“Mang Alvin, o my god may nabangga ka!” “Biglang tumawid eh,”sagot ng matanda. Mabilis na bumaba si Audrey ng kanyang sasakyan. “O my god! It's Ananya. O my goodness mang Alvin tulungan mo ako. Help! Help! Please help us! Pakibuhat siya ipasok nyo sa loob ng sasakyan dali. Oh my god Ananya! Bakit ka ba biglang tumawid?” Kasabay ng biglang pagpreno ng driver ni Audrey. Sumalpok din sa kotse nito ang isang Vios na pulang kotse na minamaneho ng isang dalagang babae. Naiiyak si Audrey ng makitang duguan ang ulo ni Ananya. Nakilala niya kaagad ito ng makita ang matabang katawan nito. “Bilisan mo mang Alvin sa Saint Luke Hospital tayo dali.” Agad namang pinaharurot ng driver ang sasakyan para dalhin si Ananya sa hospital. Pagdating sa hospital ay agad naman na inasikaso si Ananya ng mga doc

