NAGBABAGO

2861 Words

CHAPTER 100 Sa pagsasakripisyo ni Paul at pagpapakita niya sa akin ng kabaitan, nadala ako. Naniwala ako sa lahat na totoo iyon kaya naman sinubukan kong ibalik sa kanya ang kabaitan niya sa aming mag-ina. May mga sandaling iniisip kong hindi na tama ang aking ginagawa. Mahirap para sa akin ang magsinungaling sa dalawang nagmamahal sa akin ngunit iyon ang pinakatamang kailangan kong gawin. Kaya kahit alam kong napipilitan si Paul na payagan akong pumunta ng Baggao ay pinapayagan niya ako dahil alam niyang wala na roon si Rhon. Nag-aaral na ito ng kolehiyo sa Manila. Gusto kong puntahan at kausapin lang ang Tito niya. Gusto kong pumunta sa aming kanlungan na ang unang nagdala naman talaga sa akin doon noon ay si Paul. Si Paul ang unang nakadiskobre doon noon at doon ko naman dinala si Rhon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD