CHAPTER 117 Kahit pa delikado para kay Althea ay kasama ko pa rin siyang sumugod kay Zaldy. Ginawa pa rin namin ang nabuo naming plano sa kabila ng pangongontra ko. Parang ako rin kasi ang kakambal ko. Kung ano ang sa tingin niyang tama, ipaglalaban niya. Pwede siyang magdesisyon agad at wala ni sino ang magpapabago. “Mag-ingat ka ha?” bilin ko sa kanya. Nagyakapan kami. “Laban ko sis, laban nating dalawa. Ngayon pa ba kita hahayaan? Ngayon pa na magkasama na tayo?” napapaluha niyang sinabi sa akin. “Alam kong nadamay ka lang dito pero please, mas gusto kong buhay ka sis. Kaya sana doblehin mo ang pag-iingat mo ha?” “Sige. Mauna na ako. Iuuwi natin ang anak mo sa naghihintay na asawa mo. Buhay kami ni Paulina na lalabas sa bahay ni Zaldy. Buhay tayong aalis doon sis. Pangako ko ‘yan

