CHAPTER 88 Ang bahaging ito ng nakaraan ko ang siyang alam kong tuluyang sumira sa akin. Ito ang mga taon hindi na ako yung dating Rhon. Taon kung saan gulung-gulo ako at walang gustong panindigan. Masyado akong nawala sa tamang landas nang nag-asawa si Rizza. Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang buhay ko nang wala siya. Lahat ng pwedeng makatulong sa akin para makalimutan lang siya ng tuluyan, ginagawa ko. Kahit pa sino ang masaktan pang iba huwag lang ako. Kahit pa ang mismong kakambal ni Rizza, hindi lang dapat ako ang sa huli ay maiwan at talunan. Maaring marami ang galit sa akin sa bahaging ito ng buhay ko ngunit nawala ako, kalat at sabog ang isip ko, walang alam na tunguhin kasi inaamin ko, sinira ni Rizza ang buong ako. Kung may dahilan siya sa mga ginagawa niya noon, hindi ko

