CHAPTER 116 Pagdating namin sa hospital ay naabutan kong umiiyak si Mama at banaag ko rin ang takot sa mukha ni Papa. Balisa silang dalawa. Mukhang bukod sa kalagayan ni Paul, may iba pa silang inaalala. Kinutubana ko nang hindi maganda ngunit hindi ko alam kung bakit. Naisip kong baka nga, natuluyan na si Paul. Baka hindi na niya ako nahintay pa. Baka tuluyan na nga kaming iniwan. Pero nang tumingin sila sa kasama ko na muntik ko nang nakaligtaang ipakilala ay kahit papaano nagawa ko pa ring ipakilala ang kasama ko. Nang puntong iyon, alam kong ang isa rin nilang ipinagtaka ay yung para lang kaming pinagbiyak na bunga. Nakita kong kahit sa gitna ng aming mga pinagdadaanan, nagawa ng mga magulang ni Paul anng ngumiti, yakapin, kumustahin at i-welcome ang aking kakambal. Sinabi nilang natu

