Della Torres Medical Hospital, Manhattan, USA Ang daming apparatus na nakakabit sa katawan ni Dylan. May bindahe sa ulo at nakasemento ang kaliwang binti. Wala naman daw major damage ang katawan ni Dylan maliban sa ulo na napuruhan at pagkabali ng binti at ang pagka dislocate ng kanyang braso. Dylan is the first critical patient of ate Clearose kaya umalalay na si Juvy Grace. Ilang beses na daw na bumigay ang katawan ni Dylan pero sinubukan parin nilang isalba kahit nasa isang porsyento lang kumapit ang buhay ni Dylan. Si Tita Tyronia at Cherry hindi na lumalabas ng chapel. Nagdadasal para sa kaligtasan ng kanilang anak. Nang dumating kami sa hospital under observation parin ang kalagayan ni Dylan. Hindi nila pweding papasukin ang sino man kahit ang mga magulang pa nito. Iyak at dasal l

