Chapter 24: Threat

2672 Words
CHAPTER 24 Threat Parang nagyelo ang buong pagkatao ni Nydia dahil sa nangyari, umawang din ang kanyang labi dahil sa pagkagulat. Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ng kanyang kaklase. Nanlalabo ang kanyang mata tiyaka niya tiningnan ang kamay niya, hindi niya ito maigalaw man lang para ibaba dahil sa pagkagulat niya.  Narinig niya ang mga bulung-bulungan sa kanyang paligid. Dahil nakuha nila ang atensyon kanina ay alam niyang nasaksihan ng lahat kung gaano niya masayang inalok ang kanyang kamay pati na rin ang masigla niyang pagbikas ng kanyang pangalan ang kaso nga lang ay tinarayan siya ni Sacha tiyaka pa niya ito tinalikuran. Hindi niya alam kung mas hihilingin pa niya na sana tinapik man lang ni Sacha ang kamay niya dahil baka sakaling kusang bumaba ito. Kinagat niya ang kanyang labi, nagpipigil ng hiya dahil sa pagkakapahiya.  Hindi maiwasan ang panginginig ng kanyang kamay na nakabitin pa rin sa ere dahil hindi niya alam kung paano siya magreeract. Habang pinagmamasdan siya ng ibang mga estudyante, samu’t-saring mga opinyon ang kanyang naririnig.  “Eww, sino ba naman kasing makikipag-kaibigan sa kanya?” “Feeling ba niya magiging kaibigan niya kaagad si Sacha? Duh! Ang taas kaya ng standard ni Sacha sa mga kaibigan niya,”  “Kawawa naman siya,”  “Kung sigurong ako siya, hindi na ako magpapakita pa sa school,”  “Magiging classmate pa niya, mukhang hindi siya welcome. Bawal pa naman magpalipat ng section,  ‘diba?”  “Grabe, ramdam ko hanggang dito ang hiya!”  Iilan lamang ‘yon sa mga naririnig niya. Nakayuko siya pero hindi niya pa rin alam ibaba kung paano ang kanyang kamay. O umaasa pa rin siya na babalikan siya ng babae na si Sacha at kukunin ang kanyang kamay at sabihin na prank lang ‘yon, pero malabo dahil napansin niya ang kanyang mga kaklase na nakatingin lang sa kanya at nang tumalikod na si Sacha ay parang wala lang silang nakita at nagtuloy sila sa kanilang kwentuhan.  Ibaba na sana ni Nydia ang kanyang kamay ang kaso nga lang, bago niya maibaba ‘yon ay may naramdaman na siya ng malamig ngunit malambot na mga kamay na humawak sa kanyang palad. Muling umawang ang kanyang labi hindi lamang sa pagkagulat kung hindi pati na rin sa pagtataka kung sino man ang nagkusang hawakan ang kamay niya galing sa pagka-kapahiya. Inangat niya ang kanyang ulo at nakita niya ang walang emosyon na lalaki habang nakatingin sa kanya at magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay.  “Michael… Michael Flores,” pagpapakilala niya tiyaka niya bahagyang ginalaw ang kanilang mga kamay. Hindi alam ni Nydia kung anong magiging reaksyon niya, biglang tumaba ang kanyang puso na meron naman pala siyang makakausap kung sakali man. Nang binitawan na siya ng lalaking may pangalan na Michael ay kaagad niyang binaba ang kanyang kamay tiyaka siya nagmadaling umalis doon para pumunta sa malapit na bathroom, hindi na kasi niya kaya ang tensyon na nababalot sa kanila dagdag mo pa ang mga maiingay na komento ng mga estudyante, mukhang famous lahat ng mga magiging kaklase niya at mukhang hindi rin siya welcome sa kanila.  Huminga siya ng malalim tiyaka siya pumasok sa isang cubicle. Hindi naman niya pwedeng i-judge na lang ganon ang lahat ng mga kaklase niya dahil lang sa isang babae na ayaw sa kanya. Hindi naman siguro sila lahat na ganon sa pinakita ng babae sa kanya, baka may kagaya rin noong Michael na nagpakilala sa kanya.  Habang nakaupo siya sa nakasarado na inidoro ay naramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone sa bulsa niya kaya kaagad niya itong kinuha. Napangiti siya nang makita ang pangalan noo, kinuwento niya maging sa kanyang ate kung ano ang pakiramdam niya ngayon. Ayaw naman niyang sabihin kung anong nangyari sa kanya sa pagkakapahiya kaya hindi na niya iyon pa sinabi para huwag na rin mag-alala.  Narinig na niyang nagsimula na ang flag ceremony pero hindi siya umalis sa cubicle, hindi niya pa kayang harapin ang kanyang mga kaklase at maging ang mga estudyante na nakapanood sa nangyari kaninang dalawa noong babae. Napatingin siya sa kanyang kamay na kanina niyang inalok sa babae pero hindi niya ito kinuha sa halip ay tinalikuran niya lamang pero napangiti siya nang maalala niya na may ibang kamay ang kumuha at nagpakilala sa kanya. Alam niyang maliit na bagay lang ‘yon pero hindi niya maitatanggi maging sa kanyang sarili ang kasiyahan na nararamdaman niya dahil kahit papaano ay may naka-appreciate sa kanyang existence.  “You don’t need to be that b***h, you know,” sambit ni Michael nang makatabi siya kay Sacha. Binulong niya lang ‘yon dahil ayaw niyang marinig ng ibang estudyante. Ang number one rule nilang magkaklase ay kung ano man ang napag-usapan o nangyari sa apat na sulok ng room ay mananatili don. Pero dahil wala sila sa classroom ay mas pinili niyang tabihan ito tiyaka siya bumulong para hindi sila gawan ng issue ng mga estudyante makakarinig sa kanila.  “Why? I don’t like her,” kibit-balikat na sagot ni Sacha, hindi man lang siya nainis o nagalit sa pagkakausap sa kanya ni Michael dahil naintindihan niya na president siya sa kanilang classroom at president din siya sa buong school kaya kailangan niya talagang maging mabuting estudyante. Kahit na secretary sa SSG si Sacha ay wala lang ‘yon sa kanya.  “You shouldn’t make her feel awkward,” ganting bulong ni Michael sa kanya para pangaralan ang kanyang kaibigan. Nakita niya kung gaano ka-awkward hindi lang kay Nydia kung ‘di maging sa mga estudyanteng nakapanood at nakarinig.  “Why make a fuss about it? Maybe you should do something since you’re the SSG president to get her away from our section? Huh? Mister President?” Sacha mocked him since she didn’t want anyone to lecture her especially when she thinks she didn’t do anything wrong—well that’s far as she knows.  “What’s your problem with her?” hindi mapigilan na maging curious ni Michael dahil sa inakto ng kanyang kaibigan. Nakahalukipkip siyang hinarap ni Sacha tiyaka niya pa ito pinagtaasan ng kilay.  “I just don’t like her, I don’t like her vibe, I don’t like the way she talk, I don’t like the way she move, I don’t like the way she dress, I don’t like her facial expression, I don’t like her taste in bags, I don’t like her taste in shoes, I don’t like her teeth, I don’t like her voice, I don’t like her face, I don’t like her hair, I don’t like her eyes, I don’t like her lips, I don’t like her hand nor her finger. To cut all of this and make it in three words: I don’t like her,” punong-puno ng diin na sagot ni Sacha sa kanyang kaibigan.  “Or maybe you don’t like her because she’s a threat to you?” biglang lumapit sa kanila si Vanz lalo na’t narinig niya ang maagang ranta ni Sacha at kung gaano karami ang ayaw niya sa babaeng kanina lang naman niya nakilala. He loves teasing Sacha because that’s her way to make a move o para magpapansin. “Shut up,” umirap si Sacha dahil alam niyang wala ng kapupuntahan ang usapan nila nang sumingit ang boses ni Vanz.  “Why? It’s okay, all of us feel the same way,” sambit ni Vanz tiyaka niya nilagay ang kanyang kamay sa loob ng bulsa tiyaka siya tumingin kay Michael na nasa kanyang likuran, magkaiba kasi ang linya ng mga babae at lalaki, nasa likuran na sina Michael at Sacha, magkatapat habang si Vanz ang nasa harapan ni Michael. “Right, Michael?” natahimik si Michael dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan na si Vanz. Ayaw niyang magsinungaling pero aaminin niya na totoo nga ang sinasabi ni Vanz.  “See?” masayang sambit ni Vanz tiyaka pa niya minuwestra si Michael gamit ang kanyang kanang kamay para ituro niya ito. Parang nakuha na niya ang kasagutan dahil sa biglang pagtikom ng bibig ni Michael na para bang pinatotoo niya ang hinala ni Vanz. Ganito kasi palagi ang kanilang kaibigan na kapag tinikom na niya ang kanyang bibig it’s either ayaw niyang magbigay ng opinyon o dahil lowkey ay um-agree siya sa kunga no man ang sinabi ng ibang tao.  “Even Michael saw her as a threat,” proud na sambit ni Vanz, gusto man niyang maging proud sa kanya si Sacha pero as of the moment ay break sila, naging sila noong grade nine pero palaging on and off ang kanilang relasyon dahil na rin sa magulong desisyon ng dalaga. “Even the valedictorian saw a transferee a threat!” maligayang sambit ni Vanz na para bang naipaliwanag niyang mabuti kay Sacha kung ano man ang bagay na bumabagabag sa kanya pero dahil galit ang dalaga sa kanya at break sila ngayon ay inirapan niya lang ‘to tiyaka siya napailing.  “Ano bang meron ang transferee na ‘yon at napunta siya sa star section? The fact that she’s a transferee, that’s new,” tumalikod na si Vanz kay Michael pero tuloy-tuloy pa rin ito sa pagsasalita. “Imagine, mawawala sa’yo ang pagiging valedictorian dahil lang sa babaeng transferee? Dude, where’s your pride?” pang-aasar ni Vanz tiyaka pa siya muling humalakhak. Umigting ang panga si Michael dahil alam niyang pinaparinggan siya ni Vanz. Nagtataka siyang nilingon ni Ranz dahil wala namang kausap ang kanyang kaibigan. Napailing na rin siya, siguro ay isa itong side effect sa pagiging grade twelve.  “Even a parent offered a half million donation in our school just so their child can get into our section but the principal declined it since she values wisdom over money. Paano nga kaya nakapasok sa section natin iyon? Maybe something special about her, maybe her IQ and entrance exam were both A+s,” ngumisi pa si Vanz na kahit hindi niya makita ang mukha ni Michael ay alma na niya ang mukha nito kapag naasar, sunod-sunod ang paggawlaw ng kanyang panga. At dahil sa anino ni Miachel dahil sa sinag ng araw at nakita niya kung paano napahilot sandali si Michael sa pagiging honor.  Oo, mahalaga kay Michael ang pagiging honor o matataas ang grades dahil nape-pressure siya na siya na lang ang inaasahan ng kanyang pamilya na makapagtop nocth sa BAR exam kahit na ang tita niya noon ay nagtop sa BAR Exam kaya siya ang inaasahan na susunod sa kanya.  At ayaw niya rin mawlaa ang pagiging valedictorian niya ngayon dahil alam niyang madidismaya ang kanyang pamilya kapag bigla siyang nawala. Mukhang allergic pa naman sa 2nd place ang pamilya miya.  “Don’t mind him,” bulong ni Sacha dahil hindi na naman niya maintindihan kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Vanz at inaasar-asar pa rin niya si Vanz.  “I’m sure, she’ll give up. Hindi siya magtatagal sa atin kaya hindi siya threat, okay?” pagpapaliwanag pa ni Sacha dahil alam niya ang pakiramdam nagyon ni Michael. “We can do something to kick her ass out, right? I mean, even if we're not following the rules in the handbook just so we made sure that she’ll leave us… for good.” tuloy-tuloy na sambit ni Sacha na para bang may plano na kaagad siya sa ganoong kaikling minuto na napanood niya at nakilala niya ang bagong transferee.  “What do you mean, Sacha?” pagtatanong ni Michael, alam niyang may namumuong kompetisyon sa kanilang dalawa ng bago pero ayaw niya ang tono at plano ni Sacha. Baka kung anong gawin niya na pagsisisihan niya sa kanyang buong buhay. “I mean, if we can made hel feel that she’s an outcast that she doesn’t belong in our section the maybe we could make her leave,” pag-share ni Sacha sa kanyang naiisip dahil mukhang mahina naman ang babae at hindi siya mahirap paiyakin. Nakita nga niyang nakayuko siyang nagmamadali papunta kung saan kahit na hindi pa nagsisimula ang flag ceremony ay alam niyang naiiyak na ang babae dahil sa pagkakapahiya.  “How can you think of something like that with your fellow Filipina? With your co-student and she’s your classmate!” pagpapaintindi ni Mihael sa kokote ni Sacha. “Yes, I found her as threat but at the end of they day, she didn’t even wish to be part in our section, it’s not her fault, Sacha.” muli niyang paalala sa kanyang kaibigan pero inirapan lang siya ni Sacha at nang marinig nila na magsisimula na ang flag ceremony ay bigla silang umayos ng tayo.  “Do you like the newbie?” pagtatanong ni Zyrene sa kanyang kaibigan na si Cassandra habang naghihintay sila sa pagsisimula ng flag cereminy at kasalukuyang nagtatalo sina Michael at Sacha dahil sa babaeng pinag-uusapan din nina Zyrene.  “Well she seems kind and cute, why?” nagtatakang tanong ni Cassandra sa kanyang kaibigan dahil bigla niyang tinanong ang ganyan. Alma niyang wala naman masyadong pake si Zyrene sa paligid niya kaya bahgaya siyang nagtaka na para bang hindi si Zyrene ang nagtanong non dahil hindi siya ma-chismis kaagaya niya.  “Wala lang, I mean, ilan kaya ang IQ niya?” pagtatanong ni Zyrene. Parang tanggap niya lang ang bago nilang kaklase na si Nydia kapag siya ang pinakamababa na average sa kanilang lahat. Isa lang ang ibig sabihin non na ang babaeng ‘yon ang magiging last sa top list.  “I don’t know, maybe you can ask her?” pagtatanong na sagot ni Cassandra dahil hindi niya magets ang kanyang kaibigan. “Maybe higher than those who studying here in different strands or track or whatever since she’s qualified to be on our list,” sambit ni Cassandra dahil iyon ang sa tingin niya ay naging way para makapasok ang transferee sa kanilang section.  “Aren’t you worried?” pagtatanong ni Zyrene sa kanya. Kumunot ang noo ni Cassandra dahil sa tanong ng kanyang kaibigan.  “About what?” Si Cassandra.  “About her IQ? That she might be a graduated valedictorian not us? My pride can’t face the other section since the valedictorian is not the one we suspect and assume,” paliwanag ni Zyrene.  “I understand your sentiments,” sagot ni Cassandra dahil tunay nga naman niyang naintindihan kung ano man ang tinanong sa kanya ni Zyrene. “But I trust Michael, the top one not just in our room but also in our batch. Why? Won’t your trust you friend?” pagtatanong ni Cassandra kaya natikom sandali ang bibig ni Zyrene.  “Sabagay, Michael can do it without a doubt!” sambit ni Zyrene na para bang hindi niya pinagdudana ang binata noon. “In our batch, the valedictorian must and should be in our class.” Wika pa niya.  Competitive sila, oo. Pero never nilang kinumpara ang kanilang mga grades at never silang nagka-inggitan sa grades dahil alam nilang lahat na mawala na ang lahat sa kanila huwag lang ang isa’t-isa. Noong namulat pa lang sila at namumulat palang sila sa reyalidad ng buhay ay nandiyan sila. Magkakasama na sila sa loob ng limang taon kaya naman para bang pamilya na ang turing nila sa isa’t-isa.  Hindi sila naiinggit kung ano man ang achievement ng isa sa kanila, alam nilang deserve niya ang achievement na iyon dahil pinag-aralan niya ng mabuti. Na ikaw na lang mismo ang maihiya kapag wala kang nakuhang achievement o kahit place man lang sa contest na sinalihan mo dahil halos lahat ay nakakuha.  “Yes, he should be the class valedictorian, he knew how he could handle things. Let's just trust him with this one.” Cassandra said tiyaka sila natigilan nang marinig na nila na mag-start na ang flag ceremony.  Kahit na lahat sila ay iniisip na threat si Nydia ay wala silang kamalay-malay na nasa loob ng cubicle si Nydia, nag-iisa at pinapakinggan lang ang ceremony sa loob ng CR dahil nahihiya na siyang lumabas pa. Dahil baka walang kakausap sa kanya o papansin man lang.  Which is she’s right since they all look at her; a threat to their success.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD