CHAPTER 87 Napaupo ako sa kama ko. Hindi ko kasi alam ang dapat kong gawin? Wala naman akong karapatan na magalit dahil hindi naman na naging malinaw kung ano kami ni Althea. At anong isusumbat ko? Na niloko niya ako? Anong sasabihin ko? Manloloko siya? Two timer siya? Na walang hiya siya dahil ginawa niya sa akin iyon? May karapatan ba akong murahin siya? Pero ang tanging alam ko ay masakit na makitang may kahalikan siyang iba. Masakit pa rin palang makumpirma ang dating kutob lang talaga. Masakit pa rin palang mapatunayan ang matagal ng hinala. Ang tanging nagawa ko ay lumuha. Iyon naman lagi ang ginagawa ko mula no'n. Ang lumuha at magalit. Lagi akong nasasaktan ngunit hindi pa ako sanay. Inisip kong mabuti na lang talaga kahit pala papaano nagawa kong pigilana ng sarili kong sabihing

