CHAPTER 103 Sa pagkakataong iyon, hindi ako takot kay Paul dahil alam ko sa sarili ko na kaya ko nang ipagtanggol ang sarili ko. Wala siyang alam na marunong na akong humawak ng baril, mahusay akong umasinta at pati na rin sa martial arts. “Totoo ba, na kayo pa rin ni Rhon? Kaya siya nandito ngayon kasi ang totoo, hindi naman pala talaga kayo totoong hiwalay. Pinagsasabay mo kami samantalang noong pinuntahan kita sa Manila, binigyan kita ng pagkakataong mamili. Isang taon tayong nagsama, isang taong malaya kang bumalik sa kanya tapos sa oras ng ating kasal, bigla na lang siyang magpapakita na para bang pag-aari ka pa rin niya. Rizza, may point ang sinasabi ni Zaldy, hindi magiging ganyan kaagresibo si Rhon kung walang kayo. Kaya sabihin mo na lang sa akin ang totoo dahil sobrang sakit n

