3'RD PERSON POV:
DUMATING ang araw na kasunduan ni Mackenzie at Nolan. Lingid sa kaalaman ni Nolan, may plan B na ang dalaga kung sakali man at matalo niya ito sa kanilang karera. Pribado ang lugar na napili ng mga ito para na rin sa kapakanan nilang dalawa. Sa malawak na field na pag-aari ni Mackenzie bilang queen M, doon sila nagtagpo ng grupo ni Nolan.
Pagdating ng dalaga sa lugar gamit ang Ferrari red nito, nandidito na ang lahat. Sabay-sabay pang napalingon ang lahat sa kanya kasama si Nolan na nakaupo sa hood ng blue Ferrari nito. Napalunok ito na nakamata sa dalagang bumaba ng kotse. Tila nag-slow motion pa ang paligid nila na dahan-dahan itong bumaba at napahawi ng buhok nitong tumabing sa mukha. May suot itong puting panyo na naka-cover sa kalahati ng mukha nito. Tanging ang mga mata lang ang kita. Pero kahit gano'n, hindi maipagkakaila kung gaano kaganda at sexy ang dalaga.
Umihip ang hangin na lalong ikilakas ng datingan nito na tinatangay ng hangin ang mahaba at nakalugay nitong buhok. Parang anghel na bumaba sa lupa ang datingan nito. Na kahit sinong lalake ay mabibighani kung gaano ito kaganda!
"Your eyes," dinig niyang nagbabantang saad ng kanang kamay ni Mackenzie sa kanang kamay nitong si Drugo na nasa tabi nito.
Napatikhim ito na nag-iwas ng tingin kay Mackenzie na nakamata sa kanya at dahan-dahang ibinaba ang suot na zipper ng jacket nito na hinubad ang suot. Nagsiyuko naman ang mga tauhan nito at nagsilabasan ng baril ang mga tauhan ni queen M at nagbabanta ang mga tingin sa kanila.
Mahinang natawa si Mackenzie na napailing. Humakbang ito palapit kay Nolan na nakasandal sa hood ng Ferrari nito at hindi masalubong ang kanyang mga mata. Tumayo ito sa harapan ni Nolan, dalawang metro ang layo.
"You only have twenty minutes, Mr Harris. You have to defeat me 'cause if you lost the game? You and your dogs will become my slaves. Is that clear?" wika ng dalaga na buong-buo ang boses.
Napalunok si Nolan na kakaiba ang dating ng boses nito sa kanya. Kahit maawtoridad ang pagkakasabi nito ay may parte sa puso nitong kinikilig na sa unang beses. . . narinig niya ang boses ng mafia queen na kinakatakutan ng lahat kabilang na--ang grupo niya.
"Siguraduhin mong susunod ka sa usapan, queen M. Ibabalik mo ng double lahat ng pera at baril na tinangay mo mula sa tauhan ko," sagot ni Nolan ditong ngumisi at taas ng isang kilay.
"Kung matatalo mo ako, Mr Harris. Kung. . . kaya mo." Makahulugang sagot ni Mackenzie dito na napakindat pa sa binatang umawang ang labi na natulala dito.
Mahinang natawa si Mackenzie na napahawi pa sa buhok at muling bumalik sa Ferrari nito. Marahan namang siniko ni Drugo ang amo nito na natulala si Nolan sa kinauupuan.
"Boss, sakay na." Bulong nito sa amo.
Napatikhim si Nolan na kaagad sumakay sa Ferrari nito. Natawa at iling naman ang mga tauhan ni Mackenzie na natutulala at taranta ang boss nila Drugo sa kanilang amo.
"Are you ready to bark for us, hmm, bulldog?" natatawang saad ni Athena sa kanang kamay ni Nolan na si Drugo.
Napangisi naman ang binata na napasuri sa kabuoan nito.
"Gusto mo e, ngayon pa lang ay maging bulldog na ako sa'yo. Nakahandang dilaan ka mula ulo hanggang paa. Napakaganda at sexy mo pa naman, ms," nakangising sagot nito sa dalaga na umikot ang mga mata dito.
"Whatever," ismid nito na tinalikuran ito.
Natawa si Drugo na napakamot sa ulo sa pagsusungit ng dalaga sa kanya. Napasindi pa ito ng yosi nito na napasunod ng tingin sa tauhan ni queen M na tumabi na sa mga kasama nito. Napasipol pa ito na nakamata sa dalaga. Pero inirapan lang siya ni Athena na mahinang ikinatawa nito.
"Hindi na masama, bossing. Kung matalo si boss Nolan ni queen M, nakahanda kaming maging aso sa kanila. Ang gaganda pala talaga ng mga tauhan ni queen M syempre--lalo na ang pinuno nila. Ganyang tanawin ang nakikita natin sa maghapon--chuks! Panalo," nanggigigil na bulong ng isang kasama ni Drugo na mahinang natawa.
"Gago ka ba? Akala mo ba ay makaka-score ka sa mga iyan kapag naging aso nila tayo? Aalilahin tayo ng mga iyan. Ipapain sa mga kalaban. Kumbaga kapag nasa labanan tayo. Tayo nila boss Nolan ang sasalo ng bala para sa kanila." Natatawang sagot ni Drugo dito na napangiwing nagkamot sa ulo.
"Akala ko pa naman jackpot na tayo kahit maging alipin nila," bulong nito na bakas ang panghihinayang sa tono.
Pasulyap-sulyap pa ang mga ito sa gawi ng mga dalagang naka-all black ang suot mula boots, pants at top. Nakasukbit din ang baril nila sa kanilang mga baywang habang nakamata sa dalawang nagkakarera sa daan. Kita kung gaano ka-sexy ang mga ito na fitted ang suot na sando at off shoulder long sleeve. Hinahangin pa ang mahaba at nakalugay nilang unat na buhok na lalo nilang ikinaganda.
Samantala, naka-chill lang si Mackenzie habang mabilis ang pagmamaneho. Nasa likuran kasi nito si Nolan na hindi siya maunahan sa daan. Ilang beses nang nagtatangka itong agawin ang linya ni Mackenzie pero palaging nahaharang ng dalaga kaya nanatili itong nasa likuran.
"Ano na, Nolan? Iyan lang ba ang kaya mo?" usal nito na bahagyang binagalan ang speed nito.
Hinayaan niyang sumabay si Nolan sa kanya na tumapat sa kanya. Nagkatinginan pa ang mga ito at nagkangisian. Nag-flying kiss pa si Nolan dito at kindat na napaikot ng mga mata at pinakitaan ng middle finger ang binata. Natawa si Nolan na napailing at sinamantalang binilisan para maagaw ang linya ni Mackenzie.
"Woah! Fvck!" hiyaw nito na naagaw ang linya ni Mackenzie!
Hinayaan lang naman ito ni Mackenzie na nasa unahan. Nangingiti na nakamata sa sasakyan ng binata. Hanggang sa pabalik na sila sa kinaroroonan ng mga tauhan nila kung saan ang finish line! Nag-concentrate na si Mackenzie dahil matalino si Nolan na ginaya ang strategy nito kanina!
Nagsuot ito ng Bluetooth earphone na tinawagan ang kapatid nitong kaagad na sumagot.
"Shoot his tire now, sis." Utos nito.
"Right away, my dear." Tugon ni Messy na itinutok ang dalang sniper rifle sa Ferrari ni Nolan.
Napangisi ito na pinuntirya ang gulong ng Ferrari ni Nolan at kaagad kinalabit ang sniper nitong nasapul ang gulong sa harapan ng binata!
"Ahh! Damn! What's wrong with you?!" bulalas ni Nolan na sumansad ito sa gilid ng daan!
At dahil mabilis ang pagmamaneho nito, hindi nito na-control ang manibela hanggang sa sumalpok ang Ferrari nito sa poste ng kuryente!
"Bingo!" usal ni Messy na napangising ibinaba ang sniper nito.
"Nice shoot, sis." Pagbati pa ni Mackenzie sa kapatid nitong natawa.
"Congrats, sis. Siguraduhin mong hindi magiging sakit sa ulo ang bagong laruan mo." Natatawang saad ni Messy dito na natawang sinulyapan sa side view mirror ang kotse ni Nolan.
Dumating ito sa finish line na may malapad na ngisi sa mga labi! Bumaba ito na nagtungo sa mga tauhan nitong tuwang-tuwa na chini-cheer ang boss nila.
"We knew it, queen. Ikaw ang mananalo. Ang husay mo talaga." Pagbati ni Athena sa amo na napangiti.
"Thanks, ladies. Wala naman palang binatbat ang amo nila e. Puro lang porma," natatawang saad ni Mackenzie na nakipag apiran sa mga tauhan nitong kita ang galak na nanalo ito.
"Uhm, queen M. Mawalang galang na po. Pero-- nasaan si boss?" sabat ng kanang kamay ni Nolan na ikinalingon nila dito.
Napalunok pa ang binata na bahagyang napaatras nang pumihit paharap si queen M dito. Kita ang takot sa mga mata nito na hindi makatingin ng diretso sa mga mata ng dalaga.
"Baka umiiyak pa." Sagot nito.
Napangiwi naman si Drugo na napakamot sa ulo. Hindi na nakatiis ang isang tauhan nito na tinignan sa ibaba nila kung parating na ang boss nila. Pero nagulat ito na makita ang kotse ng amo na nakasalpok sa poste ng kuryente sa ibaba!
"Bossing Drugo! Si boss Nolan!" pagtawag nito sa mga kasama.
Nagpatay malisya naman si Mackenzie na nagsitakbo ang mga tauhan ni Nolan at pinuntahan ang amo nila.
"Anong nangyari? Naaksidente yata si mr Harris?" usal ni Athena na ikinakibit balikat nito.
"I don't know. And I don't care. Ang mahalaga. . . natalo siya sa laro namin," balewalang sagot nito.
DINALA nila si Nolan sa isang safehouse nila. May doctors at nurses naman sila doon na naka-stand by para sa gan'tong scenario. Hindi naman nagpakita ng pag-aalala si Mackenzie sa mga tauhan nito kahit na nakita nitong duguan sa ulo at walang malay si Nolan. Tila napasama ang pagsalpok nito sa poste.
Tumuloy ito sa secret room ng safehouse nila at doon pinanood ang mga doctor nito sa kanilang headquarters kung saan kasalukuyang inooperahan sa ulo si Nolan. Binuksan nito ang wine na dala at tinungga ng direkta sa bote habang nakamata sa monitor.
"Kaya mo 'yan, Nolan. Hindi pa nga kita. . . napapakinabangan e." Usal nito na may ngising naglalaro sa mga labi.
Napatungga ito sa wine niya na nakamata kay Nolan. Mukha kasing napuruhan ang binata at sa ulo pa ang tama! Hindi naman niya intention na mapahamak ito at mamatay sa gano'ng paraan! Pero lahat gagawin niya maipanalo lang ang laban nilang dalawa. Dahil hindi siya makakapayag na may makakatalo sa kanya. Kung kinakailangan niyang mandaya para manalo? Gagawin niya.
Kita naman sa labas ng operating room ang mga tauhan ni Nolan na palakad-lakad. Bakas ang takot at pag-aalala sa kanilang amo na kasalukuyang inooperahan sa loob. Hindi naman lahat ng taunan ni Nolan ay nandoon. Kaya kampante ang mga itong dalhin ang mga bagong alipin nila sa isa nilang hideout dahil kayang-kaya nilang itumba ang mga ito kasama si Nolan, sa oras na manlaban ang mga ito!