Pagkababa ni Dylan ng kanyang sasakyan agad naman niyang tinungo ang guard quarter para kuhanin ang cellphone ni Ananya. Napamura siya ng makuha ang cellphone. Saka lang niya naalala na tuwing linggo pala ang schedule ni Ananya para linisin ang kanyang condo. At habang nag-uusap sila ni Jake narinig nito ang kanilang pinag-uusapan. At may bahagi ng kwento na na-missed interpret nito. Inisip niya kung saang parte ng kwento ang may mali. “Yung ibang tao nga nag-aalaga ng maraming aso at pusa kahit wala namang pakinabang. Naiba nga lang ako dahil tao ang inaalagaan ko at napapakinabangan ko,” napamura ulit siya ng matumbok ang mga katagang iyon. Hindi nakasagot agad si Jake sa sinabi niya dahil may nginuya ito. Kaya nahinto ang kanilang usapan ng ilang minuto. At iyon marahil ang narinig la

