CHAPTER 18
Party
Sabay-sabay silang nagsigawan habang tumatakbo silang papunta sa pool area. May iilan na tumalon sa pool tiyaka na sila nag-swimming at ang iba naman ay dumeretso sa kainan at ang ilan ay naupo para muling pagmasdan ang kanilang mga kaibigan. May nilagay silang mahabang lamesa kung nasaan ang kanilang mga pagkain, marami kasing ganon sa stock room nina Cassandra sa labas ng kanilang mansyon para kapag may okasyon ay may magamit sila katulad na lamang ngayon. Kasama iyon sa nilinis nila kanina, malinis na ang mga iyon dahil siguro pinalinis ng kanyang tiya pero muli nilang linis kanina para makasigurado sila na walang dumi iyon.
Si Kyle naman ang pumunta sa mga speaker para magpatugtog na ng kanta na talaga naman nagpa-hype sa bawat isa. May iilan na tumatalon na at sumasabay sa kanta habang nasa pool sila o ‘di kaya naman ay sumasabay at sumisigaw habang nakaupo sila sa upuan nila. Sa biglaang ganon ay parang nakalimutan nila ang pag sususpetya o ‘di kaya naman ay ang pag-obserba sa kanilang mga kaibigan. Ang tanging gusto na lamang nila ngayon ay mag-release ng stress at tiyaka na lang nila po-problemahin ang mga natanggap nilang ID kanina pagkatapos nito.
“Let’s drink tonight!!!!!” Sigaw ni Vanz tiyaka niya binuksan ang isang champagne kaya naman ng sumabog ito ay naghiyawan ang lahat. Lumapit din doon sina Clarence para paghaluin ang kanilang mga inumin. Silang dalawa ni Noah ang naghalo sa mga alak na dala-dala nila dahil sanay sila sa inuman.
“Huwag sosobra ah!” Sigaw ni Joanne bilang paalala sa kanyang mga kaibigan. Mukhang nag-enjoy na sila at makalimutan na nila kung ano man ang napag-usapan nilang lahat.
“Huwag ka ng KJ, Ma’am Joanne!” Sigaw sa kanya ni Clarence kaya napailing na lang si Joanne dahil ayaw na niyang makipag-away pa sa kanyang mga kaibigan. Lumangoy na lang muli siya na may ngiti sa kanyang mga labi.
“Tama! Ang unang mag shot dapat ay si Father!” Natatawang sambit ni Noah tiyaka niya pinuno ang isang shot glass. Kaagad na naghiyawan ang kanyang mga kaklase habang napailing na lang si Jefree sa kapilyuhan ng kanyang mga kaibigan. Maingat ang paglalakad ni Noah palapit kay Jefree para hindi matapon ang alak na nasa shot glass dahil punong-puno talaga iyon.
“Ako na naman ang nakita niyo!” Sigaw pabalik ni Jefree sa kanya pero sumigaw ang kanyang mga kaibigan bilang pag-angal kung sakali man na tanggihan niya ang shot na ibinibigay sa kanya ngayon ni Noah.
“Pakitaan mo lang sila!” Sigaw ni Antonniete habang nakalubog siya sa pool at masayang nakatingin kay Jefree dahil siya ang napagtripan ng mga kaklase niya.
“This is a holy drink!” sambit pa ni Noah tiyaka niya binigay ang shot glass kay Jefree sa paraan na parang alipin siya ng isang hari. Muling nagtawanan ang mga kaibigan nila tiyaka pa nila in-engganyo na inumin iyon ni Jefree.
Para hindi madismaya ang kanyang mga kaklase ay kaagad niyang ininom iyon ng isahang shot lang kaya lalong naghiyawan at lalong nangibabaw ang hiyaw ng mga lalaki maging sa malakas na music ay natumabasan nila iyon sa kanilang hiyawan.
“Minus point ka sa langit!” Tinuro pa ni Kyle si Jefree kaya muli silang nagtawanan. Sinuway sila ni Jefree dahil alam naman niya na hindi naman siya ganon kabanal, tao lang din naman siya at nagkakasala.
“Let’s forget our profession tonight!” Sigaw ni Jefree sa kanila.
“Yown!”
“Ayan!”
“Kaya sayo ako!”
“Ganyan dapat!”
“Wala na talagang points!”
“Ang utos ni Father ay ating susundin!”
“Tayo ay magbagong tao ngayon!”
Sabay-sabay nilang sinabi iyon. Nagsimula na nga ang kanilang party, si Kyle at Ranz ang bahala sa speaker habang si Vanz ang namimigay ng alak sa kanyang mga kaibigan. Syempre ay pati siya ay umiinom na rin. Ngayon lang sila nagpasalamat na malayong-malayo ang susunod na bahay dahil sa lakas ng music nila, walang magrereklamo na mangangatok sa kanila dahil sa kanilang ingay.
Lumapit si Calyx kay Isiah na nasa tabi ng table na mayroong pagkain habang pareho silang may hawak na red cup na pinamigay ni Vanz kanina. Sa tingin niya kasi ay kailangan niyang kausapin si Isiah lalo na at silang dalawa lang ang may alam kung anong nangyari noon, kung anong nangyari sa site. Hindi niya kayang mag-enjoy sa party kung hindi niya tatanungin ang kanyang kaibigan tungkol don. At hindi siya panatag, gusto niyang marinig na hindi galing kay Isiah iyon. Alam niyang hindi siya pagtataksilan ng kanyang kaibigan pero ang gusto lamang niya ay ang assurance na hindi nga siya ang may kagagawan non.
“Dude,” pagtawag ni Calyx tiyaka niya siya uminom ng konti sa hawak niya para magkaroon siya ng lakas ng loob kahit papano. Hindi naman sa pinagdududahan niya si Isiah, gusto niya lang makasigurado na hindi siya. Alam niyang hindi siya dahil madadamay rin ang kanyang pangalan kung sakali pero hindi niya alam, gusto niya lang marinig sa mismong bibig at boses ni Isiah na hindi sa kanya galing iyon.
“Hmm?” nakangiting tanong ni Isiah, pasimple niyang pinagmamasdan si Madelyn na ngayon ay tumatawa habang nakaupo sa gilid ng pool, katabi niya si Christy at Cathlyn na mukhang may pinag-uusapan silang nakakatawa. Nasa ibaba nama nila sina Joanne, Cassandra at Zyrene na nakalusong sa pool.
Sina Sheena at Sacha naman ay nakikinig lang sa kanila habang magkatabi sa upuan. Si Hahn at si Antonniete ay mukhang may sariling mundo dahil silang dalawa lang ang lumalangoy kasama ang sina Aaron, Hermes at Brandon. Buti na nga lang at naghiwalay muna saglit ang magkasintahan. Si Jefree ay nakaupo lang din sa upuan, sina Noah at Clarence ay busy sa pag-mix pa ng ilang mga drinks. Si Ranz at Kyle ang naka-assign sa music, si Vanz ang nagbibigay ng alak sa mga kaibigan. Si Michael ay nakatayo lang habang pinagmamasdan ang kanyang mga kaibigan at may hawak siyang red cup na may laman na alak din.
“This is weird but don’t find me weird,” agap ni Calyx bago niya sabihin kung ano man ang natanggap niya. Tiningnan ni Isiah ang kanyang matalik na kaibigan sa tabi niya na mukhang hindi niya alam kung paano sasabihin sa kanya.
“What is it?” pagtatanong ni Isiah sa kaibigan tiyaka pa siya bahagyang natawa sa reaksyon nito. “Do you like someone among our friends?” muli niyang pagtatanong tiyaka siya tumingin sa mga kaibigan nilang babae. “Basta huwag si Madelyn,” ngiting wika nito habang nakatingin pa rin sa ngiti ng dalaga.
“What? No!” agap ni Calyx dahil hindi naman iyon ang gusto niyang sabihin kay Isiah, ang layo-layo naman ng sasabihin niya sa sinabi ng kanyang kaibigan.
“Then, what is it?” muling pagtatanong ni Isiah sa kanyang kaibigan.
“I received something,” panimula niya. Biglang nawala ang ngiti ni Isiah tiyaka siya napaayos ng tayo dahil sa sinabi ni Calyx. May ideya siya kung ano man ang something na sinasabi ni Calyx pero baka nagkakamali lang siya? Naging atentibo ang pakikinig niya sa susunod man na sasabihin ng kanyang kaibigan ang kaso nga lang ay wala siyang narinig.
Natahimik si Calyx dahil hindi niya alam kung paano pa sasabihin kay Isiah ‘yon. Muli niyang naaalala ang ID pati na rin ang nakasulat sa ibaba ng kanyang pangalan na alam niyang magiging dahilan ng pagbagsak ng kanyang pangalan. Hindi lamang ang pangalan niya kung hindi maging ang kanyang kaibigan lalo na ang kumpanya nila dahil dala-dala pa rin nila ang kumpanya nina Isiah. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit kailangan pang hukayin iyon, ang tagal na non at fresh graduates pa lang sila non!
“What did you receive?” pagtatanong ni Isiah dahil mukhang natahimik ang kanyang kaibigan o mukhang hindi niya alam kung paano niya sasabihin iyon sa kanya.
“An ID…” mahinang sambit ni Calyx kay Isiah na siyang dahilan ng pagkakatigil ni Isiah. Napansin ni Calyx ang naging reaksyon ng kanyang kaibigan kaya napaayos siya ng tayo dahil mukhang may alam ang kanyang kaibigan sa sinabi niya. “Do you know anything about it?” lakas-loob na tanong ni Calyx kay Isiah, marahan ang pagtango ni Isiah dahil totoo namang may alam siya tungkol doon dahil mayroon din siyang na-receive na gaon! “Are you the one who gave it to me?” seryosong pagkakatanong ni Calyx.
“What the f**k?” pagmumura ni Isiah dahil bigla siyang binambintangan ni Calyx. “Did you say that I was the one who gave it to you?” pagtatanong ni Isiah sa kanyang matalik na kaibigan.
“I didn’t say that, I was just asking since you said you know something about that,” pagpapaintindi ni Calyx sa maayos na paraan dahil ayaw niyang magalit ang kanyang kaibigan. Hindi naman sila magkaaway dito, matagal na silang magkaibigan.
“I also received an ID,” sambit ni Isiah dahilan ng pag-awang ng labi ni Calyx. “I was about to ask you tomorrow but since you mentioned it now…”
“I found it on my ID,” kaagad na sabi ni Calyx.
“Found mine on the bedside table,” si Isiah. “Kung nasaan ang aking cellphone,” dagdag pa nito.
“Who will threaten us? Using an ID?” muling pagtatanong ni Calyx.
“I don’t know,” si Isiah. “But I think it was Sacha? Since, I found it on my room and Sheena is my roommate who was acting weird when I saw it,” pag-kwento ni Isiah kaya kaagad na dumapo ang tingin ni Calyx sa dalawang magpinsan na nakikitawa sa mga babae.
“Point taken since we know that Sacha is such a career-oriented woman,” tumango si Calyx dahil kagaad niyang naintindihan kung ano ang dahilan ni Sacha kung bakit niya pinadala ang ganoong ID o kung bakit niya ginawa iyon. “Did you ask her perhaps talk to her?” pagtatanong ni Calyx sa kanyang kaibigan.
“Not yet,” sagot ni Isiah habang pinaglalaruan niya ang kanyang red cup, uminom siya rito. Uminom din si Calyx habang nakatingin sa kanilang mga kaibigan.
“Kailan mo siya kakausapin?” pagtatanong ni Calyx sa kanyang kaibigan. Kung may natanggap din pala si Isiah at may hinala na siya kung sino ang may kagagawan non ay ipagkakatiwala niya na lamang kay Isiah. Tiwala siya na maireresolba ni Isiah iyon.
“After the party, maybe tomorrow,” pagsagot ni Isiah.
Natawa siya habang pinapakinggan niya ang dalawang magkaibigan na magkausap. Ang akala pa naman niya ay matatalino talaga ang magkakaibigan dahil pare-pareho silang nasa star section pero mukhang hindi sapat ang talino nila para malaman kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito.
Pinagmamasdan niya pa ang mga hayop na masayang nagtatawanan, nagkukuwentuhan at nagtatampasaw sa pool. Para bang wala silang inindang problema, para bang hindi sila nagpapanggap, at para bang hindi nila pinaghinalaan ang isa’t-isa sa mga natanggap nilang ID.
Hindi na siya makapaghintay na matapos ang party na ito, hindi na siya makapaghintay na mapalitan ng takot ang mga ngiti nila sa kanilang mga mata. Hindi na siya makapaghintay na magsisihan sila ng harap-harapan sa kanilang pagbagsak. Na kahit na magsisihan pa sila o ‘di kaya ay umiyak pa sila ay hindi siya maawa dahil walang kaawa-awa ang ginawa nila noong gabing iyon.
Kahit na anong gawin nila ay babagsak silang sama-sama. Nakahanda na ang kanilang mga plano, nakapag-file na sila ng kaso, wala na silang takas. Mga pulis na ang susundo sa kanila at hindi na ang mga inarkila nilang mga sasakyan. Hindi na siya makapaghintay na makita ang mga mukha nila habang papasok sa police car.
Lasapin nila ang impyerno na kanila rin namang ginawa.
“Hay nako! Pero kung ako kay Isiah,” nginuso ni Antonniete si Isiah habang nasa tabi niya si Calyx na mukhang may pinag-uusapan na seryoso dahil parehong seryoso ang kanilang mga itsura. “Hindi na ako magpapakatanga kay Madelyn,” napailing na lang si Madelyn sa sinabi ni Antonniete.
“Magkaibigan lang kami ni Isiah,” pagtatanggol ni Madelyn sa kanyang sarili kaya sabay-sabay na umungol bilang hindi pag sang-ayon sa sinabi ni Madelyn kaya naman natawa lang ang dalaga. “And I am happy with Brandon now,” dagdag pa ni Madelyn tiyaka siya tumingin sa kanyang kasintahan na lumalangoy kasama ang kanilang mga kaibigan.
“Kaya nga eh, ang dami naman magagandang babaeng nakakasalamuha panigurado ni Isiah, bakit baliw na baliw pa rin siya sayo hanggang ngayon?” pagtatanong ni Cassandra.
“Magkaibigan nga lang kami,” pilit ni Madelyn dahil ayaw niya talagang pinipilit silang dalawa ni Isiah. Magkaibigan lang sila at hindi niya kayang isipin na mahal siya ng binata na higit pa sa kaibigan.
Nasanay kasi ang mga kaibigan niya na palaging malalim sa pagkakaibigan ang nararamdaman ng isang lalaki sa babae kaya hindi masisi ni Madelyn ang kanyang mga kaibigan kung ganito siya mag-isip. Simula kasi noong elementary sila ay magkaklase na sina Isiah at Madelyn kaya iba siguro ang closeness na meron sila kumpara sa mga kaibigan nilang kasama ngayon. Literal na nasaksihan nila ang paglaki ng isa’t-isa.
“You’re so lucky,” sambit ni Hermes kay Brandon habang nakasandal lang sila sa gilid ng pool, nasa isang dulo sila kung saan natatanaw nila ang mga babae na ngayon ay nag-aasaran dahil nagbabasaan na sila ng tubig. Napatingin si Brandon sa kanyang tabi dahil sa biglaang sinabi ng kanyang kaibigan.
“Why?” pagtatanong ni Brandon sa kanyang kaibigan dahil hindi niya matandaan kung ano ang ibig niyang sabihin.
“You transfered,” kumunot ang noo ni Brandon dahil hindi niya alam kung ano ang sinasabi sa kanyang kaibigan niyang si Hermes. “How I wish, I also transfer that school year.” Hermes chuckled. Kung sanang umalis na lang din siya sa paaralan na iyon nang taon na iyon ay hindi sana siya nakagawa ng pagkakaamali at hindi sana muling naulit pa iyon.
“Why? What happened?” punong-puno ng pagtatataka na tanong ni Brandon sa kanyang kaibigan. Hindi niya maintindihan kung ano gusto niyang iparating sa kanyang mga salita.
“Just some…” napatigil si Hermes tiyaka siya tipid na ngumiti habang nakatingin sa kanyang mga kaibigan na may mapait na ngiti sa labi bago niya dagdagan ang kanyang sasabihin. “Shits,” kumunot muli ang noo ni Brandon dahil ano nga ba talagang nangyari noon at para bang ayaw nilang balikan.
“Naghihinayang nga ako na hindi niyo ako nakasama sa last year natin sa senior high,” Brandon chuckled. “So, why would I feel lucky when I regret flying to Canada in that year?” muling pagtatanong ni Brandon dahil kung mayroon man siyang pinagsisihan sa buhay niya ay siguro iyon ‘yon.
“How I wish I fly with you in Canada,” pagbibiro ni Hermes pero ang birong iyon ang sanang ginawa niya noon. Dahil baka ngayon ay maayos pa rin ang buhay niya at makakatulog siya na walang iisipin na konsensya.
“What exactly happened that year?” hindi mapigilan na tanong ni Brandon. “Bakit mukhang hindi niyo man lang napag-usapan kung ano ang nangyari noong last year ng senior high?” hindi na niya mapigilan na itanong kung ano ang napapansin niya sa kanyang mga kaibigan.
“We already explained it to you,” sagot ni Hermes sa kanya. “Because we don’t want you to feel like an outcast,” paliwanag ni Hermes sa kanya. Iyon ang sinabi nila kay Brandon pero alam ni Brandon na may kakaiba, may tinatago sila.
“I guess something happened and that was your reason why, deeper than you don’t want me to feel like an outcast,” Hermes shrugged his shoulder after Brandon said those words.
“Come on!! Everyone in the pool!” Sigaw ni Ranz sa kanyang mga kaibigan kaya lalong nilakasan ni Kyle ang music. Si Ranz at Vanz naman ay tumakbo para ihulog ang mga babae na nakaupo sa gilid ng pool tiyaka nila binuhat sina Sheena at Sacha at hinulog sa pool. Hinila din nila si Jefree at maging si Michael para itulak sa pool at ang panghuli ay pinuntahan nila sa sulok sina Calyx at Isiah para madala na rin sila sa pool.
Hiyawan at sigawan ang namayani lalo na at hindi inaasahan ng mga babae ang gagawin nina Vanz at Kyle. Pagkatapos ay kusang tumalon sina Clarence at Noah kasama si Kyle dahil maayos na ang sound na ginawa niya. Ang lakas ng kabog ng speaker na talaga namang nagpahype sa kanila. Dagdag pa ang alak na nainom na nilang lahat. At sa pang huli, ay tumalon na rin sina Vanz at Ranz sa pool kaya umiwas ang mga babae.
Nagtalunan sila sa pool habang sumasabay sa music, para ba silang nasa club pero ang kaibahan nga lang ay sa pool nila ito ginagawa. Tawang-tawa sila lalo na sa mga kalokohan ng mga kaibigan nilang lalaki na nagiging macho dancer dahil alam nilang tipsy-tipsy na rin sila. Pagkatapos ay naglaro pa sila kung saan nakapasan ang mga babae sa balikat ng mga lalaki at nagtutulukan. Halos mapagod sila sa kakatawa, kakalaro, kakasayaw, kakatalon at maging sa kakahiyaw at sigaw. Masasabi nila na isa na ito sa masayang gabi na nangyari sa kanilang buhay.
Hanggang sa mag cool down lahat sila dahil napagod na rin sila pero tuloy pa rin ang kanilang pagsayaw at pag-inom ng alak. Ang iilan pa sa kanila ay nag body shot na sa mismong pool nila ginawa.
Umiiling na umahon si Vanz dahil naiihi siya, pumasok muli siya sa bahay nang sa gayon ay makaihi na siya. Paglabas niya ng banyo ay nadatnan niya ang dalawang kaibigan niya habang may hawak-hawak na envelope, para iyong invitation. Kumunot ang noo ni Vanz dahil sa biglaang binigay ng kanyang mga kaibigan.
“What is this?” pagtatanong ni Vanz pero tinanggap niya ang envelope na hawak-hawak ni Kyle.
“I just saw it beside the speakers,” sagot ni Kyle. “Then I called Ranz but it was named after you.”
“Open it,” pang-engganyo ni Ranz sa kanya kaya mabilis niya itong binuksan. Kinuha niya papel na nasa loob ng envelope na iyon. Hindi iyon ordinaryong sobre dahil makapal at glossy ito, amoy bulaklak pa iyon ng patay kaya hindi nila maiwasan na kumunot ang noo.
Pero halos malukot iyon sa pagkakahawak ni Vanz nang mabasa niya kung ano ang nakasulat doon.
Invitation to your jail party!
Remember what happened thirteen years ago? Since then, it follows you like a ghost and you need to pay for it.
Love,
A friend of yours.
“Who the f**k gave this?” mariin ang tingin niya sa kanyang mga kaibigan kaya hindi maiwasan na magtaka ng dalawa dahil sa biglaang reaksyon na ipinakita ni Vanz. Kinuha ni Ranz ang papel na iyon sa kamay ni Vanz, lumapit si Kyle para mabasa niya iyon at lalong nalukot iyon sa pagkakahawak ni Vanz.
“One of our friends?” hindi mapigilan ni Kyle at naisambit niya kung ano man ang nasa isip niya.
Padabog at inis na lumabas muli ng mansyon si Vanz matapos niyang agawin muli kay Vanz iyon, nakita niya na nagsasaya ang kanyang mga kaibigan sa pool habang umiinom-inom pa rin pero masyadong galit si Vanz dahil pakiramdam niya ay tinatraydor siya ng isa sa kanila kaya galit niyang pinatay ang speaker. Kaagad niyang nakuha ang tingin ng lahat, nagtatakang tumingin ang magkakaibigan sa kanilang kaibigan na si Vanz na halos sumabog na sa galit. Tumatakbo rin siyang sinundan ng dalawa niyang kaibigan nang makabawi sila dahil sa gulat.
“Who the f**k did this?!”