Chapter 2
Homecoming
Everyone's preparing at their own house, apartment or condo. Wearing their most fabulous black tux and dresses plus the gold jewelry hanging on their neck, hand and ears made their look perfect. They are all excited to see each other after their busy days and what is more exciting is that they will be back where they first met each other: Their school.
Them being a star section and them being all successful, they couldn't avoid but to feel proud of themselves and of their section.
Sigurado, ang section na naman nila ang mapupuri ngayong gabi. Simula noon at hanggang ngayon ay sanay na sila sa mga papuri ng mga guro sa kanila at pati na rin sa mga estudyanteng naririnig nila kapag pinag-uusapan sila na may pagkamangha sa boses.
May nakahandang red carpet para sa mga parating at may inarkilang photographer para mapicture-an ang bawat dumadating.
Ang unang dumating sa section nila ay si Jefree. Kaagad siyang ngumiti sa camera pagkatapos ay sinalubong siya ng adviser nila noon na bakas na ang katandaan sa kanyang itsura.
“Akala ko ay walang makakapunta sa section niyo.” Salubong niya rito tiyaka hinahaplos pa ang kamay ni Jefree. Natawa ng bahagya si Jefree. “Ay nakalimutan ko at kailangan pala kitang igalang tiyaka tawaging Father.” Ngiti sa kanila ni Gng. Santos.
“Ma'am, hindi po ako nakasuot ng sutana ngayon. At kapag nasa loob po ako ng school ay estudyante niyo po ako.” Mapagkumbabang wika ni Jefree. Kaagad na napangiti ang guro sa sinabi ng kanyang estudyante.
“Miss na miss namin noon ang section niyo dahil kayo ang pride ng school na ito, alam mo iyan.” Ngumiti si Jefree sa Ginang dahil hindi niya alam kung paano sasagutin iyon. “Ikaw lang ba mag-isa sa mga kaklase mo?” Tanong pa ng Ginang habang tumitigin sa mga papasok pero galing sa ibang section.
“Hindi po, baka mamaya ay nandito na rin po sila.” Wika ni Jefree sa ginang. Nilagyan ng ribbon ni Gng. Santos si Jefree para alam kung anong section siya.
“Ganon ba? Eh paano kasi lahat kayo ay napaka-successful na sa buhay at masaya ako para sa inyo, anak.” Malambing na wika ng Ginang sa kanya.
“Nagkikita po kami isang beses sa isang buwan, ma'am simula noong nag-college kami ay nakaugalian na po namin iyon.” Nakangiting pagkuwento ni Jefree. Nagulat ang guro sa sinabi niya.
“Talagang hindi kayo mapaghihiwalay ano? Maganda iyan na hanggang ngayon ay may unity pa rin.” Ngumiti si Jefree sa sinabi ng Ginang.
“Oh ayan na pala si Sheena.” Naglakad na parang model sa red carpet si Sheena tiyaka nagpose para sa picture.
“Good evening, ma'am!” Masiglang bati ng dating estudyante sa ginang.
“Ang ganda mo talagang bata ka, sinong mag-aakala na ang dating muse sa classroom ang mag-rerepresent ng bansa sa darating na Miss Universe?” Pagpuri sa kanya ng guro. “At ikaw ang pinaka-bata sa buong klase, hindi ba? Hindi lang maganda. Matalino na rin, advance student.” Sheena flattered by what her teacher said and politely said thank you.
Sunod-sunod nang dumating kaya masayang-masaya ang guro na makita niyang muli ang kanyang mga estudyante. Pinakahuling dumating si Madelyn at si Brandon dahil gusto talaga ni Madelyn na maging pasabog ang entrance niya.
“Is that Brandon?” Tanong ni Zyrene kay Hahn.
“Brandon who?” Tiningnan na ngayon ni Christy ang red carpet kung saan kinukuhanan ng picture sina Madelyn at Brandon.
“Brandon Almonte?” Pagtatanong ni Cathlyn.
“I thought Mad's boyfriend is Isaiah, what happened?” Si Joanne naman ngayon. Nakapabilog kasi silang babae habang nasa kabilang table muna ang mga lalaki, mamaya sila magsasama para ipagdikit ang dalawang table.
“I bet they were in a long distance relationship.” Sacha said while playing her glass of wine and seriously watching the two.
“Totoo nga ang hinala natin noon na malungkot si Mad nung grade twelve tayo dahil biglang nag-transfer si Brandon.” Sabi ni Antoniette sabay higop ng champagne niya.
“Who really thought that they would end up together, right?” Masayang sabi ni Cassandra na hindi na nagulat pa.
Samantala sa upuan naman ng lalaki ay naulanan ng pang-aasar si Isaiah dahil sa pa-entrance nina Madelyn at Brandon. Umiling na lang si Isaiah tiyaka ininom ang kanyang champagne, basta ang mahalaga ay nakita niya ngayon ang dalaga.
“Kaya pala laman na rin ng news si Brandon dahil bumalik na siya sa Pilipinas.” Si Aaron, napailing si Isaiah sa sinabi niya.
“College pa lang tayo ay bumalik na siya sa Pilipinas.” Napatingin lahat sa kanya dahil sa sinabi niya. “Isang taon lang siya sa America dahil sa lolo niya pero bumalik din sa Pilipinas para ipagpatuloy ang pag-aaral niya rito.” Pagkuwento niya pa.
“How did you know?” Michael asked him curiously. Maging ang kasamahan nila sa lamesa ay nagtataka kung paano nalaman ni Isaiah iyon.
“Since when did you two close?” Noah asked. Paano ba naman kasi alam ng lahat na may gusto si Isaiah kay Madelyn at si Madelyn ay may gusto naman kay Brandon noon.
“Ako iyong best friend ni Brandon ah!” Hermes said. Sila kasing dalawa ang magkasama simula noong Junior High. “Bakit hindi ko alam iyon?” Takang tanong pa niya.
“He's living a lowkey life.” Saad ni Isaiah na para bang kilalang-kilala niya ito. “Madelyn told me when we're still in college that she's meeting him.” Tinungga agad ni Isaiah ang inumin na hawak niya.
“Oh the best friend.” Pang-aasar ni Vanz kay Isaiah. Agad siyang sinuway nina Calyx dahil minsan ay insensitive si Vanz sa mga binibitawan niyang salita.
“Hey boys!” Pagtawag ni Madelyn sa atensyon nila. “Gonna leave my boyfriend here.” Masiglang sabi pa niya.
Kaagad na binati ng lalaki si Brandon, nagpaalam si Madelyn kay Brandon para pumunta sa mga girls. Kaagad siyang sinalubong ng yakap ng mga babae at may kasama pang tili na parang bumalik ulit sila sa pagiging high school student.
Napatingin din sa kanila ang mga alumni na galing sa ibang section. May namamangha, meron din naman ayaw sa kanila dahil nayayabangan sila. Pero ang mga guro nila ay manghang-mangha sa mga estudyante nila dahil sa pagiging successful nila sa buhay. At panigurado ay mababalita ang alumni homecoming nila dahil sa mga estudyante nila. Magandang promotion din iyon para sa school.
“Hey!” Agad na nakipag-high five si Hermes kay Brandon. “Nagtugma rin ang schedule natin ah?” Sabi pa nito tiyaka niya inakbayan ito.
“Long time, no see, dude!” Bati naman nina Vanz. Isa-isa silang nakipag high-five sa kanya.
“Sayang hindi mo na lang natapos dito yung Senior no? Para kasama ka sa graduation picture.” Sabi ni Noah tiyaka uminom.
“My lolo needs me abroad.” Pagkuwento niya, iyon ang totoo dahil may sakit ang lolo niya noon.
“How was him?” Calyx asked. Kumuha ng glass si Brandon na may alak para inumin iyon.
“He passed away. That is why I also came back here in the Philippines when we're in college.” Tumango silang lahat sa sinabi ni Brandon.
They were all good friends back then. Kaya nagkaroon muna sila ng little catch up, mostly about din sa business ang pinag-uusapan nila since may kanya-kanya silang business.
“Itong si Doc. Aaron ang balita all over the world!” Inakbayan pa ni Ranz si Aaron habang umiinom sila.
“The one and only who invented the medicine for cancer patients!” Pagmamalaki pa ni Vanz na para bang siya ang nagpa-aral sa kanya.
Samantala, sa upuan naman ng mga babae ay puno ng hagikgik habang nagtatanungan at nagkukuwentuhan sila tungkol sa love life ng isa't-isa.
“Ikaw ha! Anong feeling na ang high school crush mo ay boyfriend mo na ngayon?” Pagtatanong ni Cassandra kay Madelyn. Nang-iinis naman siyang ngumisi kaya napaulanan siya ng hampas ng mga kaibigan niya.
They all act professional when they are at work pero kapag magkakasama sila ay parang bumabalik lahat sila bilang isang estudyante. Parang they release their stress by talking to each other.
“Masaya syempre. Who wouldn't be happy? It's a dream come true!” Masayang sagot niya sa kanila.
“Eh itong isang ito, sino ba ang boyfriend?” Tanong ni Antoniette tiyaka sinundot sa tagiliran si Cassandra.
“Enebe,” Pagbibiro ni Cassandra dahilan ng tawanan ng lahat. “Tiyaka na no. Lowkey muna kami.” Makahulugang sambit pa niya. Napailing na lang sila dahil mukhang iisa lang ang hinala nila, yung actor na nalilink sa kanya at alam naman nilang may teleserye ngayon iyon kaya hindi pwedeng ipagkalat.
“Ikaw ba, Sheena? Ikaw ang pinaka bunso sa amin. Hindi ba may boyfriend ka bago ka sumali sa Bb. Pilipinas?” Tanong ni Hahn.
“Are you interviewing me right now?” Pagbibiro ni Sheena. Umirap ng pabiro si Hahn.
“If there's no camera, I am talking to you as a friend not as a reporter.” Sagot ni Hahn sa kanya. Natawa si Sheena.
“I'm just kidding.” She said. “Well, we broke up a month before my contest.” Nagulat ang lahat sa sinabi niya.
“Ha? Bakit? Did he cheat?” Concern na tanong ni Antonette.
“If you need back up, you can call us.” Pabirong siniko ni Sacha si Sheena tiyaka tinanguan.
“Remember when someone messed up on our section? It's us versus her.” Joanne said, reminiscing their moments that day.
“Yeah, how could I forget that? That was fun!!” Natatawang sabi ni Sheena.
Hanggang sa nagsimula na ang programa. Pinag-isa na rin nila ang kanilang lamesa at upuan tiyaka tahimik na nakinig at nanood ng programa. Sabay-sabay silang natawa sa mga pictures na nag-flash sa projector dahil halos section nila ang mga nandoon.
Mga epic picture nila iyon, winning different kind of contest at may iilan na picture nila na sinubmit ni Cassandra since siya ang halos may copy lahat ng picture nila noon.
Bigla nilang narealize na. Tumatanda na nga talaga sila pero pare-pareho silang wala pang pamilya. Halata sa kanila na mas focus muna sila sa career nila ngayon.
Hanggang sa natapos ang program at nagsimula na ulit siyang magkuwentuhan. Ang lamesa nila ang pinakamaingay na lamesa, tawanan at kwentuhan na may konting asaran. Ang ilang mga alumni na galing sa ibang section ay nakatingin lang sa kanila. Ang iba ay masaya para sa kanya pero ang iba ay naiinggit dahil sariling section lang nila ang kumpleto.
Binati nila ang kanilang guro ng lumapit ito sa kanila. Bakas ang saya sa kanilang guro na makita silang sama-sama at masayang nagkukuwentuhan. Lahat sila ay tagumpay sa buhay kaya lalo iyong nagpasaya.
“Kami lang po ang kumpletong section ma'am.” Mayabang ulit na sabi ni Vanz sa guro.
“Ito talagang si Vanz pilyo pa rin.” Tawang sagot sa kanya ng guro. “Kumpleto ba kayo? Hindi ba kayo twenty-two noon?” Tila inaalala ng guro kung sino pa ang kulang sa kanila habang tinitingnan isa-isa ang mga estudyante niya. “Itong si Brandon ay hindi na rito noong grade twelve, naging estudyante ko kayo noong grade eleven kaya kilala ko pa naman.” Pagturo niya kay Brandon dahil tila may hinahanap.
Natahimik ang grupo. Kung kanina ay masaya at masigla silang nagkukuwentuhan at nagtatawanan ngayon ay parang bigla na lang natikom ang bibig ng lahat. Walang sino man ang nangahas na sumagot sa kanilang guro.
“Ah ma'am.” Naiilang na pagbali ni Jefree sa katahimikan kaya siya ang tiningnan ngayon ng guro. “Baka nakakalimutan niyo na po kung anong nangyari.” Binigyan niya ito ng kaunting tawa para hindi masyadong nakakailang.
“Ha? Anong nangyari?” Tila nalimot na nga ng guro kung ano man ang nangyari sa isa nilang kaklase.
Samantala may isa sa kanila ang nagtiim ang bagang dahil sa pagkasuklam. Paanong ang nasa gurong nasa harapan nila ay nakalimutan kung anong nangyari? Kinuyom niya ang kamao niya at nagpipigil ng emosyon.
“Si ma'am, tumatanda na oh.” Pagbibiro ni Noah para mawala ang katahimikan at pagkailang sa bawat-isa sa kanila.
“Pasensya na, kailangan kasi akong magpagamot noon kaya pagkatapos niyong maka-graduate ay hindi na ako nagturo.” Paghingi ng paumahin ng guro. Lahat sila ay nagulat dahil walang sino man sa kanila ang may alam na tumigil na pala ito sa pagtuturo pagkatapos ng batch nila.
“Ha? Bakit po?” Gulat na tanong ni Hahn. Matamlay na ngumiti ang guro sa kanila.
“Hindi ko na rin matandaan eh.” Malamyos na sagot ng guro. Natahimik silang lahat at nagtitigan, may haka sila kung bakit pero mas pinili pa rin nilang manahimik. “Ah baka nga twenty-one lang talaga kayo, baka guni-guni ko lang iyon. Pagpasensiyahan niyo na ang ma'am niyo, tumatanda na.” Natawa ang guro sa sarili niya dahil baka nga nagkamali lang siya ng bilang.
‘hindi… hindi ka nagkakamali….’ turan ng isang boses mula sa isipan.
Naiilang na natawa ang grupo dahil doon. Pero ang isa ay bahagyang napangisi dahil kahit papaano ay alam pa pala ng mga taong ito kung anong nagawa nila.
Pasimple niyang kinuha ang cellphone ng magvibrate ito.
: Paano nakalimutan ni Ma'am ang tungkol sa kanya? Mga walang puso!
Inangat niya ang tingin niya tiyaka tumingin sa gilid. Nagtama ang mga mata nilang punong-puno ng galit.
Nagtipa siya ng mensahe para makapagreply siya.
: I don't know but let's check it later at home.
: I'm so sick to be with these demon
: So I am.
Biglang naiba ang usapan nila at napag-usapan kung mag outing sila ng one week, para makapagpahinga na rin sila sa trabaho. No work, more rest. Kaya agad silang sumang-ayon.
: Nice. Proceed to the plan.