“Dad, ano ba? Habang hindi ka pa napapansin ng mga kasamahan kong mga pulis, umalis na tayo rito. Dali na, magbihis ka na!” Tumingin ako sa name tag niya. Aris. Aris ang nabasa kong pangalan niya at hindi Matthew. Nagsinungaling siya sa akin. Tama ang kutob ko, anak siya ni Rizza. Anak ni Rizza sina Paulina at siya. Kuwento nina Paul at Rizza yung narinig kong kuwento nila pero hindi ko pinansin. Baka lang kasi nagkataon. Baka lang pareho halos ng kuwento. Sa kagaya kong pari, maraming mga kumpisal sa akin na halos pare-pareho lang at inisip ko noon na baka nga pareho lang. Naalala ko na ang batang Aris noon na gustong iwan ni Rizza sa akin. Ang batang tinanggihan ko dahil iniisip ko ang mararamdaman ni Paul. Malaki na siya. Isa nang ganap na pulis at lahat, lahat ng kuwento niya sa akin

