Chapter 3
Meeting
Dalawang tao ang nakangiti dahil tila umaayon ang lahat sa plano nila. Ang sabi nila matatalino lahat pero mukhang maiisahan sila ngayon. Tingnan natin kung makuha pa nilang tumawa at kaya pa nilang ipakita ang kanilang mukha sa publiko.
“Hay nako! Kahit kailan talaga late si Cassandra, ano?” Si Hahn na ngayon ay nakaupo sa pina reserve nilang long table sa isang restaurant, paano kumpleto na silang lahat pero wala pa rin si Cassandra.
“Etong si Hahn, hindi na nasanay kay Cassandra.” Umiiling na sabi ni Joanne.
“Bagal talaga kumilos ng mga babae.” Bulong ni Noah habang nakatingin sa cellphone niya.
Lahat sila ay nilinis na ang buong schedule nila next week para makapagpahinga sila na sama-sama. At ngayon pag-uusapan kung saan sila mag-stay ang kaso nga lang ay hindi pa sila makapagsimula dahil wala pa si Cassandra.
“Since high school, si Cassandra na laging hinihintay no?” Wika ni Clarence dahil nagugutom na rin siya. Hindi naman siya bastos para hindi hintayin si Cassandra bago sila um-order ng pagkain.
“Sorry, guys! I’m latee~!” Maarteng wika ni Cassandra tiyaka naupo sa nag-iisang bakanteng upuan na para sa kanya.
“What’s new?” Tanong ni Madelyn kaya natawa ang lahat.
Kasama rin si Brandon since matagal-tagal niya na rin hindi nakasama ang mga kaklase.
“Dumating ka rin sa wakas!” OA na sabi ni Vanz tiyaka na nila tiningnan ang menu para makapag-order na sila.
“Sorry naman no!” Tawa pa rin si Cassandra dahil nasanay na siya na laging ginaganon, kasalanan niya rin naman na na-late siya sa meeting. “Nag-edit pa kasi ako ng vlog ko, hindi na ako makakapag-vlog next week dahil no gadgets allowed diba?” Ngiti ni Cassandra tiyaka na rin tiningnan ang menu na nasa tapat niya.
Sabay-sabay na silang nag-order ng kanilang pagkain. Hindi maiwasan ng isa na madisgusto na makakasabay niya ulit kumain ang mga demonyo. Para siyang nasa impyerno dahil wala siyang makitang kahit na mabuting budhi sa kanila. Alam niya rin ang sikretong tinago nilang lahat pati na rin ang mga personal nilang sikreto kung bakit sila nasa posisyon nila ngayon.
“Oh saan ba tayo magbabakasyon?” Pagtatanong ni Kyle pagkatapos na pagkatapos nilang mag-order. Kaagad na nag-isip ang mga babae na tila excited pa dahil matagal-tagal na rin silang walang pahinga sa trabaho.
“What about...beach?” Excited na tanong ni Christy habang nag-imagine pa na nahahawakan niya ang puting buhangin. “Ahh,” Nag-unat pa siya bago ituloy ang sasabihin. “Nakakapagod maging nurse.” Dagdag pa nito.
“I will bet one hundred thousand, Doctor Aaron and Head Nurse Christy will end up together, who’s in?” Pilyong sabi ni Ranz habang nakataas ang kamay.
“Endgame.” Sabay taas ng kamay ni Kyle bilang pagsuporta sa kaibigan.
“Endgame.” Pagsuporta rin ni Vanz habang may ngiti sa kanyang labi.
“Taas lahat ng endgame, bibilangin ko.” Halos magsitaasan ang lahat ng mga kamay pwera lang kina Aaron at Christy.
“Alam niyo ang boring ng buhay niyo no?” Masungit na sabi ni Christy. Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi niya.
“Bakit? Pareho naman kayong single ah?” Asar ni Calyx sa mga kaklase. Somehow, namiss nila ang ganitong mga asaran. Masyado rin kasi silang nag-focus sa career nila nitong nakaraang mga buwan kaya sila rin ang laman ng balita.
“What can you say, Aaron?” Tanong ni Cathlyn ng nakangiti kaya lahat ng pares ng mata ay nakatingin ngayon kay Aaron, hinihintay siyang magsalita.
“I’m open for possibilities.” Sambit ng binata kaya naman naghiyawan ang mga lalaki samantalang tumili ang mga kababaihan. Namula ang pisngi ni Christy dahil sa sinabi ni Aaron pero pinanatili niya ang kanyang mataray na postura.
“Ano kayo? Playing cupid?” Tanong ni Christy sa mga kaibigan. “And you said before that we’re a family, right?” Sabay tawa niya nang sinabi niya iyon.
“Family stroke.” Sambit ni Hermes tiyaka pa siya pumito. Nagtawanan ang lahat sa lamesa tiyaka sumusuway kung bakit ang bastos nila.
“Huy bastos huwag kayong ganyan!” Pagbawal ni Joanne habang nakikitawa sa kanila.
“Okay lang iyan, andiyan naman si Jefree.” Malokong sabi ni Vanz. “Father Jefree pray for us.” Pinagdikit niya pa ang dalawang palad niya.
“Tugon!” Pagsakay ni Ranz sa kaibigan.
“Ipanalangin mo kami.” Sabay-sabay na sabi ng lahat kaya napailing na lang si Jefree dahil sa kalokohan ng mga kaklase.
“Minus points kayo sa langit.” Sambit ni Jefree sa kanila kaya kaagad silang nagdebate kung sino ang nagsimula ng ganoong joke habang nagtatawanan pa.
Lihim na napangisi ang isa habang pinagmamasdan niya ang lahat, syempre ay nakikitawa siya para hindi siya masyadong mahalata. Silang lahat pala ay nag-expect pa na mapunta sa langit? Pagkatapos ng kademonyohan na ginawa nila? Gaano ba kakapal ang mga mukha ng mga ito? Pwedeng-pwedeng ipalit sa semento na kahit lumindol man ng malakas ay hinding-hindi matitibag.
Dahil nakagawa na nga sila ng kahayupan ay umaasa pa sila na mapunta sa langit ang kaluluwa nila? Matagal nang nasusunog ang kaluluwa nila sa impyerno, magsimula noong gabing iyon. Habang sila ay tumatawa ngayon may isang buhay ang nagdurusa at patuloy na nagdurusa dahil sa ginawa nila.
Mga demonyo. Mga hayop. Mga walang konsensya. Mga kinain ng pera.
Dumating na rin ang pagkain nila kaya medyo tumahimik na sa kanilang lamesa dahil busy na ang lahat kumain ng sarili nilang order. Kahit na ang isa sa kanila ay in-imagine na may lason ang kinakain nila para mamatay na silang lahat. Syempre, hindi niya gagawin iyon.
Bakit niya papatayin ang lahat ng nandito kung magbabayad ang ilan sa kanila ng habang-buhay sa kulungan? Bakit niya papatayin ang lahat kung gusto niyang isa-isa muna silang bumagsak? Bakit niya papatayin ang lahat kung gusto niya habang buhay silang kamuhian ng mga tao dahil sa ginawa nila?
Kahit anong ganda pa ang damit na suot-suot nila ngayon, ang tanging nakikita lang niya ay ang dumi sa buong pagkatao nila.
“Okay, let's be serious now.” Seryosong sambit ni Michael.
“Chill, Attorney! Katakot naman pagiging seryoso mo.” Natawa si Cassandra, sinuportahan naman ang sinabi niya ng ilan sa kanilang mga kaklase.
“Ganyan ba mga lawyer ngayon? Parang nasa Supreme Court tayo ah?” Si Cathlyn ang nagsalita ngayon kaya um-agree rin sa kanya ang ilan.
“But being serious guys, where do you want to go?” Aaron asked his classmates. May last duty pa siya mamaya at kung magtatagal pa ang pag-meeting nila ay baka malate siya.
“President at Vice-President talaga ng room natin no?” Si Clarence naman ngayon ang nagsalita tiyaka pa bahagyang natawa.
“May lakad ba kayo?” Pagtatanong ni Calyx.
“Parang ayaw niyo naman na makasama kami ah?” May halong pagtatampo pa kunwari ang boses ni Vanz.
“Yuck, Vanz! Being sweet doesn't suit you.” May halong pandidiri na sabi ni Sacha na tila nawalan ng ganang kumain dahil don.
“Hindi ka pa rin ba nakaka-move on kay Vanz, Sacha?” Asar ni Kyle dahil alam ng lahat na naging sila noong high school pa lang sila.
“Sinasabi ko lang, binibigyan niyo na agad ng malisya.” Sabi ni Sacha habang pinupunasan ang kanyang bibig gamit ang tissue.
“Excuse me, she moved on already!” Pagtatangol ni Sheena sa kaibigan niya.
“Oy! Ano iyan? May boyfriend ka na rin ba katulad ni Madelyn?” Excited na tanong ni Hahn kaya napunta lahat ngayon kay Sacha ang atensyon.
“Etong si Brandon pa hard-to-get pa noong high school sila rin naman pala ang makakatuluyan.” Natawa si Brandon sa sinabi ni Hermes. “Never pa kamo siyang nag share ng love life niya sa akin. Ngayon lang.” Dagdag pa nito.
“Did you hear it?” OA na tanong ni Zyrene.
“I guess it's the wedding bell?” Pagtuloy ni Joanne kaya natawa na lang sina Madelyn.
“So, mabalik tayo kay Sacha.” Pag-alis ni Madelyn sa topic nila. “May boyfriend ka na ba? Secret boyfriend? Lowkey relationship?” Sunod-sunod na tanong nito.
“Just arrange marriage.” Tamad na sagot ni Sacha. Halos napasinghap ang mga babae sa sinabi niya.
“Pero mahal ka naman niya diba?” Bakas ang pag-aalala sa boses ni Antoniette. Natahimik ang grupo dahil baka sensitive na topic para kay Sacha iyon.
“Let's not talk about it.” Final na sabi ni Sacha. “I don't want to talk about him and escape perhaps to my problems just even a week.” Tumikhim ang ilan sa kanila dahil narealize nila na sensitibong usapin nga iyon para kay Sacha.
“If he hurt you, don't hesitate to call me.” Seryosong sabi ni Vanz. Kahit gusto man mang-asar ng ilan ay hindi nila magawa dahil seryoso na ang pinag-uusapan.
“So, guys. Saan niyo ba gusto?” Pagtatanong ni Hahn. “Eto si Zyrene ang magcocollect ng funds, kagaya noon.” Tawa pa niya para mawala na ang awkward atmosphere sa mesa nila.
“I don't like the beach, it's too noisy.” Komento ni Calyx sa suggestion kanina ni Christy.
“Luh! Arte!” Agap kaagad ni Christy. Nakakarelax kaya ang beach no! Swimming-swimming!” Parang bata na sabi nito.
“But I agree with Calyx.” Pagsuporta ni Clarence sa kaibigan. “Kapag sa beach may mga kasama tayong ibang tao.” Umismid na lang si Christy dahil don.
“Yeah, mas okay yung tayo lang. Kahit sa isang bahay lang.” Hermes said.
“Yung malayo sa Manila.” Noah added. “Ayoko munang magpractice.” Makahulugan na sabi nito.
“Sino ba may mga rest house?” Tanong ni Jefree bilang suggestion.
“Yung malayo rin sa mga kapit-bahay.” Si Zyrene naman ngayon.
“At may swimming pool din dapat!”
Sandaling nag-isip ang magkakaklase kung saan ang alam nila na malayo sa kapitbahay at sa kabihasnan.
Lihim na napangiti ang isa dahil umaayon na sa plano nila ang gusto niyang mangyari. Ang akala nila ay makakapagpahinga sila sa trabaho sa isang linggo na mawawala sila sa Manila. Hindi nila alam na mawawalan na rin sila ng trabaho pagkabalik nila sa Manila. At sa kulungan na ang pasok nila.
“Ang cho-choosy niyo naman.” Wika ni Antoniette dahil kahit anong isip niya ay wala silang properties na tumutugma sa gusto ng mga kaibigan.
“Para may privacy na rin tayo.” Pagpapaintindi ni Zyrene.
“At walang magrereklamong kapit-bahay kapag maigay.” Tango-tangong sabi ni Kyle tiyaka uminom sa kanyang wine.
“Wala ba kayong properties Vanz, Ranz, Kyle?” Tanong ni Brandon dahil sila ng mga politician at alam naman na maraming binibiling properties ang mga nasa pwesto sa gobyerno.
“Marami kaming properties but I don't think it's a good idea for us to have helpers? Malawak ang hacienda namin sa Cagayan.” Sagot ni Ranz habang nag-iisip.
“Same same lang kami.” Wika ni Kyle havang tinuro rin si Vanz.
'Bakit hindi niyo pa sabihin ang rest house na iyon' nawawalang pasensya sa isip niya ang isang taong nakaupo sa mahabang lamesa.
“Hmmm.. let me think but it's an island?” Pagtatanong ni Sheena sa kanila dahil baka hindi sila kumportable.
“Malayo sa Manila pero hindi ganung kalayo para kapay emergency hindi na tayo mahirapan.” Jefree said. Napabuntong hininga sila dahil parang nawawalan na sila ng choice.
“Mag-assign din ng mag grocery bukas.” Singit ni Cassandra, kaagad siyang sinamaan ng tingin ng lahat kaya natawa siya habang nag peace sign. Paano sasabihin iyon e hindi pa sila tapos mag-isip kung saan sila tutuloy then bigla grocery na?
“Sorry na.” Nakangusong sabi ni Cassandra. “Baka gusto niyo lang malaman ang mga agenda natin.” Humagikgik pa siya.
“At dahil ikaw na ang nag-interrupt sa amin.” Tiningnan siya ni Madelyn na tila may naalala. “Hindi ba may rest house kayo sa Batangas? Nakuwento mo sa amin noon na medyo mabagal ang signal doon kaya hindi ka nakakapag online or text man lang? At isa pa, nasabi mo rin noon na malayo ang kapit-bahay niyo?” Madelyn said.
Lihim na napangiti ang isang tao dahil tunay ngang umaayon sa plano nila ang lahat. Parang nakapabor sa kanya ngayon ang hustista. Ang hustisya na sana noon pa ay nakamit na pero lumibas ang mahabang tao ay ngayon palang niya nararamdaman ang paglapit ng hustisya.
“Ay oo nga!”
“Totoo!”
“May rest house kayo!”
“Sa Batangas na lang tayo?”
“Magtaas ng kamay lahat ng pabor?”
Kaagad na binilang ni Antoniette ang mga kamay na nakataas at si Cassandra lang ang hindi nakataas.
Paano niya nga ba maipagpapaalam ang bahay sa mga magulang niya? Pero mukhang wala na siyang magagawa dahil desidido na ang mga kaibigan niya na pumunta roon.
“May swimming pool pa roon, diba Cassandra?” Tanong ni Madelyn kaya napatango na lang si Cassandra.
Tuloy-tuloy na ang pagpaplano nila habang nagdiriwang ang kalooban sa kanila. Paanong lahat ng plano nila ay matutupad. Mga matatalino pero ang daling basahin ang isip. Ang daling pabagsakin.
Prepare yourselves to your greatest downfall.