Chapter 2

1637 Words
3rd person pov: PALAKAD-LAKAD ang binatang si Nolan Harris sa loob ng abandoned warehouse kung saan ang hideout nila ng mga tauhan nito. Hinihintay nila ang kanang kamay nito at iba pang tauhan na may dala ng pera at mga matataas na kalidad ng baril na tinangay nila sa kanilang Russian client! Ayon sa tauhan nito ay pabalik na sila ng warehouse. Mabilis lang daw nilang napataob ang kanilang mga kliyente dahil masyadong nagtiwala ang mga ito sa kanila. Panay ang buga nito sa usok ng yosi nito na hindi mapakali. Kahit ipinasiguro na sa kanya ng kanyang tauhan na maayos ang lahat at dala nila ang ilang billion na pera at baril na paninda nila ay kinakahaban pa rin ito. Marami silang kalaban sa mundo ng mafia. Bawat kilos nila ay kailangan ng ibayong pag-iingat. Dahil sa oras na magkamali sila, buhay nila ang magiging kapalit! Madali lang ang buhay sa kanilang mundo. Kung hindi ka matalino, ikaw ang maiisahan ng kaharap mo. Kung hindi ka magiging tuso? Ikaw ang agrabyado. Kung hindi ka papatay? Ikaw ang mamamatay. Gano'n kasimple. Ilang minuto pa ay nagsidatingan na ang mga hinihintay nila. Napatuwid ito ng tayo na napangising sa wakas ay dumating na ang mga tauhan. Ngunit unti-unting napalis ang ngisi sa mga labi nito na mapatitig sa itsura ng kanyang mga tauhan! Sugatan ang mga ito at iilan na lang silang nakabalik kasama na ang kanang kamay nito! "Drugo!? What happened?!" bulalas nito na sinalubong ang tauhang inalalayan ng dalawang kasama at sugatan ang hita nito. "Boss, hinarang kami sa daan!" pagsusumbong nito. "Ano?! Sino ang walanghiyang humarang sa inyo?! Nasaan ang pera at mga baril? Nakuha niyo ba?" sunod-sunod nitong tanong na napahawi sa buhok. "Pasensiya na, boss. Ginawa ko ang makakaya ko. Pero masyado siyang magaling," hinihingal nitong sagot. "Siya?" kunot ang noong ulit nitong tanong sa tauhan na tumango. "Kasalanan ko, boss. Hindi ako nag-ingat. Naging kampante ako dahil mag-isa lang naman siya na nakasakay sa itim na Ducati nito. Akala ko ay motorista lang pero. . . bigla kaming hinarang sa bakanteng lote na malayo na sa mga kabahayan. Hindi ko naman akalaing. . . si queen M na pala ang kaharap ko. Sa isang kisapmata lang, halos maubos na kami na nasa isangdaan! Sinadya niya akong buhayin para iparating sa'yo ang mensahe niya." Pagkukwento nito habang ginagamot ng mga kasama ang binti nitong sugatan. Napapikit si Nolan na sapo ang sentidong kumikirot. "Anong mensahe?" tanong nito na mabibigat ang paghinga. "Hinahamon ka niya sa isang car racing, boss. Kapag natalo mo daw siya, ibabalik niya ang pera at mga baril sa atin. Dodoblehin pa niya ang mga iyon. Pero--kapag natalo ka. Magiging alipin ka niya. Ikaw at kaming lahat na mga tauhan mo, boss." Pagbibigay alam pa nito. Pagak na natawa si Nolan na hindi malaman kung matutuwa o maiinis sa panghahamon sa kanya ni queen M. Kinakatakutan si queen M. Lahat ng bumabangga sa mafia nito, naglalahong parang bula. Bukod sa matalino ang dalaga, magagaling lahat ng mga tauhan nito. Mga professional assassin ang mga tauhan nito na kahit mga babae sila sa grupo? Dinadaig nila ang mga kalalakihan. Walang naglalakas loob na kalabanin si queen M. Kilala ang dalaga na tuso at matalino. Ayon sa balita, napakaganda daw nito sa likod ng suot nitong maskara. Pero wala pang nakakapag patunay no'n dahil hindi ito kilala sa totoong pagkatao. Kilala lang ito sa codename nito bilang. . . si queen M. "Queen M. Ako pa talaga ang hinamon mo. Gusto mo na yatang. . . mamahinga kasama ang mga tuta mo," nanggigigil na anas nito na mabibigat ang paghinga. "Hwag mo siyang patulan, boss. Wala pang nakakatalo kay queen M. Tiyak na matatalo ka lang sa pustahan niyo at magiging alipin nila tayo." Wika ng tauhan nito na ikinaigting ng panga ni Noland. "At anong gusto mo, Drugo? Hayaan ko na lang sa kanya ang mga baril at pera ko, gano'n ba? Ilang billion din ang tinangay ng babaeng iyon sa atin!" sikmat nito sa tauhan. "Boss, lalong lalala ito kung papatulan mo si queen M. Wala tayong laban sa kanya." Giit ng tauhan nito. "No. Tatanggapin ko ang hamon niya, Drugo. Kapag natalo ko siya, mababawi ko ang kinuha niya sa akin ng double. Kung sakali namang matalo niya ako, okay na rin iyon. Dahil malaya na akong makakalapit sa kanya. Mas madali ko na siyang. . . patayin at pabagsakin ang mafia niya." Matatag nitong sagot na bakas ang galit at gigil sa mga mata nito. Nagngingitngit ang mga ngipin nito na naniningkit ang mga mata. May kabang nadarama at alam niyang hindi basta-basta ang tinatawag na queen M kahit na babae lang ito. Hindi ito katatakutan kung hindi sila magagaling sa grupo. Alam niyang sa kabila ng pagiging mafia queen nito, may malaking pamilyang pumuprotekta sa kanila. Kaya hanggang ngayon ay namamayagpag ang grupo nila at wala pang nakakatalo sa kanila ni isa. Maging sila na kabilang sa mga pinakamahusay at matinik na mafia group ay natatalo kapag si queen M ang nakakaharap nila. "Queen M, titiyakin kong. . .matatalo ka sa sarili mong laro," usal nito na may ngising naglalaro sa mga labi. NANGINGISI namang nakamata ang dalagang si Mackenzie Madrigal sa monitor ng mga CCTV sa kanyang safehouse. Pribado ito at malayo sa kabahayan sa village. Dahil dito ang madalas niyang tambayan. May iilan lang siyang kasama sa bahay. Pero kahit puro mga babae sila, walang nakakatalo sa kanila pagdating sa labanan. Sa mano-mano man iyan, samurai at lalong-lalo na sa barilan. Mga high class professional assassin's lang naman ang mga tauhan nito. Na katulad niya, matinik ang pangalan sa mundo ng mafia. Anak lang naman siya ni Delta Madrigal. Isang tycoon billionaire ng bansa ang ama nito. At dati ring bigboss ng mafia. Lumaki si Mackenzie at mga kapatid nito sa isang malaki, maingay at masayang angkan. Nagmamahalan, nagdadamayan at nagkakaisa ang lahat sa kanilang pamilya. Nasa lima silang magkakapatid. Ang kuya Dawson nila ang panganay at unico hijo ng kanilang pamilya. Sumunod ang ate Madison nito na sinundan niya. Kasunod naman niya si Missy at ang bunso nilang si Yanna. Lahat silang apat na babae, miyembro ng mafia nila. Na tinawag nilang Queen M. Na ang ibig sabihin--Madrigal's queens. Sa tuwing humaharap siya sa mga tauhan niya, o kaya ay may mahalaga silang mission. Nakasuot sila ng maskara. Isa lang din ang nagpapakitang boss sa kanilang grupo. Ang iba ay pasikretong nakasunod sa kanilang grupo para masiguradong walang mangyayaring masama sa kanila. Lalo na sa tuwing sasabak sila sa labanan. Bata pa lang ay mahilig na ang dalaga sa mga baril katulad ng mga kapatid niyang babae. Palagi silang sumasama sa kanilang ama sa tuwing magga-gun firing ang mga ito. Twelve years old siya nang unang beses na pinahawakan siya ng kanyang daddy Delta ng caliber. At magmula noon, palagi na siyang nagsasanay mamaril kasama ang mga kapatid. Sa paglipas ng panahon, nag-training din sila ng mga martial arts, judo at iba pa. Noong una ay tutol ang kanilang mommy Yumi sa mga hobbies nilang magkakapatid. Pero dahil suportado sila ng kanilang daddy ay walang nagawa ang mommy Yumi nila. Nang ganap na itong magdalaga sa edad na eighteen, kinausap niya ng masinsinan ang ama niya tungkol sa pangarap nilang magkakapatid. Hindi kaagad pumayag ang daddy Delta nila sa kagustuhan nila. Pero hindi rin nagtagal ay napapayag ng mga ito ang kanilang ama na buksan muli ang kanilang mafia. Sa edad na bente, nagsimula nang mag-ingay ang pangalan nito sa mundo ng mafia. Lahat ng mga tauhan nito ay puro babae. Ang ama niya mismo ang kumuha sa mga iyon. Lahat sila ay loyal sa amo at nakahandang magbuwis ng buhay, pangalagaan lang ang kanilang reyna. Si Mackenzie Madrigal o mas kilala sa codename nitong. . . queen M. Ang alam ng mga tauhan nito, siya lang ang leader sa kanilang mafia. Hindi sa wala silang tiwala sa mga tauhan nila. Kundi naniniguro lang sila para sa kanilang seguridad. Kaya naman madalas ay si Mackenzie ang nagpapakita sa mga ito. Wala ring may alam sa mga tauhan niya ng totoong mukha ng dalaga. Dahil hindi pa nila nasisilayan ang kabuoan ng mukha nito sa likod ng kanyang maskara. "Nolan Harris," usal nito na nakatitig sa larawan ng binata. Sumilay ang mapaglarong ngisi sa mapula at may kanipisang mga labi nito na nakatitig sa hawak na picture ng binatang mahigpit nilang katunggali. Ang plano ay ito na dapat ang sunod nilang pabagsakin ang grupo. Pero nang makita niya ang larawan ng binata na bata pa pala ito, napaisip na muna siya. Kung papatayin niya na ba ito? O paglalaruan na muna. Naiiling itong ibinaba ang larawan na bumaling muli sa mga monitor sa harapan nito. Kita ang bawat parte ng bahay. Sa labas man o sa loob. Kaya kahit nasa secret room siya, nababantayan pa rin niya ang paligid niya. Maya pa'y nag-vibrate ang cellphone nito na ikinasulyap nito doon at kaagad sinagot na mabasang isa sa mga kapatid niyang babae ang caller. "Yes, sis?" sagot nito. "Hi, sis. I have a good news for you!" masiglang pamamalita ni Madison dito na napangising iniatras ang swivel chair na itinaas sa mesa ang dalawang paa. "What is it, hmm?" sagot nito. "He accepted your challenge. Ano? Laban ka ba? O gusto mo. . . ako na lang," pagbibigay alam nitong ikinangisi ni Mackenzie. "That's good to hear, sis. Ako nang bahala dito." Sagot nito. "Are you sure, sis?" paninigurong tanong ng ate nitong ikinangisi nito. "Of course, sis. Alam niyo na ang gagawin. . . kapag nagkagipitan kaming dalawa sa karera." Wika nito na ibinaba na ang linya at napangising dinampot ang larawan ni Nolan sa mesa. "Are you ready for me, baby boy? Dahil ako? Hindi na ako makapag hintay. . . maging alipin kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD