Chapter 23: Transferee

1905 Words
CHAPTER 23 Transferee  Kabado si Nydia habang nakatingin sa labas ng kotse, kita niya ang iba’t-ibang estudyante na maayos at malinis ang mga uniporme habang papasok sa paaralan na nilipatan niya. Nakita niya na ang iilan sa kanila ay may mga kaibigan na, magkakahawak kamay silang papasok at bakas ang excitement sa kanilang mga boses. Kahit na nasa loob siya ng boses ay pakiramdam niya ay rinig niya ang mga sigawan at tawanan na galing sa mga estudyante sa labas. Napatingin siya sa rear mirror ng sasakyan kung saan nagtama ang tingin nila ng kanyang driver.  “Huwag po kayong kabahan ma’am,” sambit nito sa kanya. Pero dahil pinuna iyon ni Manong, isa lang ang ibig sabihin non na halata na kinakabahan siya sa kanyang itsura. Lalo tuloy siyang kinabahan dahil baka pagtawanan siya o ‘di kaya naman ay iwasan siya ng kanyang mga kaklase.  “Manong, paano kung hindi nila ako magustuhan?” hindi niya maiwasan na kabahan, mula noong elementarya pa lang kasi siya ay sa public school na siya nag-aaral at kahit na ka-lebel niya ng antas ng pamumuhay ang mga kasama niyang bata ay wala pa rin siyang naging kaibigan dahil hindi katulad ng ibang bata, hindi niya naranasan na maglaro. Tinutulungan niya palagi ang kanyang lola sa mga labada na tinatanggap nito.  Alam niya na malayo ang agwat ng pamumuhay nila kaya hindi niya alam kung paano makipag-kilala sa kanila. Kung paano sila kakausapin para magkaroon siya ng kaibigan. Sa bag pa lang nila at sapatos mukhang mamahalin na iyon, bahagya siyang tumingin sa bag na dala-dala niya pati na rin sa bagong sapatos na binili nila ng kanyang kapatid. Mahal din ang mga ‘yon dahil noong una pa lang ay hindi na siya pumayag na bilhin iyon pero mukhang in-spoiled siya ng kanyang kapatid.  “Imposible ‘yan ma’am, mabait ka naman kaya kahit isa lang sigurado sa ilang daang estudyante ay magkakaroon ka ng kaibigan.” pang-engganyo ni Mang Robert sa kanya dahil mukha talaga siyang kabado sa puntong hindi na niya kayang buksan ang pintuan ng sasakyan para bumaba na siya at pumasok sa eskwelahan.  Sana nga ay magkaroon siya ng kaibigan. Dahil bagong environment ang kanyang ginagalawan, hindi katulad noong nasa probinsya pa siya na halos magkakakilala lang naman sila pero mukhang iba dito sa Manila dahil mukhang kailangan niya ng oras niya sa maghapon para malibot ang buong school at hindi niya kayang makilala ang lahat ng estudyante.  Ang kanyang kapatid kasi ay naampon ng mayaman na businessman noong bata pa sila, kaya ngayon na nagkita sila ay nakiusap ang kanyang kapatid sa mga umampon sa kanya na kung pwede siyang kunin kasama ang kanyang lola. Ang mabuti na lang ay mababait ang mga naging magulang nito at tinuring sila na isang pamilya. Sila pa nga ang ang-suggest na sa mamahalin na school siya papag-aralin. Hindi naman problema sa kanya ang pag-alis nila ng probinsya dahil wala naman siyang naging kaibigan doon. Hindi siya nagkaroon ng kaibigan dahil mas pinili niyang magtrabaho para makatulong sa araw-araw na pagkain ng kanyang lola keysa gumala kasama ang kanyang mga kaklase. Sa bahay, pagtatrabaho, at sa eskwelahan lang umiikot ang kanyang buhay. Sa kanyang lola niya lang umiikot ang mundo niya.  “Normal lang naman kabahan ma’am pero sana po malabanan niyo ang kaba niyo para mamayang susunduin ko kayo ay may ngiti na sa labi niyo,” kahit papaano ay naibsan ang kaba niya dahil sa sinabi ni Manong. Maging ang mga helpers o kasambahay ng magulang ng kanyang kapatid at kahit na alam nilang hindi man sila tunay na anak ay hindi nila ito tinuring na iba.  “Salamat po,” ngumiti siya pagkatapos ay huminga ng malalim tiyaka niya hinawakan ang bukasan ng pinto. Wala siyang magagawa kung hindi bumaba sa sasakyan at pumasok sa eskwelahan. Lalo na at hindi pa niya alam kung saan ang section niya at kung saan building ang kanyang classroom, kailangan niya pang tingnan sa bulletin board dahil iyon ang sinabi sa kanila noong enrollment. Ang hiling niya lang na sana ay wala siyang masyadong kaklase na pabigat sa school works o ‘di kaya ay mga bully.  Binuksan na niya ang pintuan tiyaka siya marahan na lumabas. Inikot niya ang tingin niya para mabilis na tingnan at nang narinig na niya ang ingay ng mga estudyante na nag-uusap kung anong nangyari sa bakasyon nila, ang mga magkakaibigan na kinakabahan dahil baka hindi na sila maging magkaklase, ang mga lalaking nag-uusap sa kanilang bagong sapatos o ‘di kaya naman ay sa playstation. Muling bumundol ang kaba sa kanyang dibdib dahil mukhang magkakilala na ang mga estudyante, mukhang normal na lang sa kanila ang pagpasok pero napatingin siya sa mga tingin niya na grade seven na halos salaminan kung ano man ang reaksyon ng kanyang mukha. Pero understable naman ‘yon dahil mga freshmen palang sila. Siya ay grade twelve na pero halos taguan niya ang mga tao. Kaya nga niya kinuha ang HUMSS na strand ay para kahit papano ay kumapal ang kanyang mukha pero natapos na siya ng garde eleven, halos manginig na siya sa kaba sa t’wing nakakita siya ng maraming tao at baka tuluyan na nga siyang manginig kapag nasa kanya ang atensyon ng lahat.  Naapsinghap siya dahil wala na talaga siyang choice kaya muli siyang nagpaalam sa kanilang driver tiyaka niya sinarado ang pintuan. Yakap-yakap niya ang kanyang mga libro para bang natatakot siyang may kumuha ng mga iyon sa kanyang kamay dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Naaksuot na ang kanyang ID na pinadala sa kanilang bahay bago ang pasukan kaya naman hindi na siya sinita pa ng guard, may iilan na nasita ng guard kaya naka-linya sila malapit sa guard house. Mukhang mahigpit ang rules sa school na nilipatan niya kaya ‘di niya dapat makalimutan ang ID niya.  “Uhm, excuse me, saan ‘yong bulletin board?” pagtatanong niya nang may nakasalubong siyang isang estudyante, mas gugustuhin na niyang magtanong sa nag-iisang estudyante keysa sa magkaibigan dahil kinakabahan siya na baka husgahan nila ito pagkatapos. Mabuti na lang din ay hindi siya nautal sa pagtatanong dahil kung hindi ay kahiya-hiya siya sa harapan ng estudyante na mukhagn mas matanda pa ito sa kanya.  “Doon po,” sambit niya tiyaka niya tinuro ang mga nakahilerang bulleting board. Nagpasalamat siya sa babaeng pinagtanungan niya bago siya nagpatuloy sa paglalakad. Nahihiya na siya lalo dahil wala na siyang makitang mag-isang naglalakad kung hindi siya na lamang, halos may kasa-kasama na ang iilan kung hindi nila kaibigan ay pniguradong naging classmate nila dati.  “May bagong salta raw sa Grade 12 Class A ah.”  “Oh talaga? Hindi ko napansin?”  “Oo, diba may nag post na sa sss? Hindi ko man din dapat mapapansin ang kaso nga lang ay may nakita ako sa mga comments. Ang dami ngang comments eh!”  “Grabe? Ang talino naman noong nalipat na iyon? Samantalang tayo na matagal ng nasa school na ito at matataas naman ang mga grades ay pahirapan pang makapasok sa Class A tapos siya?”  “True ‘te! Tiyaka isa pa, kung wala naman akong makakasamang transferee mas mabuti pang huwag na lang akog mapunta sa section nila,”  “Totoo! Paano baka OP ka roon dahil simula noong grade seven palang tayo ay magkakasama na sila,”  “At isa pa, napanood mo ba ang debate nila las year? Grabe dudurguin ka talaga nila, kung ako siguro ang naging kalaban nila ay ipapanalangin ko na lang na magkaroon ako ng sakit keysa suputin sila sa mismong contest dahil para ko ng pinahiya ang sarili ko!”  “Gaga, mukhang may weakness naman silang lahat, sa tingin mo?”  “Hindi ko lang sure dahil kung titingnan mo silang buo ay sumisigaw ng perfection kaya nga lagi silang binibida ng mga teacher natin sa atin, ‘diba?”  “Sabagay, pero ano kayang mararamdaman ng trasnferee no?”  “Tingin ko na hindi niya alam na block section simula noong grade seven ‘yan kaya ginrab niya,”  “Sa tingin ko rin… kasi kung alam niya baka papalipat siya o baka malakas din ang loob niya at matalino kaya naman wala siyang pakialam kung baguhan pa lang siya,”  Hindi na niya narinig ang pag-uusap ng dalawang babae dahil nakalayo na sila sa isa’t-isa, patuloy ang marahan niyang paghakbang dahil kinakabahan pa rin siya. May iilan na tumitingin pa sa bulletin board pero may iilan na nakataingin na sa kanilang cellphone. Pero kahit na may ideya na siya kung anong tinitingnan nila sa kanilang cellphone ay mas pinili niya pa rin na tingnan ang kanyang pangalan sa bulletin board.  Hindi siya nahirapan sa pagtingin ng kanyang pangalan dahil nakita niya iyon sa pinaka magandang pagkakaprint na bond paper, malalaki ang font kumpara samga ibang bond paper at may nakasulat na HUMSS CLASS A of 2010. Ngumuso siya dahil kahit na anong gawin niyang tingin sa mga pangalan ng kanyang mga kaklase ay wala siyang nakitang pamilyar man sa kanya, tiyaka bakit naman siya aasa na may makikita siyang pamilyar na pangalan e galing siya sa probinsya?  Halos mapatalon siya sa gulat dahil nag ring na ang bell, pinagmasdan niya ang mga estudyante na palabas sa kanilang mga classroom, nagtataka siya tuloy kung anong meron hanggang sa nag sink-in sa kanya na flag ceremony nga pala. Kaagad siyang naghanap ng pwede niyang pagtanungan, mabuti na lang at nakakita siya kaya tinanong niya kung saan ang linya ng kanyang section.  Pumunta kaagad siya doon hanggang sa may mga estudyante na pababa sa building, halos sabay-sabay sila at lahat ng atensyon ay nakuha nila pero ang bilib niya lang sa mga estudyanteng ‘yon ay kahit ni-isa sa mga nakatingin sa kanila ay wala silang tiningnan pabalik.  Bahagyang umawang ang kanyang labi nang makita niyang unti-unting palapit sa kanya ang mga estudyanteng iyon at napagtanto niyang maari na sila ang magiging classmate niya sa buong taon. Hindi niya maiwasan na mamangha dahil ang tinitingala ng lahat ng estudyante sa kanilang school ay magiging classmate niya. “Excuse me?” pagtatanong ng isang babae sa kanya, si Sacha iyon dahil nagtataka siya kung ano ang tinatayo-tayo ng mukhang tangang babae sa kanilang linya. Matangkad siya pero mas pinili niyang puntahan ang babaeng nakatayo sa kanilang linya para sitahin siya. Mukhang hindi niya alam kung saan siya tumatayo.  “A-ah h-hi!” nauutal na bati sa kanya ng babae.  “Why are you here?” masungit na tanong sa kanya ni Sacha, umawang lalo ang kanyang labi dahil hindi niya inaasahan ‘yon.  “Ah, HUMSS Class A of 2010, right?” pagtatanong niya tiyaka niya bahagyang kinati ang kanyang ulo dahil sa kahihiyan, ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kanyang mga libro. Ngayon ay si Sacha naman ang umawang ang labi dahil sa surpresa, so siya ang transferee sa section nila?  “Ah, my name is Nydia Sandoval,” nilahad ni Nydia ang kanyang kamay habang malawak ang ngiti sa kanyang labi dahil gusto lang naman niyang maging kaibigan ang kanyang mga kaklase. Napansin niya ang pagtingin sa kanya ng lahat ng kanyang mga kaklase, tila ba sinusuri siya ng mga ito. Bahagya siyang nailang lalo na nang maramdaman niyang hindi tatanggapin ni Sacha ang kanyang kamay.  “I don’t care about your stupid name. I don’t like you,” Sacha said before turning her back on her. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD