PAGKIKITA

2410 Words

CHAPTER 115 Pagdating ko sa bahay at makaharap ang bisitang naghihintay sa akin ay hindi ako nakaimik agad. Napatda ako. Para kasi akong nananalamin. Nang panahong iyon, hindi na rin kasi ako mataba, inayos ko na rin ang sarili ko kaya pantay na pantay ang hitsura ko sa babaeng nakita kong tumayo nang makita niya akong pumasok. Hindi ko alam kung ano ang aking iisipin. Hindi ko alam kung anong aking unang gagawin at sasabihin. Hanggang sa bigla siyang tumakbo at niyakap niya ako nang mahigpit na mahigpit. Umiiyak na siya. Nanginginig. Hindi ko siya magawang yakapin kasi hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan. Wala akong alam na gagawin. Ni wala akong maapuhap na sasabihin. Pero yung lukso ng dugo, naroon. Yung saya ng nasasabik na makita ang pamilya, ramdam ko. Lumuwang ang pagk

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD