Chapter 6

1006 Words
Chapter 6   "Hey, can we rest for awhile? kanina pa tayo nag-aaral eh.  Lunch time na oh." pakiusap ni Daniel kay Kath.  Its been one week simula ng maging mag-kaibigan si Kath and Daniel. Mula noong araw na iyon mas naging palagay sila sa isat-isa. Tulad ngayon, buong araw sila magre-review pangbawi sa nakaraang linggo na di sila nakapag-review. "Oonga, di ko na pansin. Ang bibo mo kasi sumagot sa mga exercises eh. And isa pa, kanina ka pa patawa ng patawa. Ang kulit-kulit mo." sagot naman ni Kath. "Eh panu kasi weakness ko din ang magmemorize. And mnemonics is a perfect tool, and mnemonics are good kapag nakakatawa." Daniel "Ok, sige na... panalo ka na. Tara kain na tayo." nagsimula nang magligpit nang gamit si Kath.  "San mo gusto kumain?" tanong ni Daniel/ "I wanna try Jollibee?" Masayang sabi ni Kath "Jollibee?" di makapaniwala na tanong ni Daniel "Di ka pa ba nakaka-kain dun?" mas nagulat sya noong tumango si Kath, tao ba talaga ito? "Pwede pag andun na tayo ko i-kwento?" dahan-dahan nalang napatango si Daniel dahil hindi parin sya makapaniwala.  Seryoso ba talaga na hindi pa sya nakakakain ng Jollibee? Pumunta sila sa pinakamalapit na Jollibee, hindi matawaran ang ngiti ni Kath.  Napapailing nalang si Daniel lalo na at sobrang dami nitong in-order. Ngayon kumakain na sila sa Jollibee. Excited si Kath tikman ang Chicken Joy, habang si Daniel pailing-iling, may tao pa palang di nakaka-nakain sa Jollibee. "So pwede mo na i-kwento bakit mukha kang ewan dyan?" habang magandang kumakain. "Healthy Living?" natatawang simula nya. "Health conscious ang parents ko. Feeling nila pag kumain ka sa mga fast food mapapadali buhay mo. Kahit sa bahay namin ganoon.  Alam mo bang may family dietician kami, OA nuh? Pero ganun talaga." Sabay sumubo na ulit si Kath. "Sobrang sarap pala talaga nito no?" komento nya bago sumubo.  Parang gutom na gutom si Kath.  Napangiti nalang sya. "So, baka pagalitan ka ng parents mo pag nalaman na kumain ka dito, madamay pa ako..." natatawang komento ni Daniel. "Anu ka ba, pagbigyan mo na ako. I never had a super friend since first year college. Kasi yung mga friends ko na si Julia and Yen went to different Colleges. Kaya wala ako makasabwat na kaibigan try new things. Kasi kahit si Julia and Yen, di din mahilig sa ganito, trippings namin? Maglibot sa ibat-ibang restaurant makatikim lang ng steak." kwento nya.  Ngayon alam na nya bakit sa apat na taon na pareho silang nasa iisang University sila ay ngayon nya lang ito nakilala.  Magkaibang magkaiba ang mundo nila. "Alam mo you're starting to become talkative..." Daniel habang kumakain.  Natahimik naman si Kath.  Na conscious sya sa sinabi nito.  Bigla syang nag ayos nang upo.  "Is it bad? I know napaka unethical na maging madaldal para sa isang babae. Di bale, I'll shu---" Daniel cut her off. "Talkative in a good way, parang na-supress kasi lahat ng mga stories mo for four years. Ikaw naman kasi bakit nilalayo mo sarili mo sa mga tao" Daniel "Naging magkakaibigan din naman kami, kayalang..." napahinto si Kath at tumingin sa malayo. "Kayalang?" tanong ni Daniel dahil huminto na si Kath sa pagkwento, parang may mapait na ala-ala ito. "One day they accused me na matapobre, they accused me na napipilitan lang makisama sa kanila. Paano ba naman, kapag night out, di din ako pinapayagan. Paulit-ulit na ganun ang nangyayari..." paliwanag ni Kath. Di makapaniwala si Daniel na ang babaeng nasa harap nya ay ganun ang pinagdaraanan. Na para bang may kulang sa buhay nya. Iniisip ni Daniel na ang OA naman ng mga magulang nya na gawin ito.  Pero naiinis sya para lang akusahan nang mga ganoon nang mga taong di naman kaya maging totoong kaibigan. "Free ka ba tomorrow, Saturday bukas.." tanong ni Daniel "bakit? Anung meron?" tanong ni Kath na wala paring tigil kakain. "Sagutin mo nalang ba"  "Wala, aalis sila Mommy for business a meeting sa Hongkong. Si Dad naman may out of town, so pwede ako, gusto mo mag review bukas?" tanong ni Kath. "Okay, 8:30 dapat ready ka na. Sabay tayo magbbreakfast.  Pero not for a review" sabi ni Daniel.  Naisip nya na iparamdam kay Kath paano maging normal. "Ok, tiyakin mo lang di masasayang ang oras ko." masayang sabi ni Kath.  Alam nya excited din ito. "Si Daniel Miranda ang kasama mo,.. kahit tumanda at magka-apo ka, di mo yun makakalimutan." Pagmamayabang ni Daniel "Daniel Miranda nag masters ka talaga sa kayabangan no? Apaw sa self-confidence eh." sagot naman ni Kath.  Pareho silang tumatawa na parang matagal nang magkaibigan. Matapos ang lunch time balik review ang dalawa. Kitang kita ni Kath ang improvement ni Daniel kahit na ilang session palang sila. Di lang talaga ito ma-tyaga at sanay nakukuha ang isang bagay na madalian. "Nakakahawa talaga katalinuhan ko..." biro ni Kath dito.    Paano, eight out of ten ang nakuha sa score. "Mukha rin nga nakakahawa ang kayabangan ko eh." Sagot ni Daniel at napatawa naman sila pareho. Natapos ang review nila ng almost 4pm na. Napagpasyahan nilang umuwi, since magkasama naman sila bukas kailangan maaga silang umuwi. "Dito pala kayo magkikita?" Hinatid kasi ni Daniel si Kath sa isang spa, para imeet si Julia ang Yen. "Yap,.. nasa loob na sila eh. Sige, alis na ako." paalam ni Kath. "Bukas ha, don't forget. I'll text you. And pag di ka sinundo ng driver mo, text mo ako. Sige na, pasok ka na muna bago ako aalis." napangiti si Kath sa pagiging gentleman ni Daniel.  Kumaway sya dito bago pumasok.  HIndi mawala ang ngiti ni Daniel sa mga mukha nya, alam nya ganoon din si Kath. Hindi alam ni Daniel bakit he always have this urge to protect Kath, the urge to make her happy and help her fill the missing pieces na nawala sa buhay nya.  Dahil nang nalaman nya na may simpleng bagay si Kath sa buhay na hindi naranasan, parang naexcite sya ipakita dito ang ibang side ng mundo. Yung mundo na never pa nyang nakita. Pero bakit? Hindi nya rin maintindihan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD