“Hoy Aubrey anong nangyari sa'yo? Binabangungot ka yata eh. Jusko dai, pinagpapawisan ka ng husto. Teka ikukuha kita ng tubig. Naku babae ka ano ba kasi ang napapanaginipan mo?” Ate Jizelle anong oras na po ba? “Alas dos y medya palang ng madaling araw,” Ate napapanaginipan kong hinahabol kami ni Dylan ng mga armado. Ate habang lulan kami sa isang kotse para tumakas nabaril po sa ulo si Dylan. Ate sabi nila magkakatotoo daw ang panaginip kapag sa ganitong oras ka mananaginip. “Naku nasa new generation na tayo Aubrey hindi na tumatalab ang mga sabi-sabi ng mga matatanda. Pero para sa ikapanatag ng loob mo tatawagan ko si Dylan,”ate Jizelle said. Nakailang ulit na ng ring ang cellphone ni Dylan pero hindi parin ito sumagot. Kahapon pa niya ako hindi tinawagan, naisip ko nga baka nagtampo

