan na talaga siya ng lisensya. Hindi pwedeng mawala ang bagay na pangarap niya noon. Hindi siya papayag na mawala ng basta-basta ang ilang taon niyang pinaghirapan at pinagkakagastusan. Siguro ay iyon lang ang natutunan ng kanyang kaibigan na si Jefree sa kanyang trabaho kaya ayaw niyang pagdudahan ang kanyang mga kaibigan. Pero hindi siya makakatulog ngayon kung magiging mabait siya at hindi na lang niya papansinin kung sino man ang may kagagawan non. Hindi siya mapakali na walang ginagawa na tila ba hinihintay na lang niya ang kanyang pagbagsak. Nagtiim ang kanyang bagang dahil kailangan niyang gumawa ng paraan para lamang hindi siya bumagsak ng ganon-ganon lang. Hindi siya makakapayag na alam niyang may magagawa siya pero mas pinili niya lang manahimik dahil susundin niya ang payo ng kanyang kaibigan na maging mabait. Bakit siya magiging mabait kung alam niyang may isa sa kanila ang nagpaplano para siraan sila? Para pabagsakin sila. “Gago naman!” kaagad na tumalikod si Cassandra dahil pagkapasok at pagka sarang-pagkasara niya palang sa pintuan ay bumungad sa kanya si Michael na naka-boxer lang habang pinupunasan niya ang kanyang basang buhok gamit ang kulay puting towel. Hindi siya pinansin ni Michael tiyaka niya kinuha ang jogging pants niya pati na rin ang t-shirt niya na lagi niyang sinusuot kapag matutulog siya. “Pwede ba sa banyo ka na magbihis?!” inis na sermon ni Cassandra. Nauna na kasi siyang maligo kanina kaya naka pajama na siya ngayon. Padabog siyang umupo sa kabilang side ng kama at mukhang wala man lang pakialam sa kanya ang katabi niya. “Sumagot ka nga! Para naman akong nakikipag-usap sa multo,” wika ni Cassandra, napatingin sa kanya si Michael tiyaka na lang siya napailing dahil sa naalala niya noong isang araw. Hindi muling sumagot si Michael kaya padabog na humiga si Casandra sa kama tiyaka niya kinuha ang comforter, malamig na rin kasi ang aircon. Mabuti na lang din ay mayroong aircon ang lahat ng kwarto kung hindi ay baka isa pa iyon sa irereklamo ng kanyang mga kaibigan. Pilit niyang pinikit ang kanyang mga mata dahil wala naman siyang makukuha kay Michael kung hindi bumuntong hininga. Kahit na gusto niyang magtanong ng mga bagay sa kanya ay hindi niya magawa dahil baka kung saan pa mapunta at masermunan lang siya ni Michael. “About the past,” ang akala niya ay tuluyan ng hindi magsasalita si Michael kaya kaagad siyang napamulat ng kanyang mga mata dahil sa baritonong boses ng binata. “You are all talking about earlier,” dagdag pa ni Michael kaya kaagad na pumikit si Cassandra dahil pagod na siyang pag-usapan pa iyon. “I know you’re still awake, Cassandra.” Umirap si Cassandra kahit na nakapikit siya dahil alam niyang wala na siyang magagawa. “You know what we were talking about,” tamad na sagot ni Cassandra. Tumango si Michael tiyaka siya muling nagsalita para makapag-usap sila ni Cassandra tungkol doon. “I really can’t believe that you let your friend bring liquor on our trip!” reklamo ni Joanne habang nagpapahid siya ng toner sa kanyang mukha at nakaupo siya ngayon sa maliit na vanity mirror. Tamad siyang tiningnan ni Kyle, gusto man niya ng katahimikan dahil pagod ito sa biyahe at sa paglalaro nila kani-kanina lang ay mukhang hindi siya makakatulog agad dahil sa kasama nito sa kwarto. “You should move on, Joanne,” inaantok na wika ni Kyle dahil siya ang bubungangaan nito. “Hindi na talaga kayo nagdala kung ano man ang nangyari noon, ‘no?” sarkastiko ang pagkakatanong ni Joanne kaya umigting ang panga ni Kyle para pigilan niya ang sarili niyang makipag-away kay Joanne. “Hindi ba pwedeng ipagpabukas mo na lang muna iyan?” wala sa mood na tanong ni Kyle dahil sa sinabi ng binata. “Hanggang ngayon ba umaakto pa rin kayo na walang nangyari?” muling umigting ang panga ni Kyle dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan. Hindi niya alam kung bakit masyado siyang affected simula pa kaninang nakita niya ang alak na para bang isa siya na agrabyado noon. “Dahil wala namang nangyari,” wika ni Kyle. Kaagad siyang sinulyapan ni Joanne na tila hindi makapaniwala sa sinabi sa kanya ni Kyle. Hindi niya napigilan ang pagkuyom ng kanyang kamao nang marinig niya iyon. Paano siya makaasta at paniwalaan ang kanyang sarili na walang nangyari noong gabing iyon? Parang walang nangyari bago sila umalis sa paaralan na iyon? Kung makaasta sila ngayon ay para bang wala silang sinirang buhay. Habang naliligo si Hahn at makapag handa na sa kanyang pag tulog ay muli niyang naisip kung kanino nanggaling iyong ID na nakita niya sa loob ng kanyang maleta. Napahinto siya sa paghagod niya sa kanyang buhok dahil muli niyang naalala kung ano ang nakasulat sa ibaba ng kanyang pangalan. Licensed for Failure Hahn Diaz - News Anchor Bakit siya nagkaroon ng ganoon sa kanyang maleta? Nang mag-impake siya ay sinigurado niyang malinis ang kanyang maleta at alam niyang wala siyang nakitang ganon. Kaya isa lang ang ibig sabihin non: na nailagay iyon sa kanyang maleta ngayong kasama niya ang kanyang mga kaibigan. She’s starting to doubt her friend but the only question that was running in her head was; bakit naman nila gagawin iyon? Isa pa, walang sino man ang nakakaalam non. Alam niyang malinis ang transaksyon at kahit sino man ay walang makakaalam non. At duda rin siya na ipagsasabi iyon dahil sila lang din ang madadawit at sila rin ang masisira. Pero sa oras na nalaman iyon ng broadcasting company na pinagtatrabahuhan niya ay hindi imposibleng mawalan siya ng trabaho at kapag nangyari iyon ay wala ng kumpanya ang tatanggap sa kanya. Hindi pwedeng mawala ang kanyang trabaho dahil ito na ang naging pangarap niya noong bata pa lang siya, isa pa ay sobra ang pressure niya sa kanyang pamilya. Kakakuha lang din niya ng award, iyon ang kauna-unahang award na nakuha niya at alam niyang deserve niya iyon dahil pinag-trabauhan niya ito ng mabuti. Isa pa, magiging kahiya-hiya rin siya sa kanyang mga kaibigan sa oras na nalaman nila kung ano ang sikreto niya. Ang kaso nga lang ay sino ba sa kanyang mga kaibigan ang makakagawa non? Siya lang ba ang nakatanggap ng ganon? Wala siyang maalala na nakaaway niya ng malala para ipa-imbestiga siya ng ganoong kalala. Wala siyang nakaaway para humantong sila sa siraan at kung may nakaaway man siya ay hindi naman niya gagawa ng paraan na para sa ikakasira ng isa. Dahil alam niya na mayroon silang parte kung ano man ang nangyari sa nakaraan. Dahil alam niya na kahit anong layo nila sa isa’t-isa ay muli silang babalik na magkakasama na tila ba hinahatak sila ng enerhiya ng nakaraan. Dahil alam niya na kahit sabihin pa nila na wala silang ginawa ay nandoon pa rin ang konsensya na nanatili silang tahimik, nanatili silang walang imik, nanatili silang takot na sabihin ang katotohanan at nagpatuloy sila sa kanilang mga buhay na parang walang nangyari. Kung maririnig lang siguro ng kanyang mga kaibigan ang kanyang mga iniisip ay hindi malabong mainis sila sa kanila kagaya na lamang ng inis nila kanina kay Joanne. Napag-usapan na nila bago sila mag hiwa-hiwalay na walang nangyari at wala silang kilalang ganun ang pangalan. Sa katunayan nga ay nakalimutan na niya ito dahil sa ilang taon na rin ang nagdaan at ngayon niya lang muling naalala dahil kagaya ng dati ay muli silang magsasama-sama sa isang bahay at muling pinaalala ni Joanne sa kanila ang dilim ng kanilang maliwanag na nakaraan. “Hindi ka pa tapos?” nakarinig siya ng katok mula sa labas ng banyo, galing kay Calyx dahil siya ang kasama niya sa kwarto. Bigla siyang natauhan dahil don kaya binilisan niya ang pagsasabon dahil hindi na niya alam kung ilang minuto na ba siyang tulala dahil sa kanyang iniisip. “Malapit na!” Sigaw niya mula sa loob. Tumango si Calyx mula sa labas nang marinig niya na nagsimula na ulit ang shower ng dalaga at narinig niya ang boses nito. “Okay! Akala ko napano ka dahil biglang ang tahimik ng banyo,” wika ni Calyx tiyaka siya naglakad pabalik sa kanilang kama. Nag-aalala lang siya dahil ilang minuto na ay wala man lang siyang naramdaman na kahit anong ingay sa loob ng banyo kaya noong narinig niya ang boses ni Hahn na mukhang wala namang nangyaring masama habang naliligo siya ay nakahinga siya ng maluwag. Naupo na siya sa kanilang kama tiyaka niya kinuha ang kanyang wallet para makita sana ang litrato ng kanyang kapatid na babae. May sakit kasi ang kapatid niya kaya mahalaga ito sa kanya. Lalo na halos tumira na ito sa hospital kaysa sa kanilang bahay. Pero imbis na litrato ng kanyang kapatid ang nakita niya ay isang hindi pamilyar na ID ang bumungad sa kanya. Nakasiksik iyon sa litrato ng kanyang kapatid kaya kinuha niya ito. Labis siyang nagulat nang makita niya ang pangalan niya maging ang kanyang litrato. Pinaghalong kulay blue at white ang ID na iyon at alam niya sa sarili niya na walang ganun na laman ang kanyang wallet. Licensed for Failure Calyx Angeles - Civil Engineer At lalo siyang nanlambot kung ano man ang nakasulat sa ibaba ng kanyang pangalan. Hindi niya alam kung paano nalaman ng taong naglagay sa kanya ang tungkol sa bagay na iyon dahil hindi nila kailanman lumabas iyon sa publiko dahil isang malaking kasiraan sa kanila kapag nangyari iyon. Lalo na’t nagsisimula pa lang silang bumuo ng pangalan sa industriyang kanilang pinasukan nang mangyari iyon. Muli niyang inalala kung sino ang humawak sa kanyang wallet dahil alam niyang kaninang chineck niya pa bago siya umalis sa kanilang bahay ay wala naman iyon. Ang tanging naalala niya lang ay sinurrender nilang lahat kay Cassandra ang mga wallet nila dahil sa bunutan na mangyayari kaninang kumakain sila ng agahan. Posible kayang si Cassandra ang may gawa non? Pero bakit naman niya iyon gagawin? O baka hindi lang siya ang humawak ng kanilang mga wallet? Posibleng iba pa sa kanyang mga kaibigan? Hindi niya lubos na maisip na magagawa iyon ng kanyang mga kaibigan. Imposible. Kasa-kasama niya ang lahat kanina kaya muli niyang inalala kung may weird ba sa mga kilos nila pero wala naman siyang napansin. Masaya lang silang naglalaro at ganon lang ang turingan nila. Baka nagkamali lang siya na galing pala iyon sa kanyang mga kaibigan? Baka hindi lang niya napansin nang magkita-kita na sila na nakalagay na iyon sa kanyang wallet. Ayaw niyang pag-isipan ng masama ang kanyang mga kaibigan dahil buo ang kanyang loob na hindi nila iyon magagawa. Pero habang nakatitig siya sa ID na nasa harapan niya ay hindi na niya maiwasan na pagdudahan ang isa-isa ang lahat ng kanyang kaibigan. Siguro ay dapat niyang tanungin si Isiah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD