Chapter 19: Accused

2166 Words
CHAPTER 19 Accused Ang kaninang maingay na pool area ay napalitan ng katahimikan. Ang mga huni na lang ng mga ligaw na hayop ang kanilang narinig, pare-pareho silang natigil sa kanilang ginagawa—sa kanilang pagsasaya lalo na noong narinig nila ang pag-sigaw ni Vanz. Tumingin silang lahat sa papel na hawak ni Vanz na kahit anong panliliit pa ng kanilang mata ay hindi nila mabasa kung anong nakasulat doon, kaya naman hindi nila alam kung ang meron sa papel at kung bakit galit na galit ang kanilang kaibigan na si Vanz.  Lahat ng kurba ng kanilang mga labi ay nawala, napalitan iyon ng pangunot ng noo dahil pare-pareho silang curious kung ano man ang hawak na envelope at papel ni Vanz. Ang ingay ng kanilang boses ay bigla na lang din nawala na para bang nanunuyo na ang kanilang lalamunan. Halos mabingi na sila sa katahimikan dahil walang sino man ang nangahas na sumagot kay Vanz, walang nangahas na magsalita.  Lihim na kumuyom ang kamao ng isa sa kanila habang nasa ilalim ng tubig ang kanyang kamay. Ang akala niya ay mayroon ng nagbago sa kanyang mga kaibigan dahil isang dekada na rin ang lumipas simula noong nangyari iyon, pero kahit na isang dekada na ang lumipas ay isa pa rin ang nakita niyang katangian ng kanyang mga kaibigan: ang manatiling tahimik sa panahon na kailangan na nilang magsalita. Ang manatiling nakapikit keysa imulat ang mga mata sa hustisya.  “Answer me!” Sigaw ni Vanz nang mapansin niya na walang balak magsalita sa kanyang mga kaibigan, para sagutin siya dahil hindi niya alam kung kanino man nanggaling iyon. Kaagad na lumapit sa kanya ang dalawa niyang kaibigan. Hinawakan ni Ranz ang balikat ni Vanz dahil sinubukan niya itong pakalmahin pero agresibong ginalaw ni Vanz ang kanyang balikat para ipakita sa kanyang mga kaibigan na galit siya at hindi magandang biro ang ginagawa nila kung sakali man na prank ‘tong natanggap niyang invitation.  Pumikit siya ng mariin para subukan na pakalmahin ang sarili at tuluyan ng nalukot ang dulo ng hawak-hawak niyang papel dahil baka tama ang hinala niya na pina-prank lang siya ng kanyang mga kaibigan.  “If this is a prank, it’s not funny anymore,” kaagad tiningnan ng madilim at mariin ni Vanz si Cassandra. Kaagad na tumaas ang kilay ni Cassandra dahil alam niyang pinagbibintangan siya ni Vanz sa paraan pa lang ng kanyang mga tingin.  “Wh-what?!” naiinis na tanong ni Cassandra, bahagyang nautal dahil sinundan ng mga magkakaibigan ang tingin ni Vanz at halos nakatingin na sa kanya ang lahat.  Nilagay ni Hermes ang kanyang daliri sa kanyang labi habang pinagmamasdan niya si Cassandra, hindi siya marunong umarte kung tama nga ang hinala niya na siya ang may kagagawan ng lahat ng ito. Napatingin din sa Clarence kay Cassandra lalo na noong muli niyang naaalala ang pag-uusap nila ni Michael kahapon pagkatapos ay lumipat ang tingin niya kay Michael na madilim ang tingin ka Cassandra at hindi niya mabasa kung ano ang ekspresyon ng binata. Sabagay, abogado rin kasi si Michael kaya hindi ganon kadaling basahin ang kanyang facial expression.  “B-bakit ako?” muling tanong ni Cassandra tiyaka niya pa tinuro ang kanyang sarili. Marahan siyang suminghap dahil hindi siya makapaniwala na pinagbibintangan siya bigla. “Why are you accusing me?” pagtatanong pa ni Cassandra.  Kumunot ang noo ni Zyrene habang pinagmamasdan niya ang reaksyon ng kanyang kaibigan, maging ang mga galaw nito. Hindi malabo na siya rin ang naglagay sa ID na nakita niya sa kanilang cart kung siya nga ang nagbigay non kay Vanz. Kaagad na pinilig ni Zyrene ang kanyang ulo dahil hindi magagawa ng kanyang kaibigan ‘yon, matagal na silang magkasama kaya tiwala na siya kay Cassandra na hindi niya gagawin iyon.  “Why her?” singit ni Zyrene dahil hindi niya maatim na sisihin ng iba ang kanyang kaibigan o natatakot siya na baka tama nga ang kanyang hinala. Natatakot siya na baka nagkamali siya ng taong pinagkatiwalaan. Natatakot siya na bandang huli ay posible pala ang mga naiisip niyang imposible. Natatakot siya na pagtaksilan siya ng taong pinagbigyan niya ng kanyang tiwala. “Why not her?” muling pagtatanong ni Ranz nang makuha niya kung ano ang gustong ipahiwatig ni Vanz.  Kaagad na kumuyom ang kamao ni Kyle dahil kahit na gusto niyag ipagtanggol ang dalaga ay mas namuo pa rin ang bro code nilang tatlo kaya imbis na makisali ay pumikit na lang siya ng mariin para pigilan ang sarili niyang magsalita. Gusto man niyang ipagtanggol ngunit kasama na rin ang pangalan niya kung sakali man na hindi man pala biro kung ano man ang nakasulat sa papel na hawak ni Vanz. Kaya kahit na may konting pagtingin siya sa dalaga ay isinintabi niya iyon dahil mas mahalaga ang pangalan niya lalo na dala-dala niya ang apelyido ng kanyang ama keysa sa paghanga niya sa dalaga. Ayaw niyang masira ang pangalan na binuo ng kanyang pamilya at maging siya dahil lang sa isang babae. “Vanz, what are you talking about?” pagtatanong ni Jefree dahil hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang galit ng kanyang kaibigan. Alam niyang mayroong nakasulat sa papel na talagang nagpainis kay Vanz kaya siya umaktong ganito. Simula noong nangyari ang gabing iyon ay nakita nila ang unti-unting pagbabago ng ugali ni Vanz, hindi na siya ganoong kainitin ang ulo niya at hindi na siya ganon ka-agresibo dahil din siguro sa ginawa ni Senator na kanyang ama.  “This jail party invitation letter,” madiin ang pagkabigkas ni Vanz sa bawat salita tiyaka niya muling tinaas ang kanyang kamay na hawak-hawak ang papel. Lalong kumunot ang noo ng lahat nang sinabi ni Vanz ‘yon. Hindi nila maintindihan kung ano ang jail party na sinasabi niya.  Ang isang nakikinig at nanood sa kanila ay nagkaroon ng ngiti sa labi dahil ang kanilang plano ay unti-unti nang naisakatuparan. Ito na ang isang dekada niyang hinintay, ito na ang isang dekada niyang pinlano.  “What the f**k was that?” pagtatanong ni Noah dahil hindi niya maintindihan kung ano man ang meron don. Hindi niya alam kung anong meron sa kulungan? At kung may kinalaman ang letter na natanggap ni Vanz sa ID na natanggap niya?  “Yeah, what the f**k is this?” pag sang-ayon ni Vanz tiyaka pa siya marahan na tumango. Mula kay Noah ay muling nilipat ni Vanz ang kanyang tingin sa kanyang kaibigan na si Cassandra na halos bakas na nga ang kaba sa kanyang mukha at maging sa kanyang dibdib.  “Why are you accusing her, Vans?” pag-singit ni Zyerene dahil gusto niyang malaman at gusto niyang malinis na ang pangalan ni Cassandra para mabura na rin kung ano man ang tumatakbo sa kanyang isipan—para magkaroon na siya ng kapayapaan na hindi ang kanyang matalik na kaibigan ang gumagawa non.  “Is this a prank?” pag-uulit na tanong ni Vanz pero wala sa kanila man ang sumagot o nagsalita. Sarkastikong ngumisi si Vanz dahil mukhang prank nga lang ito dahil hindi nagpapanic ang kanyang mga kaibigan. “Cassandra, are you?” nakangising tanong ni Vanz.  “Wha-what? Why me?” wala ng maisip na sasabihin si Cassandra kung hindi iyon lalo na’t halos nakatingin na sa kanyang lahat ang mga kaibigan niya. Mabilis niyang sinuyod ng tingin ang mga mata nila at halos manghina siya nang makita niya na halos lahat ng mga matang nakatingin sa kanya ay inaakusahan siya.  “Are you vlogging?” si Kyle na ang nagtanong dahil mukhang napipikon na si Vanz. Ayaw naman niyang umabot sa pisikalan kung pwede naman nilang pag-usapan ng kalmado.  “What?!” Cassandra hissed. Dahil hindi niya inaasahan na iyon ang itatanong ay hindi siya makapaniwala.  “It just answerable with yes or no,” singit ni Ranz dahil hindi niya nagustuhan na hindi kaagad sinagot ni Cassandra iyon at mukhang pinapahaab niya pa ang usapan.  “Of course,” sandaling natahimik si Cassandra tiyaka niya muling sinuyod ang kanyang tingin hanggang sa magtama sila ng tingin ni Michael, nakahalukipkip ang binata at mukhang hinihintay niya ang kasagutan ng dalaga. Hindi man lang nagbago ang kanyang ekspresyon pagkatapos niyang bigkasin ang dalawang salita. “Not!” agad na agap niya. “Hindi ko na nga nachac-harge ang camera ko, Plus, some of us were not used to being in different social media accounts. That is why I didn’t vlog since I respect them—I respect their privacy.” dagdag pa niya. “So this is not a prank?” halos malukot na ng tuluyan ang papel na hawak ni Vanz dahil sa higpit lalo ng pagkakahawak niya dahil isa lang ang ibig sabihin ng sagot ni Cassandra. Nawala ang katiting niyang pag-asa na baka sakaling hindi totoo iyon at naisipan lang siyang lokohin ng kanyang mga kaibigan.  “Why would I prank you?” pagtatanong muli ni Cassandra na ngayon ay buo na ang kanyang boses para tanungin si Vanz.  “What was written there?” hindi na mapigilan na sumingit ni Sacha habang nakaupo siya sa gilid ng pool tiyaka niya pinaglalaruan ang kanyang mga paa na ngayon ay nakababad sa pool.Tinitingnan niya lang si Vanz dahil curious lang din siya kung ano ang ikinagagalit ni Vanz.  “And where did you get it?” hindi mapigilan na itanong ‘yon ni Antonniete. Napansin niya pa ang pagiging masigla ni Vanz bago siya pumasok sa loob ng bahay. Pagkatapos ay nagulat na lang talaga siya ng lumabas siya at padabog niyang inalis ang music sa speaker tiyaka na siya sumigaw dahil sa kanyang galit. Aaminin niya na natakot siya nang makita niya ang awra ni Vanz kanina at takot din siya ngayon dahil kilala nila si Vanz.  “I saw it,” si Kyle tiyaka niya kaunti at mabilis na tinaas ang kanyang kanang kamay para sagutin ang tanong ni Antonniete. “Bigla na lang siyang na sa lamesa, I just wanted to change the music but then I saw it,” paliwanag ni Kyle tiyaka niya tiningnan ang papel na hawak-hawak ni Vanz.  “And then I saw him,” pagdugtong ni Ranz sa kanyang kaibigan. “Because of my curiosity, I’ve read it.” buong loob na sagot ni Ranz. “And then, we handed it to Vanz since it was named after him and we can’t solve it on our own.”  “So, what was written there?” marahan ang pagtatanong ni Hahn dahil maging siya ay hindi na napigilan ang curiosity nila. Mulingn binuksna ni Vanz iyon na halos ikapunit ng papel dahil sa higpit ng pagkakahawak nito at pagkakabukas niya para lang mabasa ito sa harapan ng lahat niyang kaibigan.  “Invitation to your jail party….” paninimula niya sa pagbasa ng sulat. Huminga siya ng malalim bago niya ipagpatuloy ang kanyang sasabihin. “Remember what happened thirteen years ago? Since then, it follows you like a ghost and you need to pay for it. Love, a friend of yours,” mabili na pinatapos ni Vanz kung ano man ang nakasulat sa letter na natanggap niya sa isang hindi kilalang tao.  Pagkatapos nilang marinig ang sinabi ni Vanz ay bigla silang natahimik. Nagtataka silang tiningnan ni Brandon lalo na dahil ilang taon din siyang walang sa Pilipinas. Samantala ang kanyang mga kaibigan naman ay nakabigkas na ng mura gamit ang kanilang bibig o nagamit na nila ang lahat ng mga mura sa kanilang mga utak dahil sa narinig nila sa invitation na sinent ng unknown people kay Vanz. Alam nilang hindi lang si Vanz ang mayayari, alam nilang hindi lang ang tatay niyang tatakbo sa pagka-presidente ang masisira ang pangalan dahil sa nangyari noon kung hindi maging ang kanilang mga binuo nila, pinaghirapan nilang mga pangalan para lang sa isang malamig na bangkay.  Hindi nila maiwasan na kilabutan dahil sa letter dahil para bang literal na ghost ang gumagawa sa kanila non. Dahil matagal ng wala ang sino man na kasama nila noong huling taon nila bilang senior student, napaka-imposible na siya ang may kagagawan ng ito kaya baka literal na ghost ang pinapahiwatig kung ano man ang nakasulat.  “You accused me of doing that?” hindi mapigilan na mainis ni Cassandra. Dahil para ba nilang sinabi nanagtataksil siya ngayon. Ang totoo ay mahal niya ang kanyang mga kaibigan pero hindi niya alam.  “ I accused you that maybe you’re recording us for a prank,” umawang ang labi ni Cassandra dahil sa sinagot ni Vanz.  “Wow, do I need to say thank you? Thank you for accusing me?’ Sarkastiko na tanong ni Cassandra.  Lumawak ang ngiti niya dahil sa naririnig at napapanood niya, tama nga iyan. Sisihin niyo nga ang mga sarili niyo. Tama lang na mawalan na kayo ng tiwala sa isa’t-isa dahil pare-pareho lang naman ang ugali niyo, mga masasahol pa sa hayop.  She again smiled and whispered, “The game has begun,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD