FINAL CHAPTER PART 2 Hindi ko alam kung anong aking iisipin. Masaya akong malaman na anak ko si Aris, na galing siya sa akin ngunit ang malaman na may canser si Rizza ang pumutol sa naramdaman kong kaligayahan. Hindi ko alam kung anong aking reaction. Magkakahalong saya, takot, lungkot at pag-aalala. Naupo ako. Nahihirapan akong huminga. Naninikip ang aking dibdib sa dami ng aking natutuklasan. Hanggang sa dahan-dahan ding umupo ang anak ko sa tabi ko. Hinawakan niya ang balikat kong tigib ang luha ang kanyang mga mata. Mabilis ko siyang hinila. Niyakap nang mahigpit. Sumisigaw ang puso ko sa sobrang saya. Sa wakas, nagkatotoo ang aking hinala. Natatakot ako dating sabihin na anak ko siya dahil baka lang mabigo ako ngunit alam ko, ramdam kong galing siya sa akin. “Patawarin mo ako anak,

