MACKENZIE'S POV:
HINILA ko si Nolan papasok sa kabilang silid ng bahay nang makakuha kami ng tiempo para makaalis sa pinagkukublian namin habang pinapaulanan kami ng bala ng mga kalaban sa ibaba!
"Damnit!"
Napamura ako na hinila ito payuko at sinilip sa ibaba ang mga kalaban mula sa telescope ng sniper ko.
"Ano bang nangyayari? Sino sila? Bakit gusto ka nilang patayin? At bakit marunong kang makipag barilan? Kriminal ka ba?" magkakasunod nitong tanong habang nagkukubli sa likuran ko at inaasinta ko sa ibaba ang mga kalaban.
"Just shut your mouth, Nolan. You're not helping!" sikmat ko na inasinta ang isa at kinalabit ang katilyo!
Napuruhan ito sa noo na kaagad bumulagta sa lupa! Napapitlag pa si Nolan dahil nakikisilip siya sa ibaba namin.
"Binabaril nila tayo. Alangan namang wala akong pakialam? Sumasakit na ang ulo ko!" reklamo pa nito na nilingon ko at sinamaan ng tingin.
Napangiwi naman ito na naningkit ang mga mata ko sa kanya.
"Mamaya mo na intindihin ang ulo mo. Sabi mo nga 'di ba? Binabaril nila tayo," pagalit ko dito na napabusangot.
"H-hindi ka naman masama 'di ba?" alanganing tanong nito na ikinangisi ko.
"Masama ako. Kaya kung hindi ka manahimik, sasamain ka sa akin. Hindi ako magdadalawang-isip itumba ka katulad nila," pananakot ko ditong napalunok at namutla.
"S-seryoso, honey? Kaya mo akong patayin?"
"Yes." Sagot ko na bumaling na sa mga kalaban sa ibaba.
Kitang natahimik ito na nagkukubli sa likuran ko. That's actually much better than his constant chatter. I couldn't focus with him pestering me like a kid asking non-stop questions. I furrowed my brow, noticing the men were no longer in their positions downstairs. I pulled out my cellphone from my pocket and checked where they were.
"There we go," usal ko na makita sa screen kung saan nakapwesto ang mga ito.
Ibinalik ko sa bulsa ang cellphone ko. Ipinosisyon ko ang sniper kung saan nakatago ang mga ito. Isa-isa ko silang inasinta mula dito sa kinakukublian ko. Madali ko lang naman silang naubos. Dahil kita mula dito sa itaas kung saan sila nakapwesto. I smirked and shook my head. Nagpahid ng pawis sa noo na nilingon si Nolan sa likuran ko.
"What? Wala kang sasabihin?" untag ko.
Ngumiti pa ito na ikinaningkit ng mga mata ko dito.
"Pwede na ba akong magsalita, honey?" malambing niyang tanong na nagpapa-cute sa harapan ko.
I rolled my eyes and shook my head that makes him giggle.
"Let's go. We're not safe here anymore," wika ko na hinila na ito sa isang kamay.
"Dahan-dahan naman, honey. Nahihilo pa ako e. Saka gutom na ako. Bagong gising ko palang pero ito na bungad sa akin," reklamo nito na may pagmamadali ko siyang hinihila palabas sa sikretong lagusan ng bahay.
"Mamaya ka na magreklamo, okay? Hindi natin alam kung may kasama pa silang parating para patayin tayo," pagalit ko dito.
"Bakit ang galing mong makipag barilan, honey? Ano bang trabaho mo?" tanong pa nito habang pababa kami sa tunnel ng bahay.
"Itikom mo na lang 'yang bibig mo," ingos ko dito.
Pagkababa namin sa hagdanan ay binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko at madilim dito. Nakahawak naman ito sa damit ko na parang batang takot na takot mawala.
"Honey, saan tayo pupunta?" tanong pa nito na nasa kalagitnaan na kami ng tunnel.
"Sumunod ka na lang, Nolan. Kapag ako ang nainis sa kadaldalan mo, iiwanan kita dito." Masungit kong sagot.
Maya pa'y dama namin ang paggalaw ng tunnel na ikinatigil namin.
"A-ano 'yon? Akala ko ba ubos na sila?" tanong nito na napayakap na sa akin.
"Bitaw nga, ano ba? Ligtas tayo dito kaya hwag kang mag-alala." Pagalit ko dito na napangiwing bumitaw sa akin pero hinawakan ang kamay ko.
Hindi ko na lamang ito pinansin na hinila na siya patakbo. Tiyak kong may mga kasama pa ang mga sumugod sa amin at natatapakan na ang mga nakatanim na landmine sa bakuran ng bahay. Nang marating na namin ang dulo ng tunnel, malakas kong sinipa ang nagsisilbing pintuan nito. Bumukas naman iyon na ikinasinghap pa ni Nolan sa likuran ko.
Namamangha ito na bumungad sa amin ang kakahuyan. Hinila ko na ito na isinukbit sa balikat ang sniper at nilapitan ang nakahandang ducati dito na nakatago para sa akin.
"Teka-- sa'yo ba ito, honey? Hwag namang mamamatay tao ka na nga, magnanakaw ka pa. Ang sama naman ng mahal ko!" bulalas nito na sinamaan ko ng tingin.
"Akin 'to, Nolan. Iwan kita dito e," ingos ko na sumampa na sa ducati.
Kaagad naman itong sumampa sa likuran ko nang mag-start ang motor.
"May dala kang baril pero ni isa wala kang pinutukan. Wala kang kwenta," pagalit ko dito na natawang niyakap ako.
"Hindi nga kasi ako marunong gumamit nito. Lalong-lalo nang hindi ko kayang pumatay noh? Nakakatakot kaya," sagot nito na ikinailing ko.
TUMULOY kami sa hotel na nadaanan namin. Nagtataka naman ito na dito kami huminto.
"Teka--hotel? Honey, anong gagawin natin dito? Hwag mong sabihin. . . hahalayin mo ako?!" bulalas pa nito na namimilog ang mga mata.
"Manahimik ka nga. Lagyan ko ng tape ang bibig mo e!" pagalit ko na pasimpleng itinago ang dalang baril sa jacket ko.
Napalapat naman ito ng labi na inirapan ko. I put on my sunglasses, intertwined our hands and pulled him to the hotel. Binati naman kami ng mga guard at hindi na kinapkapan, bagay na ikinahinga ko nang maluwag. We proceeded to the front desk, where two hotel staff were waiting for us with a bright smiles on their face.
"Hi, ladies. One room, please?" saad ko.
"Okay po, ma'am. Just a minute po." Magiliw nilang sagot na pina-log-in kaming dalawa ni Nolan.
Matapos magbayad, tumuloy na kami sa silid namin sa ikatlong palapag ng hotel. Tahimik naman ito na nakasunod sa akin at napapalinga pa sa paligid. When we entered the room, I walked over the window and take a look outside. Nagpatango-tango ako na makitang wala namang kahina-hinala sa labas. Mukhang hindi na nila kami nasundan dito.
"Honey, gutom ako. Parang matutumba na ako sa panghihina," reklamo nito na ikinalingon ko sa kanya.
Kitang pinagpapawisan na nga ito at namumutla. Napalunok ako na inayos ang kurtina at lumapit ditong nakaupo sa gilid ng kama.
"Dito ka na muna. Kukuha lang ako ng makakain sa baba." Saad ko.
"Ayoko. Sasama ako sa'yo." Sagot nito na kita ang panghihina sa itsura at boses.
"I'll be quick, okay? Mas mapapabilis akong kumilos kung wala ka," pagalit ko ditong napanguso at kitang nasaktan.
"Iiwan mo ako e."
"I won't, okay? Bakit naman kita iiwan dito?" sagot ko na ikinalabi nitong nangingilid ang luha.
"Hindi mo ako iiwan?" nagdududang tanong nito.
Napahinga ako ng malalim na napahilamos ng palad sa mukha. Malamlam ang mga matang tumitig ditong parang batang nagtatampo ang itsura na nakatingala sa akin at nakatayo ako sa harapan niya.
"Babalik ako. I won't leave you, Nolan. Kukuha lang ako ng makakain at gamot mo. Hindi naman kita panonooring mamatay sa kamay ko noh?" sagot ko na mas kalmado.
Napangiti itong tumayo na sumapo sa magkabilaang pisngi ko. Bakas ang kakaibang kinang sa mga mata na ikinataas ng kilay ko.
"I trust you, honey. I love you!" bulalas pa nito na kay bilis nag-smack kiss sa mga labi kong ikinakurap-kurap ko!
"H-hoy! Y-you're not allowed to kiss me!" pagalit ko na nakurot itong impit na napadaing at hagikhik!
"Ito naman. Na-carried away lang e. Ang damot." Nakangusong pagmamaktol pa nitong inirapan ko na nagdadabog lumabas ng silid. "Ingat, honey! I'll wait for you!" pahabol pa nito.
Naiiling akong lumabas ng silid na iniwan na muna ito. I act normal as I go out. Tumuloy ako sa kaharap na kainan ng hotel at tumingin kung anong pwedeng mabili para kay Nolan. Sakto namang kay bulalo sila dito kaya kumuha ako para sa kanya. Nanghihina na kasi siya at maganda sa kanya ang humigop ng sabaw.
Bumili din ako ng iba pang putaheng ulam, prutas at tubig bago dumaan ng tindahan at bumili ng gamot para sa pananakit ng ulo nito.
"Damn, Mackenzie. Aalagaan mo talaga siya?" kastigo ko sa sarili na napailing.
After I'd done what Nohan's need, I immediately go back to the hotel. I don't know why I'm doing this. Why I'm protecting him and why I was taking care of him even though he meant nothing to me. Napailing ako na napangisi.
"Wala nga ba siyang halaga sa'yo, Mackenzie?" tanong ko sa sarili na napaikot ng mga mata sa naisatinig.
Napabuga ako ng hangin na lumabas ng elevator at naglakad ng tuwid patungo sa hotel room namin. Hindi na ako kumatok at basta na lamang pumasok.
"Oh my God! Nolan?!" bulalas ko na napatakbong nilapitan itong nakahandusay sa sahig.
Itinabi ko na muna ang mga dala ko sa paanan ng kama at dinaluhan si Nolan na nakahiga sa sahig at hindi gumagalaw. Napalunok ako. Dama ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko habang nakamata dito. Lumuhod ako sa tabi nito na napahaplos sa pisngi nito.
"H-hey, N-nolan, wake-up," paggising ko dito.
Pero nanatiling nakapikit ito na tila hindi na humihinga!
"Oh my God! This can't be!" bulalas ko na napasabunot sa ulo.
"Nolan, sige na. Gumising ka na, please? Hwag mo nga akong takutin," pagalit ko na pilit pinatatag ang boses.
Nangangatal ang kamay ko na sumapo sa magkabilaang pisngi nito. Dahan-dahan akong yumuko na pinaglapat ang noo namin.
"Sige na, honey. Wake-up. Don't scared me. I need you, Nolan. And I want to be with you," salitang kusang lumabas sa bibig ko.
Napapikit ako na pinaglapat ang aming mga labi. Maya pa'y naramdaman kong may humawak sa batok ko at ipinagdiinan sa kanya na ikinamilog ng mga mata kong nakurot ito!
"Nolan!" sikmat kong ikinahagikhik nito na naupo! "Bwisit ka talaga! You're annoying!"
"You're worried for me, honey. I love you too."
"Che!"