CHAPTER 113 “Uwi na tayo, babe ko? Gusto kong bumuo ng mga bagong alaala kasama mo. Gusto kong punuin natin ng masayang alaala ang ating pagiging mag-asawa,” bulong ko sa kanya. Biglang bumulwak ng luha ang kanyang mga mata at nagwika, “Tinawag mo akong babe ko? Tinawag mo na uli ako sa endearment natin noon pa?” Pagkatangong-pagkatango ko ay niyakap niya ako nang mahigpit. “Salamat, salamat at narinig kong muli iyan sa’yo. Patawad sa lahat.” “Pwede bang huwag na lang sa bahay tayo uuwi? Gusto ko sana sabihin sa’yo muna ang lahat-lahat.” “Ano ‘yon? Makikinig ako sa’yo at ikaw lang ang pagkakatiwalaan ko.” Huminga ako nang malalim. Ginagap ko ang kamay niya saka ako tumingin sa kanya. “May katotohanan ang sinabi ni Zaldy sa’yo na balak ko sanang patayin ka. Kaya ako pinadala ni Zald

