HILING

3834 Words

Chapter 114 "Babe ko, gusto kong lumabas sa kubo, pwede mo ba akong samahan magpahangin sa labas?” tanong niya sa akin pagkatapos naming mag-agahan at pasikat pa lang ang araw. Tulog pa ang aming mga anak nang mga oras na iyon. Dalawang taon mahigit na rin ang dumaan at alam kong kahit paano, nakabawi-bawi na ako sa kanya. Kahit paano, pasalamat kaming higit dalawang taon rin ang aming pinagsamahan. Higit dalawang taong bumawi ako, dalawang taong malayo sa lahat, nagtago at umiwas sa kasamaan ni Zaldy, dalawang taong wala na rin akong balita pa kay Rhon at dalawang taong minahal at pinagsilbihan ko lang si Paul. Inalalayan ko siyang bumaba hanggang sa naupo kami sa pinagawa niyang upuang yari sa kawayan sa silong ng mayabong na puno ng mangga.  Nang makita niya ang nakaparaming nakaukit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD