CHAPTER 121 “Bakit sa akin? NI hindi ninyo ako kilala. Paano kung masama akong tao?” tanong ko. naguguluhan lang ako sa hindi ko naiintindihan na nararamdaman ko habang papalapit sa amin ang binatang may ibang dating ang titig sa akin. “Ipakikiusap ko lang ho sana si Kuya sa inyo para lang may matirhan ho muna siya habang ipinaparamdam namin kay Mommy na hindi dahil mahal na mahal niya kami ay kaya na niyang manduhan ang sarili naming buhay. Nakakasakal ho pala ang sobrang atensiyon at pagmamahal. Yung sakal na hindi na namin alam kung paano huminga sa sarili naming ilong at gumalaw na sa sarili naming katawan.” Sasagot pa lang sana ako nang biglang inilahad ng binata ang kamay niya sa akin at nagmano. Weird. “Matthew ho,” pagpapakilala niya. “Ano hong pangalan ninyo?” “Rhon,” lumuno

