MACKENZIE'S POV:
NAPAIRAP ako dito na nag-iwas ng paningin sa kanya. Napahalakhak naman ito na nagagawa pang kumalabit sa aking ikinaiiktad ko. I don't know why, but I felt fluttered in my heart hearing him laughing. His laughter sounds incredibly sexy to me. Para akong hinahaplos sa puso na marinig ang halakhak nitong ibang-iba ang dating sa akin. Napakagaan ng pakiramdam ko sa kanya na hindi ako makadama ng takot o pag-aalangan kahit alam ko naman kung sino siya at kung anong kaya niyang gawin sa akin.
"Aminin mo na kasi, honey. You're my girlfriend, right?" tudyo pa nito.
Napailing naman ako. "Hindi nga kasi. Sa pangit mong 'yan, do you think papatulan kita?" pambabara ko ditong napahagikhik lang.
"I don't believe you, honey. Kasi dama ko sa puso kong gusto kita. Sabihin mo na kasi. Hwag mo na akong pag-trip-an, hmm? Ano bang nangyari sa akin? Bakit parang wala akong kaalam-alam sa mga nangyari sa akin. Sandali--ano nga palang pangalan mo?" pangungulit pa nito.
I took a deep breath. I stared at him blankly. Napanguso naman ito na nangungusap ang mga maamo niyang matang nakatitig sa akin. Para akong hinahaplos sa puso ko na makipagtitigan sa mga mata nito.
"You can call me Queen. I'm not your girlfriend, Nolan. We're not friends or in a relationship either. So don't act like we're close okay?" I coldly answered.
Napalunok naman ito. Kita ang pagdaan ng kirot sa mga mata nitong ikinaiwas ko ng tingin sa kanya. Seeing him hurt because of what I've said hurts me too. Para akong kinukurot sa puso na makitang nasaktan ito sa sinabi ko. But I don't want him to see that I'm affected too. 'Cause if he saw that I'm affected, he might take advantage of it. He'll keep doing that, playing on my sympathy so that I'll give him anything he wants from me. Hindi pwedeng ako ang maging sunud-sunuran sa kanya. Siya ang alipin ko dito. Siya ang dapat sumunod sa lahat ng utos at nais ko.
"Kung gano'n. . . tauhan mo nga ako? Walang special sa atin?" tanong nito na dama ko sa boses niyang nasasaktan siya.
"Yes." I simply answered.
Napalapat ito ng labi. Nag-iwas ng paningin. Pero kahit nakatagilid siya ay dama kong napapaisip din ito. Na nasaktan ito sa pambabara ko.
"Ano bang nangyari sa akin? Nasaan ang pamilya ko?" muling tanong nito makalipas ang ilang minuto naming katahimikan.
"You have no family," sagot ko.
Hindi ko naman talaga alam kung nasaan ang pamilya niya, o kung may pamilya ba siya. Napalingon naman ito sa akin. Bakas ang kagulatan sa mga mata nito.
"U-ulila ba ako?" hirap nitong tanong.
"I don't know. Maybe?" sagot ko.
"Bakit hindi mo alam? Akala ko ba tauhan mo ako?"
Nilingon ko ito na sinalubong ang mga mata nitong puno ng katanungan.
"Yes. Tauhan kita. Tauhan lang kita, okay? You are nothing to me, Nolan. I don't know where you from and where is your family. Because I. . . don't. . . care. You understand?" I sarcastically said.
Namuo ang luha sa mga mata nito. Napakapit sa kobrekama na nagpipigil tumulo ang luhang matiim na nakatitig sa akin.
"H-hindi mo ako naiintindihan. Gulong-gulo ako sa mga nangyayari. Pakiramdam ko ay mag-isa ako. Nawawala sa isang malawak na disyerto. Ni hindi ko alam kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. Ikaw ang nandidito. Kaya umaasa akong matutulungan mo ako. Pero bakit parang. . . para lang akong basahan sa'yo. Wala kang pakialam sa akin? E bakit ikaw ang nandito? Bakit ikaw ang nag-aalaga sa akin habang wala akong malay? Bakit. . . bakit nasasaktan ako ng gan'to na binabalewala mo ako?" mapait nitong turan na tumulo ang luhang matiim na nakatitig sa akin.
Hindi ako nakasagot. Para akong kinukurot sa puso sa mga sinabi nito. Pero hindi ko rin naman alam kung paano siya sasagutin. Kaya nanatiling tikom ang labi ko.
Napayuko ito na yumugyog ang balikat. Napalapat ako ng labi. Nagpipigil maluha na humihikbi ito at damang-dama ko ang bigat ng dinadala nito. Hindi ko alam pero. . . para akong pinipiga sa puso na umiiyak siya. May parte sa puso ko ang gustong damayan siya at aluhin. Pero tumututol ang isipan ko. Kaya sa huli, nanatili akong nakaupo sa silya at hinayaan lang itong umiyak.
Ilang minuto itong umiyak hanggang sa kusa din siyang tumahan. Nagpahid ito ng pisngi. Sinisinok na nag-angat ng mukha. Namumugto na rin ang mga mata at namumula ang ilong at pisngi nito dala ng pag-iyak. Nilingon niya ako na inabot ang kamay kong ikinasinghap ko. Bumilis ang pagtibok ng puso ko na hindi kaagad nakakilos.
"Please, ikaw na lang ang inaasahan ko. Hwag mo naman akong itrato ng gan'to." Namamalat ang boses na pakiusap nito habang hawak-hawak ang kamay ko at marahang pinipisil-pisil iyon.
I close my eyes and took a deep sight. Walang emosyon ang mga matang tumitig ditong nagsusumamo ang mga matang nakatitig sa akin.
"I'm telling you the truth, Nolan. I'm not your girlfriend. I am your boss. Nasa mission ka nang maaksidente ang kotse mo. Kaya nawalan ka ng ala-ala. Malaki ang utang na loob mo sa akin. Kaya lahat ng utos ko, susundin mo. Okay?" kalmadong saad ko dito na napalunok.
"Hindi mo ba ako gusto? Hindi manlang ba tayo nagkagustuhan? Kasi kahit hindi kita maalala, alam ko sa puso kong gusto kita, Queen." Saad nito.
Nag-init ang pisngi ko sa tinuran nito lalo na't matiim siyang nakatitig sa akin.
"Seryoso ka ba? Sa pangit mong iyan ay papatulan kita? Hell no," ingos ko.
Napalapat ito ng labi na napalinga pa sa paligid namin.
"Paabot nga ng salamin," utos pa nitong ikinataas ng kilay ko.
"Ayoko. I am your boss, Nolan. Ang kapal naman ng mukha mong utusan ako," ismid ko na napahalukipkip ng mga braso sa dibdib.
Natawa naman itong inabot ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa at tinignan doon ang mukha. Awang ang labi nito na nilingon akong nakataas kilay at ngisi sa kanya.
"Seryoso ka ba? Pangit pa ako sa lagay na 'to para sa'yo?" hindi makapaniwalang bulalas nito.
"Oo."
Napailing itong ibinalik ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa at saka tumitig sa akin.
"May boyfriend ka na?"
"Wala."
Napangiti ito na kita ang kakaibang kinang sa mga mata. Umaliwalas na naman ang mukha niya na parang hindi galing sa pag-iyak kanina.
"E asawa?" hirit pa nito.
"Wala."
Lalong lumapad ang ngiti nito sa isinagot ko.
"Hwag ka ngang ngumiti. Para kang timang sa itsura mo," ingos ko ditong napahagikhik.
"Yong totoo, honey. Boyfriend mo ako, tama? Siguro may nagawa akong kasalanan sa'yo kaya pinaparusahan mo ako, noh?" nanunudyong saad nito na ayaw bitawan ang kamay ko.
Napataas kilay ako dito at ngumisi. Pero ngumiti lang ang mokong na bakas ang halo-halong emosyon sa mga mata nitong kay inosente ng itsura.
"Ang taas naman ng imahinasyon mo. Hindi nga kasi tayo," ingos ko na inirapan itong napahagikhik.
I gasped as he kissed my hand without my permission! Pinandilatan ko ito ng mga matang pinamulaan ng pisngi na nag-iwas ng tingin sa akin at nagpipigil mapangiti!
"Bitawan mo nga ang kamay ko," ingos ko ditong mas hinigpitan ang pagkaka-intertwined ng mga kamay namin.
"Ayoko."
"Haist!"
Napahagikhik ito na wala akong nagawa na ayaw niyang bitawan ang kamay ko. Maya pa'y nagseryoso na ito na bumaling sa akin.
"Gusto kita, Queen. Totoo. Kanina nang mabungaran kitang nahihimbing sa tabi ko, dama ko iyon sa puso ko. Na gusto kita." Seryosong saad nito na ubod ng lambing.
His eyes are shining and expressive while staring at me. Tila nangungusap ang mga iyon sa akin na hwag ko siyang biguin.
"Tsk. Gutom lang 'yan, Nolan. Gusto mo bang kumain?" pag-iwas ko.
Pilit itong ngumiti na tumango. "Nagugutom na nga. Pwede bang magpaasikaso sa'yo, honey?" malambing pakiusap nito na nagpa-puppy eyes sa akin.
Napailing akong tumayo na binawi ang kamay dito.
"Stay here. I'll check what food's available downstairs that we can eat." Sagot ko.
"Wala ba tayong ibang kasama dito?" tanong pa nito.
"Wala." Tugon ko na tinalikuran na ito.
Napakamot ako sa ulo na bumaba ng kusina. Nolan and I are alone here in the house. Wala akong ibang mautusan dito dahil pinaalis ko na ang mga tauhan ko. He's not yet fully recovered. So I have no choice but to cook for us. Dahil kung hindi ako kikilos? Hindi nga kami mamamatay sa labanan. Pero mamamatay naman kami sa gutom.
Marunong naman akong magluto. Lalo na kung simpleng agahan lang. I tied up my hair and headed to the bathroom. Hindi pa kasi ako nakapaghilamos at sepilyo. Matapos maghilamos at sepilyo, lumabas na ako ng banyo na nagtungo sa kusina. I open the fridge and get get some eggs, bacon and ham. May kanin pa namang natira kagabi kaya iyon na lamang ang gagawin kong sinangag.
Since we were kids, mommy Yumi taught us how to cook and clean the house. Even though we had maids in the mansion, mom didn't want us just ordering the maids around. She wanted us to learn how to cook, clean the house, do laundry, and wash the dishes. Kaya naman kahit mag-isa ako sa bahay, kaya kong alagaan ang sarili. Dahil marunong ako ng gawain.
Habang nagluluto, bigla akong binundol ng kakaibang kaba sa dibdib! Napalunok ako na napasilip sa bintana. Pero tahimik naman sa labas. Hininaan ko ang apoy na sumandal sa countertop malapit sa drawer kung saan nakapwesto ang sniper rifle ko. Hinugot ko ang cellphone sa bulsa na sinilip ang ilang kuha ng mga hidden camera sa palibot ng bahay.
"Damn! Paano sila nakapasok?" usal ko na pinatay ang gas stove at mabilis kinuha ang sniper ko.
Maingat akong tumakbo paakyat sa silid kung saan naroon si Nolan! Nagulat pa ito na makitang may hawak akong baril na kaagad kong sinenyasang hwag maingay! Namimilog ang mga mata nitong maingat na bumangon ng kama. Lumapit naman ako dito.
"B-bakit, honey? Anong nangyayari? Bakit may baril ka?" pabulong tanong nito na bakas ang takot.
Maingat kong binuksan ang drawer sa gilid ng kama at kinuha ang caliber ko doon at ilang magazine. Lalo namang namilog ang mga mata nito sa gulat!
"Hawakan mo 'to. Tara na," pabulong kong saad na ibinigay dito ang sniper.
"T-teka, honey. Hindi ako marunong gumamit nito," nag-aalalang saad nitong bakas ang takot sa boses na nakasunod sa akin palabas ng silid.
"Marunong kang gumamit niya'n, Nolan. May mga tao sa baba. They are here to kill you," sagot ko dito na halos lumuwa ang mga matang namutla sa narinig!
"A-ano? Ba't ako?"
Ngumisi ako dito na namumutla sa narinig!
"Just keep this on your mind, Nolan. Papatay ka. . . o ikaw ang papatayin. Alin sa dalawa ang gusto mo, hmm?" saad ko na pumwesto sa gilid ng bintana at sinilip sa cellphone ko kung nasaan ang mga lalakeng armado sa labas.
"Protektahan mo naman ako, honey. Hindi pa ako handang mamatay. Gusto pa kitang pakasalan e," wika nito na bakas ang takot at nakasiksik sa akin.
"Gago ka ba? Ako ang protektahan mo. Ikaw ang kailangan nila. Gusto mo bang ibigay kita sa kanila, hmm?" pagalit ko ditong napalapat ng labi.
"Hwag. Ikaw ang gusto kong kasama e." Nakangusong sagot nito na ikinailing ko.
"Akin na nga iyan," aniko na kinuha ang sniper dito at ipinalit ang caliber.
Namamangha pa ito na nakamata sa akin. Ipinuwesto ko ang sniper sa gilid ng bintana kung saan kita ko ang isang armadong lalake. Kung hindi ako nagkakamali, nasa sampu lang naman ang kalaban namin. At kayang-kaya ko silang patumbahin. Mabuti na lang at bumaba ako. Dahil kung hindi? Napasok na pala kami na hindi namin namamalayan!
"Go to hell, bastard." Bulong ko na kinalabit ang katilyo at bumulagta itong ikinayakap ni Nolan sa akin mula sa likuran!
"Fvck! Honey! You're a murderer! Ang sama mo naman!" bulalas pa nito na makita ang napatay ko.
"Bwisit ka! Shut up!" sikmat ko dito na hinila payuko at pinaulanan na kami ng bala sa aming pwesto!