CHAPTER 99 “Ibig mong sabihin, tatapusin mo na ang pag-aaral mo at tuluyan mo nang iwan ang iyong drug related business?” tanong ko. “Kung iyon lang ang paraan para sa ikatatahimik ng ating magiging pamilya. Ayaw kong madamay kayo ng mga bata sa mali kong napasukang trabaho at negosyo para lang yumaman agad. Ngayong nandito ka, ngayong kasama na kita, tingin ko, hindi ko na kailangan pa ng maraming pera. Ikaw ang kayamanan ko Rizza. Ikaw lang sapat na.” Hindi ako sumagot. Sa mga naririnig ko sa kanya, lalo akong nakokonsensiya sa balak namin ni Zaldy. Tinitigan ko siya. Yung galit na naramdaman ko sa kanya naging awa. Awa dahil alam kong hindi ko maibibigay sa kanya ang aking pagmamahal kahit pa anong kabutihan ang gagawin niya sa akin. Mapapakisamahan ko siya, magiging mabuti akong may

