CHAPTER 22
First Day
Nagdasaan ang mga estudyante para tingnan nila ang kanilang mga section na nakapost na sa bulletin board. Ang iba ay kasa-kasama ang grupo—ang kanilang mga kaibigan noong nakaraang school year. May iilan na naghihinayang dahil hindi na nila naging kaklase ang mga kaibigan nila at may iilan naman na umiimpit ng tili habang nagtatalunan tiyaka magkahawak ang kamay dahil muli silang magkakasama sa panibagong school year.
Samantala, ang mga magkaklase na galing sa star section simula pa noong grade seven sila ay hindi na nila tiningnan pa ang list kung sino ang nasa section nila dahil sanay na sila na sila-sila lang naman ang magkakasama. Ngayon ang huling taon nila biglang senior high school student—bilang isang high school student. Kung ang ibang estudyante ay halos magsisiksikan na sila sa bulletin board, sila naman ay may kumpyansa at tuwid na naglalakad papunta sa kanilang classroom.
Lalo na noong pumasok na sa gate ang magpinsan na si Sacha at Sheena, lahat naman sila ay sikat sa campus pero iba lang ang sikat na mayroon ang dalawa dahil sa angkin nilang kagandahan. Pinasok kasi ni Sacha ang pagmomodelo dahil ‘yon ang gusto ng kanyang ina, simula noong junior high school pa lang siya ay tumatanggap na siya ng mga gig sa mga teen magazine, sinabihan din kasi siya ng kanyang ama na kailangan na niyang mag-ipon ng kanyang sariling pera para makapagpatayo na ng kanilang business. Habang si Sheena naman ay sikat siya hindi lamang dahil sa palagi siyang pambato ng kanilang section sa pageant kung hindi dahil hinahangaan siya ng maraming estudyante kasi ay may talino siyang kakaiba, isa siyang accelerated student.
Parang umayon ang hangin sa paglalakad ng dalawa dahil sa paghampas ng kanilang buhok na tila ginawang runway ang paglalakad sa campus. Hindi lang mga lalaki ang napapalingon sa kanila kung hindi maging ang ibang babae. Halos tumabi rin ang lahat ng makita nila ang pagpasok ng tatlong magkakaibigan, alam nila na hindi lang talino ang meron sa kanila kung hindi kapangyarihan dahil galing silang pare-pareho sa political clan—sila ay sina Vanz, Ranz at Kyle na simula pa lamang noong elementary sila ay magkakasama na sila dahil na rin nasa iisang partido ang kanilang mga pamilya ay maagang nabuo ang kanilang pagkakaibigan.
“Wow! Agaw eksena na naman kayong magpinsan!” sinalubong ni Cassandra ang dalawa pagka-akyat na pagla-akyat pa lang nila sa fourth floor, doon kasi ang kanilang classroom ngayon at nakita ni Cassandra ang paglalakad ng kanyang mga kaibigan dahil nakadungaw ito sa baba. Gusto niya lang makita kung mayroon bang transferee dahil umay na siya sa mukha ng kanyang mga kaklase at maging sa kanilang batch.
“Mag start na raw ngayon ang funds ah!” Sigaw ni Zyrene galing sa loob habang kinakalkal niya ang binili niyang notebook dahil simula noong grade seven pa lang sila ay siya na ang treasurer ng kanilang classroom.
“Ha? First day of school pa lang ngayon ah?” kaagad na angal ni Clarence dahil may pinag-iipunan niya pa ang bagong labas na play station ngayong taon.
“Para marami tayong makalap na funds!” kaagad na depensa ni Zyrene, napakamot na lang sa ulo si Clarence pero kinuha na lang niya ang kanyan iPod tiyaka siya nagpatugtog ng music.
“Wala ng bagong mukha,” singhap ni Sacha bago siya pumasok sa kanilang classroom. Alam na nila kung saan ang pwesto nila dahil simula noong grade seven pa lang sila ay naka alphabetical na ang seating arrangement nila. Ang ibang section ay ‘di nasusunod iyon pero dahil sila ang star section at dapat at nagsisilbing model student ay wala silang magawa kung hindi sundin iyon. Tiyaka isa pa, wala naman iyong kaso sa kanila dahil close naman silang lahat sa isa’t-isa.
“Anak ng!” hindi mapigilan na mainis ni Joanne dahil nagtatakbuhan sina Calyx at Isiah na para bang may nilalaro silang bola kahit naman wala. Papasok siya sa classroom nang muntik siyang mabangga ng dalawang basketball player na wala namang bola.
“Hoy, Noah! ‘Yong utang mong one hundred sa akin noong nag-outing tayo!” paniningil ni Antonniete sa kanyang kaibigan habang naglalaro siya ng NBA sa PSP nito, hindi niya inalis ang tingin niya sa kanyang nilalaro tiyaka siya kumuha ng isang daan sa bulsa niya tiyaka niya binigay kay Antonniete para makabayad na siya ng utang.
“Wow! Himala at hindi late si Cassandra!” OA na wika ni Madelyn nang makita niyang nakaupo sa teacher’s table si Cassandra dahil pumasok na siya kanina bago pa man dumating si Madelyn. Hindi pa rin makapaniwala si Madelyn na hindi late si Cassandra kaya halos hindi na niya maibab aang kanyang bag sa upuan.
“Heto na ang last na first day sa high school,” sambit ni Cassandra na para bang wala man lang ‘yon sa kanya. “Kahit ‘tong araw lang,” natatawang dagdag niya.
“Sus! Ikaw ‘yong last na dumating ngayon kasi wala na ang inspiration mo!” puna ni Hermes kay Madelyn kaya kaagad siyang sinamaan ng tingin ni Madelyn.
“Hala? Natuloy si Brandon? Ang akala ko prank time lang ‘yon,” singit ni Cathlyn nang marinig niya si Hermes.
“Duh! Magka-chat pa naman kami no!” pagmamalaki ni Madelyn dahil totoo naman na palagi silang magkachat ng binata ang kaso nga lang ay siya palagi ang nauunang magchat o ‘di kaya naman ay nag-iisip ng topic pero ayos lang ‘yon basta ba makamusta niya palagi si Brandon.
“Ouch, pain, pighati para kay Isiah,” singit ni Jefree habang may panyo ang kanyang kamay na nakalagay sa kanyang baba. Napatingin si Isiah kay Jefree, sandali siyang napatigil sa paglalaro nila ni Calyx dahil sa pagtataka pero umiling lang si Jefree sa kanya.
“Shiz the three bookworm,” wika ni Sheena nang mapadaan siya sa row nina Christy, Aaron at Michael na ngayon ay nagbabasa ng iba’t-ibang libro. Aaron and Christy read medical books however, Michael was reading Philippine Politics and Governance book.
“Hoy! Bawal magcharge ah?” sita ni Zyrene nang makita niya si Hahn na nagcharge ng kanyang cellphone.
“Anong bawal? Mahal ng tuition fee na binabayaran natin!” kaagad na depensa ng dalaga.
“Aga niyan ah,” komento ni Michael dahil malapit ang kanyang upuan sa saksakan kung saan nakaupo sa sahig na nasa gilid niya si Hahn habang hawak-hawak ang kanyang cellphone.
“Oo, nakalimutan kong magcharge! First day pala ngayon,” sambit niya kaya natawa na lang si Michael at nailing pagkatapos ay tinuon na lang niya ang kanyang pansin sa libro niya.
“Bakit kayo nagbabasa ng STEM related books e mga HUMSS student tayo?” pagtatanong ni Cathlyn dahil magkatabi sila ni Christy, hindi niya alam kung anong trip ng kanyang kaibigan ngayon.
“Mag nursing ako,” tipid na sagot ni Christy. “And the entrance exam in college will be filled with Science and Math,” dagdag pa nito.
“Eh bakit ba kayo nag HUMSS kung papasukin niyo rin pala ang med related course?” nalilitong tanong pa nito sa kanyang kaibigan. Huminga ng malalim si Christy bago niya sagutin ang tanong ni Cathlyn dahil ayaw niyang naistorbo siya kapag nagbabasa siya lalo na kapag educational book ang kanyang binabasa.
“Kasi nandito kayo,” tipid na sagot ni Christy pero iyon ang totoo.
Hindi lang si Christy ang may rason noon kung hindi maging ang iba nilang kaibigan. Noong last year nila sa junior high school ay napag-usapan nila kung ano ang strand na kukunin para sama-sama pa rin sila kahit papaano. Hanggang sa napagkasunduan nila na HUMSS ang kukunin nilang kurso. Na kahit hindi man related iyon sa course na kukunin nila sa college ay sila na lang ang mag-adjust para magkakasama pa rin sila sa dalawang taon nila sa high school. Isa pang dahilan ay ayaw nilang makisalamuha pa sa ibang mga estudyante, ayaw nila ang mga pabigat na kaklase. At least, silang magkakasama ay alam nila kung ano ang weakness at strength nila at panatag sila na lahat ay tutulong t’wing may group activity.
Hindi naman sila nagsisi na bumagsak silang lahat sa HUMSS dahil noong grade eleven sila ay masaya sila t’wing may mga performance sila. Masaya sila hindi lang dahil sa kanilang strand kung hindi dahil magkakasama sila, masaya silang sama-sama at masaya sila sa t’wing may performance o activity sila mapa individual man o groupings. Hindi sila na-stress na paano kung hindi ginawa ng isa nilang ka-grupo ang kanilang part dahil sa kanila ay paunahan at pagandahan pa nga sa paggawa ng part.
“Excited ba kayo sa work immersion?” pagtatanong ni Antonniete nang makalapit siya sa mga kaibigan.
“Medyo hindi, medyo oo,” sagot ni Zyrene dahil ‘yon ang totoo. “Shuffle raw eh, so may chance na magkakahiwalay tayo at ibang section ang kasama natin,’ dagdag pa niya.
May kakilala sila na higher year sa kanila kaya nakapagtanong na sila kung anoa ng gagawin ngayong last year na lang nila sa senior high. Doon nila nalaman na shuffle ang pagpili ng magkakasama sa isang OJT. Gusto sana nila na sama-sama silang lahat pero alam naman nila na madi-divide pa rin silang lahat sa ayaw man o gusto nila.
“Tiyaka ang dami nating thesis ngayon,” malungkot na sambit ni Cassandra dahil iniisip niya pa lang ang paggawa ng thesis ay na-stress na siya paano pa kaya kapag ginawa na niya?
“Flag ceremony in ten minutes,” anunsyo ni Michael sa kanyang mga kaklase pagkatapos niyang tiningnan ang silver wrist watch niya tiyaka niya pinagpatuloy ang kanyang pagbabasa. Biglang umayos ang tayo ang lahat maging si Cassandra na nakaupo sa tecaher’s table ay bumaba na siya para makatayo na siya ng tuwid.
Natauhan ang lahat kaya nagkumpulan na ang mga baabe dahil naghihiraman na sila ng mga salamin para makapaglagay na sila ng lip tint o ‘di kaya ay cheek tint. Hindi naman ganon katingkayad ang kulay na pinahid nila sa kanilang mga labi o ‘di kaya ay sa kanilang mga pisngi dahil baka first day of school ay mapunta sila sa guidance office for disobeying the rules.
“Flag ceremony lang naman bakit kailangan magpaganda?” Umiiling na sambit ni Hermes dahil halos makabuo ng isang malaking bilog ang mga babae dahil tinutulungan nila sa isa’t-isa kung pantay ba ang kanilang lip tint sa labi o kung na-blend ba ng maayos ang kanlang mga blush. May iba pa na nang-iipit at nagpapa-ipit, may nagpapabango at higit sa lahat ay hindi mawawala ang pag-selfie nila na kahit gaano pa sila ka-busy sa pag-aayos ay kaagad silang napapangiti kapag tumapat na sa kanila ang camera.
“Alam mo, Hermes, kung wala kang magandang sasabihin, tingnan mo na lang ako para may makita ka naman na maganda!” sambit ni Antonniete habang kina-curl niya ang kanyang pilik-mata.
Sa totoo lang, wala naman talaga silang pakialam sa kanilang mga istura ang kaso nga lang ay masyado silang famous sa mga estudyante. Lahat sila ay tinitingala at nirerespeto ng mga estduyante kaya gusto nilang ipakita gamit ang kanilang pananamit ng uniform at sa kanilang mga ayos na hindi sila nagkakamali na sila nga ang model student ng buong paaralan.
“Ang tagal mag-ring ng bell dahil may nagha-hallucinate na dito.,” pambabara ulit ni Hermes ay Antonniete, tiningnan ni Antonniete si Hermes tiyaka niya tinaas ang gitnang daliri nito, nilabas pa niya ang kanyang dila na ikinatawa ni Hermes.
“Gago, mukha kang tanga!” Tawa-tawang sigaw ni Hermes dahil bigla na lang siyang napatawa sa paglabas ng dila nito. Mukha siyang spoiled na bata, well, ano pa nga bang in-expect ni Hermes dahil halos lahat ng kanyang mga kaklase—o kaibigan dahil iyon naman ang turing nila sa isa’t-isa. Alam niyang spoiled brat talaga halos lahat sila dahil pare-pareho silang mayayaman at may kaya sa buhay.
“Ikaw mukhang tae!” ganting pabalik ni Antonniete, napailing na lang si Sacha dahil sa asaran ng kanyang mga kaibigan sa kauna-unahang araw ng eskwela.
“Wow, ang matured niyo,” singit ni Chisty nang matapos na niyang pantayin ang kanyang blush on, light lang ‘yon para hindi siya masyadong halata. Malas pa kapag si Mrs Hernandez ang teacher nila sa isang subject, ayaw niya kasi ng makakapal na make up sa mga estudyant.
Napag-usapan kasi noong bakasyon sa kanilang GC ang tungkol sa maturity. Lahat sila ay mature na ang sinasabi nilang katangian nila sa kanilang GC pero kung maakto sila ngayon ay bata pa sila. Sabagay, mga bata pa naman sila kahit na iilan na sa kanila ang nagsipag-debut.
“May bago tayong kaklase?” napatingin silang lahat kay Michael habang nakatingin na ito sa kanyang cellphone, mukhang tapos na siya sa kanyang binabasa dahil sinarado na niya ang kanyang aklat tiyaka niya kinuha ang cellphone niya para magbasa ng bagong balita dahil nanood na siya kagabi.
“We?”
“True ba?”
“Baka fake news ‘yan?”
“Bakit?”
“Simo? Galing!”
“Saang section siya galing?”
“Saan mo nakita? Search ko nga rin,”
“Babae?”
“Lalaki?”
“No judgement, gay? Bi? Trans?
“How old is she or he?”
“Buti napunta siya sa section natin?”
“Maybe he or she was smart?”
“I don’t like a new face,”
“Me too, I hate the new face since I know whoever she is, she’s a b***h. “
Sabay-sabay na sambit ng mga magkaklase dahil bago iyon sa kanila na kahit ang top one ng kabilang room ay never siyang nakalipat sa kanilang section. Hindi naman sa pagmamayabang ang pero pahirapan talagang makapasok sa section nila kaya hindi sila makapaniwala ngayon na mayroong nalipat o nilipat sa kanilang section. Matataas ang mga grades nila kaya iyon ang nagiging basehan sa isang estudyante kung deserve niya ba talagang mapunta sa section nila.
Kumunot ang noo ni Michael habang nakatingin sa list of section. Pinost siguro ng kanilang school sa sss page nila nang sa gayon ay hindi na magsiksikan pa ang mga estudyante sa bulletin board. Kaya naman nakita niya ang list sa sss page ng kanilang school. Hindi niya alam kung bakit may nag-udyok sa kanya na tingnan ang list kahit na alam naman niyang walang nagbago, walang natanggal o nadagdag.
Pero nagkamali siya dahil nakita niya ngayo sa papel na may dumagdag sa kanila. Dapat ay nabawasan sila ng isa dahil sa Canada na nag-enroll si Brandon, kaya pinagtaka niya kung bakut sakto pa rin ang mga numbers na nasa form. Dahil curious siya ay tiningnan niya isa-isa ang kanilang pangalan hanggang sa nakita niya ang hindi pamilyar na pangalan.
“Sino?” lumapit sa kanya si Aaron dahil hindi na rin niya mapigilan ang curiosity niya.
Oo, pamilya ang turingan nila sa isa't-isa kaya kahit na minsan ay hindi nila ginawang threat ang isa’t-isa, hindi kailanman nila pinersonal ang mag piangdedebatehan nila, at naintindihan naman nila kung para sa grades ang ginagaw ang isa nilang kaibigan. Pero lahat sila ay hindi nila maiwasan na mainis kung sino man ang nakapasok sa kanilang section.
Hindi nila maiwasan na mainis dahil matatalino lang ang nakakapasok sa kanilang section kung nakapasok ang kung sino man ay alam nilang paniguradong matalino ito pero ayaw nilang malamangan, hindi nila matanggap kapag nauna pa ang transferee sa kanilang section pagdating sa top kaya kahit na hindi pa nila kakilala, kahit na hindi pa nila alam ang pangalan o kahit na hindi pa nila alam ang kanyang itsura ay hindi na nila maiwasan na mag-init ang kanilang dugo o sa ibang salita:
Hindi nila maiwasan mainis kung sino man ‘yon.