CHAPTER 89 Sa buhay natin, dumadating rin yung puntong kailangang pumili. Kailangan magdesisyon at laging may naisasakripisyo lalo na kung may dalawang pinagpipilian. Masakit para sa hindi pinili pero wala naman ibang dapat at kailangang gawin kundi ang magpatuloy sa buhay at tanggaping hindi lahat ng pagkakataong, pinipili tayo ng tadhana. "Gusto ko lang malaman yung totoo, Rhon. Minahal mo ba ako o nakikita mo lang si Rizza sa akin kaya ginawa mo ito?" "Minahal kita, Thea. Totoong nalito ako sa inyo ni Rizza ngunit noong bakasyon, nasiguro ko, mahal kita. Mahal ko si Rizza oo, nandun na ‘yon at sigurado akong nasa puso at isip ko na, nakaukit na siya sa buhay ko ngunit nakaraan ko na iyon, siguro naman, tahimik na ngayon ang buhay niya at kung sana mahal mo ako, mahalin mo rin sana ku

