Chapter 7

1282 Words
Chapter 7 "San ba tayo pupunta?" Tanong ni Kath habang naka upo sa shotgun seat ng sasakyan ni Daniel.  Maaga sya sinundo nito. Inasar pa nga nya ito na himala at di ito nalate. "Umupo ka lang dyan and trust me. Marami kang mapapala kapag kasama mo ang isang gwapong Daniel Miranda." pagmamalaki ni Daniel habang nagmamaneho. "Like yesterday, titiisin ko nanaman ang kayabangan mo. Di ko nga alam pano ako naka-survived kahapon eh." biro ni Kath. "As far as I remember, nung bumaba ka sa kotse ko kahapon ang ganda ng ngiti mo." pang aasar nito.  Hindi mapigilan ni Kath ang mamula dahil aminado sya na masaya talaga sya kahapon. "And for sure, bago ka natulog ako padin iniisip mo." Pagmamayabang ni Daniel "Wow ha, ikaw na ang mayabang." sabi ni Kath na pilit tinatago ang pamumula nang mukha.  Napaisip si Kath, may katotohanan ang sinabi ni Daniel. Masaya sya kahapon, at excited sya for today. Pakiramdam nya pagkasama nya si Daniel parang nakakaramdam sya ng freedom. Bahagya syang napangiti, paano naisip nya na baka tinamaan na sya ng Charm ng babaero-s***h-mayabang na lalaki na to. "Mukhang gutom ka na ah, ngumingiti magisa?" Pahayag ni Daniel sabay tawa. "Oo, gutom na talaga ako. Pagugutuman mo lang ata ako ah." sagot ni Kath para maiba ang usapan. "Hindi ah, andito na nga tayo." Daniel. Habang pinapark ang kotse.  "Jollibee?" Nagtatakang tanong ni Kath "Gusto ko lang ipatikim ang favorite breakfast ko. At dito yun sa Jollibee." sagot ni Daniel bago ito nag park nang sasakyan. Simula ng mag Condo si Daniel, dito sya nag aagahan. Wala naman kasi sya alam sa pagluluto, at di mahaba ang pasensya nya pag-aralan ito.  Bumaba sya nang sasakyan para pagbuksan nang pinto si Kath.  "Humanap ka na nang upuan natin, ako na bahala sa orders." sumunod naman si Kath sa sinabi ni Daniel. Habang um-order si Daniel ay di maiwasan ni Kath na pagmasdan ito.  Hindi talaga maikakaila na gwapo to.  Marami ang napapalingon dito na babae.  Kahit nga yung crew nang Jollibee ay mukhang nabighani. "Sayang taken na." narinig nyang bulong nang babaeng sa kabilang table.  She felt proud na isipin nang iba na sya ang girlfriend ni Daniel.  Dumating si Daniel bitbit and tray na puno ng pagkain... at kasunod ang isang crew ng Jollibee na maybitbit ding tray. "Heavy breakfast ah." gulat na sabi ni Kath.  "Syempre, dito magsisimula ang araw mo na puno ng kalayaan." sabi pa ni Daniel.  Nagsimula silang kumain.  Katulad nang inaasahan, natuwa si Kath sa mga in-order ni Daniel.  Kumain sila nang magana at syempre hindi nawala ang tawanan na parang may sarili silang mundo.   "Infairness, masarap ha. Simple lang sya pero masarap." komento ni Kath matapos silang kumain. "I told yah!" Magiliw na sagot ni Daniel habang nagzizip ng hot coffee. napangiti sya sa pagiging masayahin ni Daniel.  May kayabangan man ito, pero "Next time, favorite breakfast ko nanaman ang papatikim ko sayo." napangiti si Daniel.  "So... di pala ito ang last breakfast natin together?" sabay taas-baba nang dalawang kilay.   "Maybe?" Natawa naman sila pareho.   Habang nang mamaneho si Daniel, walang tigil sa pag-aasaran at kakatawa ang dalawa di tulad ng dati na halos mabaliw sila sa katahimikan pag nasa sasakyan sila. "Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ni Kath. Di nya napansin na malayo na ang narating nila. "Yap, pupunta tayo sa lugar na pwede mong gawin lahat ng gusto mo." napalingon si Kath kay Daniel.  Bumibilis ang t***k nang puso nya, hindi nya alam dahil masaya lang sya na nararanasan lahat nang ito, o masaya sya na kasama ito. Maya-maya lumiko sila at nakita nya ang main gate na may pangalang Enchanted Kingdom. "Dito tayo?" literal na napanganga si Kath. "Oo, ayaw mo ba?" "Wala akong sinabi na ayaw ko. Actually, i liked it. Matagal ko na 'tong gustong puntahan. Wala lang ako kasama, mga friends ko di naman mahilig sa ganito. Sa ibang bansa naman mas gusto nila Dad na manood ng mga Opera. Pangbata lang daw kasi ang mga ganito." mabilis na paliwanag ni Kath. "Iba talaga ang reasoning ng family mo no?" hinawakan ni Daniel ang mga kamay ni Kath "Right now, Im giving you the freedom to be someone you want to be." hindi agad nakapag salita si Kath, she looks straight into Daniel's eyes.  She saw something in his eyes and at the same time she felt warmth in her heart.   Parang bata na ngayon lang nakawala si Kath at Daniel.  Sobrang saya nang dalawa kahit kakapasok lang nila sa.  Para silang may sariling mundo. "Daniel, picture tayo" Excited nasabi ni Kath.  Agad naman lumapit si Daniel sa kanya. Marami silang sinubukang rides, mga minor rides palang. Sabi kasi ni Daniel, 'save the best for last.' "Ok, iisa-isahin na natin ang mga major rides. Ready?" Hinawakan ni Daniel ang kamay ni Kath. Nagulat sya at di ito tumangi, at kumapit din ng mahigpit. Inuna nila ang Anchor's Away. "The more na malakas ang sigaw mo, mas masaya." Sinunod naman ni Kath ang paalala ni Daniel hangang sa parang nagiba na ang sigaw ni Kath. Nagaalala tuloy si Daniel. Buti nalang tapos na ang two minutes. Bumaba na sila, at si Kath umiiyak......Umiiyak nang nakangiti. "Hey, what's wrong?" Tanong ni Daniel na nakahawak ang isang kamay sa pisngi ni Kath "Takot ako sa heights, kanina pakiramdam ko mamamatay na ako. Pero I'm happy, kahit paano I survived.,.." Kath, masaya sya. Simpleng achievement palang yun. Wala pa yung ibang major rides.  Niyakap sya ni Daniel at yumakap naman sya dito.  Nagtatawanan sila na parang sila lang ang tao dito. "Kath, sigaw ka lang ng sigaw para mabawasan stress mo. Tapos hawakan mo lang kamay ko." paalala ulit ni Daniel.  Sobrang higpit nang hawak nya sa kamay nito. Halatang kinakabahan padin.  Sinunod ni Kath ang lahat ng sinabi ni Daniel. Sigaw sya ng sigaw, kahit naiiyak na sya. Nang matapos sila, kahit medyo hilo pa si Kath ay wala parin itong tigil sa kakatawa.  Tinatawanan nila nag isa't isa. "I can't believe this, I tried that one. And I wanna try it again." inaalalayan sya ni Daniel dahil nahihilo pa sya. Marami pa silang sinubukan. Nakalimang ulit sila sa space shuttle. Nakakatawa kasi 5 pictures ang pwede nila makuha. Kitang kita na yung pang-apat at pang lima ang ganda na ng ngiti nila sa camera, di tulad nung una, umiiyak si Kath. Masayang umuwi ang dalawa.  Mas naging malapit sila sa isa't isa.  Naging mas comportable.  Nasanay na si Kath na hinahawan ni Daniel ang mga kamay nya.   "Alam mo Kath, grabe ka sumigaw parang hindi si Kathryn Fontanilla na prim and proper na anak ng Governor." "Grabe,.. alam mo ba dati yung pinakabonggang tawa ko ever sa buhay ko eh yung nahulog yung Yaya ko sa pool tapos perfect nya ang langoy aso." Kwento ni Kath "Pero ngayon, di ko na alam. Sobrang dami. Ang saya nang araw na ito." Dugtong ni Kath "You're welcome." nakangiting sagot ni Daniel. "Ok, ok... ikaw na. Kasi kasama kita, ang isang Daniel Miranda." Natawa naman sila pareho.  Pero hindi napigilan ni Kath na hawakan ang free hand ni Daniel, "Pero seryoso, thank you so much." napangiti lang si Daniel at hinawakan ang kamay nito habang nasa byahe sila. Natapos ang araw na yun na pareho silang pagod, pero sobrang saya. Hinatid ni Daniel si Kath sa bahay nila at nagpaalam.  Ala sais na sila nakarating. Ayaw narin kasi magpagabi baka pagalitan pa si Kath lalo na't di sya nagpaalam. Baka kasi magsumbong ang mga kasambahay nila. Ito kasi ang taga update nila kapag wala ang mga magulang sa bahay. "I'll see you on Monday?" sabi ni Kath bago ito nagpaalam and that's it, Daniel became constant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD