CHAPTER 119 Parang sumasabit ang aking paghinga. Parang may koneksiyon si Althea sa akin. Parang ramdam na ramdam ko yung tuluyang paghinto ng kanyang paghinga kaya pinilit ko, sinubukan kong huminga nang huminga ng malalim. Baka lang may koneksiyon ako sa kanya. Baka makatulong na lumaban ang kakambal ko. Nakiusap ako kay Dok Kashmine na si Althea ang aasikasuhin at hindi ako. Maayos na ako. Okey na ang pakiramdam ko ngunit hindi ang kakambal ko. Kaya agad-agad na iniwan ako ni Dok Kashmine at tinulungan ang asawang si Dok Bryan. Nagtulungan ang mahuhusay na mga Doktor na sagipin ang buhay ng kakambal ko. Hanggang sa nakiusap ako sa mga nurses na ilapit ako. Kung maari baka pwede naman nila ako pagbigyan. Ngunit hindi nila ako pinayagang gumalaw-galaw na muna o kahit bumangon dahil sa h

