CHAPTER 112 Inayos ko ang kumot ni Paul bago ako umupo sa tabi niya habang hinihintay kong magising siya. Nakikita ko sa mukha niya ang tindi ng kanyang pangungulila sa akin, nakita ko sa hapis niyang mukha ang matinding kalungkutan nang iniwan namin siya ng kanyang mga anak at heto pa’t iginupo na siya ng kanyang walang lunas nang sakit. Huminga ako nang malalim. Umayos ako ng upo sa mismong tabi ng ulo niya. Hinalikan ko ang noo niya bago ko binasa ang sulat niya sa akin. Rizza, Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako masulat na tao. Hindi ko rin alam na kaya ko pa lang ihayag ito sa paraang ganito pero wala eh. Ito na lang kasi ang natatanging paraan para masabi ko lahat ang mga gusto kong sabihin sa’yo dahil hindi kita makausap. Hindi ko matawagan ang cellphone mo. Hindi na kita h

