TANIKALA (RIZZA'S POINT OF VIEW)

2482 Words

CHAPTER 91 Ang lahat ng nangyari sa pagitan namin ni Rhon ay parang kisapmatang nangyari na ang tanging nagawa ko lang ay umasa at lumuha nang lumuha nang lumuha. Noon ko naramdaman na wala nga talaga akong makapitan. Wala akong kaagapay. Wala akong masabihan ng aking mga pinagdadaanan. Sa dami ng tao sa mundo, ako lang ang tanging nag-iisa. Nag-iisang lumalaban. Nag-iisang nag-iisip kung paano ko mapabuti ang buhay ko, kung paano ko papatayin si Paul at kung paano pa ako magiging matagumpay kung sakaling makulong ako at masintensiyahan. Paano ako tatanggapin muli ni Rhon? Paano niya ako mauunawaan? Paano pa niya ako pagkakatiwalaan. Napakaraming takot sa aking dibdib. Punum-puno ng agam-agam. Ang hirap lang talaga ang mag-isa sa buhay. Wala naman akong pamilya kagaya ni Rhon. Napag-iwana

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD