CHAPTER 17
Everyone
“Nasaan na ba 'yon?” pagtatanong ni Madelyn habang nagha-halungkat siya sa cabinet na nasa kanilang kwarto dahil hindi niya makita kung nasaan ang susuotin niyang bikini. Alam niyang nilagay naman niya sa ibabaw kahapon para hindi na siya mag kalkal ng ganito ngayon pero ganito rin pala ang ending.
“Finally!” nakahinga siya ng maluwag nang makita na nasa pinaka-ilalim iyon. Hindi niya alam kung paano napunta bigla sa ilalim gayong alam naman niya na sa ibabaw niya ito nilagay kahapon pero hindi na lang niya pinansin iyon.
Kinuha na niya ang two piece blue bikini niya. Nang hinila niya ito ay may isang bagay ang biglang nahulog kaya kumunot ang kanyang noo pero umupo siya para maabot ang bagay na iyon. Napatingin siya sa mga damit ng kanyang kasintahan na si Brandon na maayos sa kabilang gilid dahil naghati sila ng space. Baka kasi kay Brandon ang bagay na nahulog dahil wala naman siyang natatandaan na mayroon siyang gamit na ganoon. Marami siyang gamit pero tanda pa rin naman niya kung ano ang dala-dala niya sa kanilang bakasyon at isa pa, bago pa sa kanyang paningin ang ID card na kulay blue at white. Wala siyang ganoong ID.
Binaligtad niya ito para matingnan kung tama nga ba ang hinala niya na sa kanyang kasintahan iyon dahil wala nan siyang napapansin na may ID si Brandon na ganoon kapag magkasama sila pero baka bagong ID ng binata? Hindi niya alam.
Napataas ang kanyang kilay nang makita niya ang kanyang pangalan at litrato, nasa baba rin nito ang isang bagay na maging sa kanyang kasintahan ay hindi niya pa nasasabi kaya paano nalaman ng tao sa likod nito ang sikreto niya? Maging ang kanyang pamilya ay hindi nila alam iyon.
Licensed for Failure
Madelyn Castillo- CEO of Madz Clothing Line
Sino naman ang gagawa non? Sino ang magpapa-imbestiga sa kanyang mga kaibigan? Sino ba ang nakasagutan niya sa kanyang mga kaibigan para umabot pa sila sa ganito? Si Joanne ba? Pero hindi naman siguro ganoon kababaw si Joanne, 'diba? Isa pa, sanay naman sila sa mga ganoong away at kapag natapos ay parang wala na sa kanila. Edi kung gayon, matagal na siyang pinapasundan at pinapa-imbestiga ni Joanne dahil wala naman signal dito kaya paano siya makaka-konekta sa mga taong nasa Manila?
Ngayon ay hindi na siya makampante at hindi na buo ang kanyang loob na si Joanne nga ang may gawa noon dahil paano niya nagawa ang lahat sa isang araw lang? Isa lang ang ibig sabihin non, na matagal na siyang pinapasundan para magawa niya ang ID na ito. Pero ang tanong na naglalaro sa kanyang isipan ay sino? Sino ang nagpadala sa kanya ng ganto?
At anong purpose ng nakasulat sa ID na Licensed for Failure? Edi matagal na siyang gustong pabagsakin ng sino man ang nagpadala ng bagay na ito sa kanya. Maganda naman ang pakikisama niya sa kanyang mga kaibigan kaya hindi niya maintindihan kung para saan pa ito? Isa pa, alam niyang hindi naman magagawa ng kanyang mga kaibigan ito. Ibig bang sabihin non, ibang tao ang may gawa nito? Pero sino naman? At kaya niyang pumasok dito sa bahay?
“Bahay…” isang pangalan ang naalala niya sa pagbigkas palang niya sa salitang bahay. Isa lang ang may alam ng bawat sulok ng bahay at isa lang ang may alam kung paano makarating dito sa bahay.
“Noah? Hindi ka pa ba tapos?” pagkatok ni Antonniete sa kanyang kaibigan, halos nag-aayos na ang lahat ng kanyang mga kaibigan kaya kailangan na rin niyang mag-ayos kaso nga lang ay mukhang napatagal sa shower ang kanyang kaibigan.
“No-” napahinto siya sa pagtawag at maging sa pagkatok nang biglang bumukas ang pintuan tiyaka bumungad sa kanya ang halos nakabusangot na mukha ng binata.
Kaagad siyang umayos ng tayo tiyaka ngumiti sa kanyang kaibigan. Seryoso ang tingin sa kanya ni Noah na para bang sinusuri niya ang buong pagkatao nito. Sandali siyang nailang at iniwas niya ang kanyang tingin dahil hindi niya kayang salubungin ang tingin ng kaibigan niyang si Noah.
Sandali siyang nainis sa kanyang sarili dahil hindi dapat siya pa-apekto, hindi dapat siya kabahan sa harap ni Noah. Hindi dapat siya magpahalata! Kaya kahit na mahirap ay sinubukan muli niyang salubungin ang tingin ng binata.
Kumunot ang noo ni Noah dahil sa biglang reaksyon ng kanyang kaibigan na si Antonniete. Kung paanong naging magalaw ang kanyang mga mata na para bang kinakabahan, bakit naman siya kakabahan? Siya nga ba talaga ang naglagay ng bagay na iyon kanina? Bakit siya kumakatok kung may spare key naman siya? Sandaling natawa si Noah sa kanyang mga tanong lalo na sa huli dahil bakit nga naman siya gagamit ng spare key ngayon edi mahahalata siya lalo na siya ang naglagay non? Akala ba niya ay hindi niya narinig ang pagbukas sarado ng pinto habang nasa banyo siya at nagshower? Kahit na naging maingat pa siya sa kanyang paglalakad ay narinig pa rin niya ang tunog ng pinto kaya alam niyang may pumasok sa kanilang kwarto.
“Ga-ganyan ka makatingin?” naiilang na tanong ni Antonniete sa kaibigan dahil masyadong seryoso ang pagkakatingin niya, para siyang nanghihina. Para bang may tinatanong ang kanyang mga mata at wala kang choice kung hindi sagutin ng totoo kaya ayaw niya iyong tiningnan dahil baka kung ano ang maamin niya at masira ang kanilang pagkakaibigan.
“Why? Is it bad?” mapaglarong tanong ni Noah dahil masyadong halata sa harapan niya si Antonniete na may ginawang kasalanan. Mukhang tama na nga ang hinala niya na si Antonniete ang naglagay ng ID habang naliligo pa siya.
“No, it’s just that…” hindi alam ni Antonniete kung ano ang isasagot niya sa binatang nasa harapan niya ngayon
“Just that... what?” ngumisi si Noah, tila ba lalong lumilinaw na ang kasagutan sa isang tanong niya sa sino. Kailangan pa niyang malaman kung anong dahilan ng kanyang kaibigan kung bakit kailangan pang humantong sa ganoon?
“We-weird,” nauutal na sagot ni Antonniete sa kanya. Bahagya niyang kinurot ang kanyang sarili pero kahit na patago niyang ginawa iyon ay hindi nakatakas iyon sa tingin ni Noah. “Hindi ka pa ba tapos? Para ako naman ang makaligo?” kaagad na iniba ni Antonniete kung ano man ang pinag-uusapan nila.
“Done, two minutes. Wait here,” sambit ni Noah pagkatapos ay muli niyang sinarado ang pinto.
Biglang nagtaka si Antonniete dahil sa biglaang inaasal ng kanyang kaibigan. Kung bakit kailangan niya pang isarado ang pinto gayong nakita naman niya na tapos na itong nagbihis. Para bang may tinatago ang binata sa kanya.
Mabilis ang paggalaw ni Noah, kinuha niya ang kanyang wallet na nasa maliit na cabinet ng bed side table tiyaka niya nilagay doon ang natanggap niyang ID. Hindi pwedeng mahalata ni Antonniete na may ideya na siya sa ginawa niya dahil gusto niya munang pagmasdan ang dalaga. Alam niya na kapag itatanong niya ngayon ay ide-deny lang ng kanyang kaibigan ang kanyang ginawa dahil ganoon naman palagi kapag nahuhuli na ang isang tao sa kanyang kasalanan. Mukhang hindi pa tapos si Antonniete sa kanyang ginagawa kaya paniguradong hindi siya aamin hangga’t hindi niya natatapos ang plano niya.
Nang matapos niyang maitago ang ID ay kaagad din siyang kumaripas ng takbo papunta sa pintuan tiyaka niya ito binuksan. Nakakunot ang noo ni Antonniete ang sumalubong sa kanya pagbukas na pagbukas palang niya ng pinto pero nakangiti lang si Noah na para bang wala man lang nangyari o hindi man lang niya pinambintangan ang dalaga.
“I’m done,” nakangising sambit niya sa dalaga. Kaagad na pinilig ni Antonniete kung ano man ang iniisip niya tiyaka siya nagkibit-balikat at pumasok na sa loob ng kwarto.
Binuksan na niya ang cabinet kung saan niya nilagay ang kanyang damit kahapon, kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa kanyang gamit na medyo magulo. Nakakalat din ang kanyang mga ID na alam niyang nilagay niya sa card wallet niya. Para bang may nagkalkal doon, parang may hinahanap.
Nagtaas ng kilay si Antonniete lalo na nang maramdaman niyang may nakatingin pa sa kanya galing sa pintuan kaya kaagad niyang tiningnan si Noah na pinagmamasdan ang bawat kilos niya. Tinaasan siya ng kilay ni Antonniete dahil hinihintay niyang may sasabihin ang binata pero ngumiti lang ito sa kanya tiyaka tinaas niya ang kanyang kamay pagkatapos ay sinara na niya ang pinto.
Hindi mapigilan na mainis ni Antonniete dahil sa nangyari sa kanyang gamit. Ayaw pa naman niyang kalat-kalat ang mga gamit niya. Nagtiim ang bagang niya habang pinagmamasdan ang mga ID. Hindi naman siguro kinalkal ni Noah iyon, ‘diba? Hindi naman niya siguro pinakialaman ang gamit niya.
Bumuntong hininga siya para kahit papaano ay kumalma ang naiisip niya. Kung pinakialaman iyon ni Noah ay alam na niya, kaya ba ganun na lang siyang makatingin sa kanya kanina? Kaya ba ganon na lang ang in-akto sa kanya ni Noah pagbukas niya ng pinto? Kaya ba weirdo ang mga kilos ni Noah dahil nakita niya ang mga ito?
Mabilis niyang kinuha ang mga ID tiyaka niya hinanap ang lalagyan noon. Halos magulo ang kanyang mga damit dahil natataranta niyang ilagay ang mag ID sa kanyang lalagyan. Pati na rin ang isang ID na bago pa lang sa kanya.
Si Joanne ay tahimik at malalim ang kanyang iniisip habang nagshower siya. Halos hindi na niya malaman kung ano ang iniisip niya dahil ang gulo-gulo na ng mga senaryo na tumatakbo sa isipan nito. Pero alam niya na kailangan niyang kumalma para makapag-isip siya ng mabuti sa susunod niyang gagawin. Hindi niya kailangan mag padalos-dalos dahil alam niya na kapag pumalpak siya ay wala ng planong magtatagumpay sa oras na mahuli siya.
Mahigpit ang hawak ni Cathlyn sa ID na nakita niya sa kanilang kwarto, hindi naman pwedeng idikit lang ang kanyang larawan pati na rin ang kanyang pangalan kaya mukhang pinagawa pa ang ID nito para lang sa kanya.
Licensed for Failure
Cathlyn Jimenez - Best Selling Author of all Times.
Halos maiyak siya habang binabasa ang nakasulat sa ibaba ng kanyang pangalan. Hindi niya napigilan ang kanyang emosyon at lumandas ang luha sa kanyang mata. Hindi na diretso ang kanyang pag-iisip habang nakatingin siya sa ID na iyon. Ang unang pumasok sa kanyang isipan na gawin sa ID na iyon ay sirain. Sinubukan niyang baliin ito gamit ang kanyang kamay pero hindi niya man ito nabali dahil masyado itong matigas. Halos magmakaawa na siya na masira na ang ID na iyon dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya sa oras na nalaman pa iyon ng iba niyang mga kaibigan.
Nang mamula ang kanyang palad dahil paulit-ulit niyang sinubukan na baliin iyon pero para bang nawawalan siya ng lakas dahil sa pagluha niya na halos manlambot siya kaya napaupo siya sa kama habang nakatingin sa ID na natanggap niya. Hindi niya alam kung sino at kung paano niya nalaman iyon pero wala na iyon sa kanyang isipan. Ang tanging gusto na lamang niya ay masira o ‘di kaya ay mawala ang ID na iyon para hindi na muli pang makita ng kanyang mga kaibigan.
Kung isang tao lang ang nagpadala sa kanya ng ID na iyon ay nangangahulugang isang tao lang ang may alam sa sikreto niya. Mas giginhawa ang loob niya sa kaisipan na iyon keysa makita ng kanyang mga kaibigan kung ano man ang pinadala na ID sa kanya. Sinubukan niyang mag kalkal sa may bedside table na cabinet at maging sa cabinet kung mayroon ba siyang gunting na makikita. Nang wala siyang makita ay kaagad siyang tumakbo papasok ng banyo at nagkalkal sa isang cabinet na nandoon pero halos mablangko ang kanyang isipan nang makita niyang wala roon ang hinahanap niya.
Kumalma muna siya dahil narealize niyang mali ang biglang pagpapanic niya kanina at hindi na siya nakaisip ng matinong gagawin. Bigla siyang napaupo sa loob ng banyo habang hawak-hawak ang ID na ‘yon, kinalma niya ang kanyang sarili para makapag-isip kung anong gagawin niya para hindi iyon makita ng kanyang mga kaibigan dahil isang kahihiyan iyon kung sakali man na malaman nila.
Kahit na makahanap siya ng gunting ay hindi pa rin maglalaho ang ID na hawak-hawak niya kaya mas mainam na sunugin niya na lang ito at makakasigurado pa siya. Pero paano niya ito masusunog kung nasa kusina ang lahat ng kagamitan? Huminga siya ng malalim bago siya tumayo dahil naisip niyang itatago na muna niya ang ID na natanggap niya at mamayang gabi kapag tulog na ang lahat ay isasagawa na niya kung ano man ang naisip niya. Delikado kapag gising pa ang lahat dahil baka may makakita sa kanya at malaman niya kung ano man ang tinatago niyang sikreto.
Samantalang si Cassandra ay kakatapos niya lang din mag-shower, mabilis siyang nag shower para makapag lagay na rin ng sunblock lotion sa kanyang katawan. Habang nakaupo siya sa kamay, suot-suot ang kanyang light blue na bikini ay hindi niya maiwasan kung ano ang napag-usapan nila ni Michael kagabi.
She shook her head hoping that it would shoo her negative thoughts but it didn’t. Hindi niya maiwasan na kabahan para mamayang gabi, para bukas, o sa mga susunod na araw na magkakasama sila sa isang bubong.
Almost everyone was gathered in the living room, acting like they didn’t suspect each other. They were just waiting for their few friends who are still upstairs before they will start the party in the pool area.
“You look tense, act natural, damn it,” bulong ni Sacha sa kanyang pinsan habang nagkukuwentuhan pa sila dahil hinihintay pa nila sina Antonniete, Cassandra, at Cathlyn. Sila ang huling nag-ayos dahil sila ang maraming ginawa na parte sa paghahanda. Hindi naman sila bastos para magsimula na na hindi man lang hinihintay ang mga kaibigan at magsimula na wala sila.
“H-how?” bulong ni Sheena sa kanyang pinsan dahil hindi siya mapalagay ngayon lalo na kapag nakikita niya si Vanz na sumusulyap sa kanilang direksyon habang may ngisi sa kanyang mga labi na para bang may alam siya or ginawa dahil sa kanyang ngisi.
Samantala, napansin ni Isiah ang bulungan ng dalawang magpinsan na para bang may tinatago sila kaya sa kanila lumipat ang suspetya ni Isiah. Sa bagay, pinagkakatiwalaan nila ang isa’t-isa at masyado silang close kaya alam niyang pwede nilang pagplanuhin iyon. Pero anong mapapala nila kung sakali man na mapagbagsak nila si Isiah?
Tiyaka lamang pumasok sa kanya ang pagiging career-oriented ni Sacha. Ayaw niya bang malamangan? Kung titingnan mabuti ay ang kumpanya nila ang nangunguna kumpara sa kumpanya nina Isiah. Tiyaka isa pa, hindi niya tinuring na kakumpetensiya ang dalaga kahit na sa isang mundo lang ang ginagalawan nila dahil alam niyang kaibigan niya ito, dahil alam niyang pamilya sila. At masama sa isang pamilya na hilingin ang pagbagsak ng isa.
Bumalik lang ang atensyon ni Isiah sa iba nilang mga kaibigan nang muli silang nag-usap kung ano man ang nangyari noong high school sila, mga nakakatawang pangyayari kaya hindi niya maiwasan na sumali sa tawanan at asaran nila. Siguro ay kailangan niya munang i-enjoy ang gabii ngayon bago niya kumprontahin ang dalawa niyang kaibigan tungkol sa kanyang hinala.
Simula kahapon pa pinagmamasdan ni Hermes ang kanyang mga kaibigan kahit na lumihis pa sa iba ang kanyang suspetya ay sa dalawa pa rin bumabalik ang pinakamalaking porsyento na hinala niya. Lalo na nang makita niya ang mga CCTV na hindi masyadong halata sa bahay pero napansin niya lang kanina habang tulala siya. Imposible namang may iba na maglalagay non? At kailan niya nilagay iyon? Habang tulog sila? Wala namang mukhang puyat sa kanyang mga kaibigan at hindi kaya na sa ilang oras ang buong kabahayan. Inikot niya kanina ang bahay habang naghahanda sila para makita niya kung ang sala lang ba ang mayroong CCTV pero halos buong bahay maging ang sulok ay mayroon nito.
Isa lang ang ibig sabihin non; na mayroong nagmamatyag sa kanila. Maging sa pool area ay nakita niya pa rin ang iilan nakasabit doon. Ang hindi niya lang alam ay kung saan ang mga monitor ng CCTV. Hindi man din nasabi sa kanila ni Cassandra at kanina na umakyat siya sa taas ay sampu lang ang kwarto doon, wala ng ibang kwarto para ilagay doon ang mga monitor. Wala rin naman iba pang kwarto sa baba pwera na lamang sa tinutulugan nila ni Jefree.
Dalawang tao lang ang alam niyang may kakayahan na gawin iyon. Tumingin siya sa valedictorian nila noong high school na si Michael na ngayon ay nakangiti habang nakikinig sa mga kwento ng kanilang mga kaibigan. Siya ang pinakamatalino sa kanila kaya alam ni Hermes na kaya silang paglaruan ni Michael sa kanyang palad.
Naghiyawan ang lahat at sabay-sabay silang napatingin sa hagdan kung saan pababa na ang tatlo na may ngiti sa kanilang labi. Pero sa isang babae lang nag-lock ang mata ni Hermes.
Kay Cassandra. Dahil siya ang may alam ng bawat pasikot-sikot ng kanilang mansyon. Alam niya panigurado kung saan ang monitoring room, kung gayon ay pinagmamasdan sila ni Cassandra? Si Michael at Cassandra, anong relasyon nila sa isa’t-isa. Siya ba ang secret boyfriend ni Cassandra? Bakit nila pinlano ang lahat ng ito?
“Let the party begin!!!!”