CHAPTER 120 Nang ganap na akong pari, noon ko naisip na kahit anong pagtakas ang gagawin ko, hindi ko matatakasan ang lahat ng aking nakaraan. Nakaraang patuloy akong binabalikan. Para lang sana mapagtakpan at makabawi sa Diyos sa aking mga nagawang kasalanan ay itinuloy ko ang pagpapari. Iyon lang ang alam kong tanging paraan para mapatawad ako ng Diyos sa bagay na hindi ko dapat ginawa bilang isang seminarista. Ngunit iyon noon ang hinihingi ng pagkakatao. Hindi ko man pinagsisihan na ginawa ko ang lahat ng iyon pero alam kong kasalanan pa rin iyon na kailangan kong pagdusahan. Taon din ang lumipas, dekada bago napagtanto na mali ako. Maling ang pagpapari ang ginamit kong paraan sa pagtakas. Hindi ko kasi snatagpuan ang tunay na katahimikan sa bokasyong pinili ko. Napipilitan na lamang

