CHAPTER 101 “Sabi, pakakasalan kita kasi iyon ang sa tingin ko sa ngayon ang kailangan. Akala ko ba, nagkalinawan na tayo? Na kahit hindi kita mahal ay okey lang basta magpapakasal tayo at magkasama? Anong nangyari do’n, Paul? Ano na naman ang ba ang nangyayari sa’yo?” "Hindi ko alam. Akala ko kasi okey lang. Akala ko, kaya ko. Kasi habang magkasama tayo, lalo akong nasasaktan na isiping ako nga ang kasama mo ngunit hindi mo naman ako mahal. Ang sakit sa akin na kasama kita physically ngunit hindi ang puso at isip mo. Rizza, please. Tapatin mo naman ako. Hindi mo na ba ako magawang mahalin muli?" lumuluha siya habang sinasabi niya iyon. "Hindi kita masasagot ngayon. Sa ginagawa mong ito? Sa pabago-bago mong mood at ugali na bigla na lang sumasabog? Hindi ko alam." "Paanong hindi mo ala

