CHAPTER 105 Pagkahatid sa akin ni Rhon kay Paul at pagkatapos niya akong ibilin ay umalis siyang taglay ang sinira kong pagkatao niya. Masaganang luha ang bumaybay sa aking pisngi nang araw na sinasabi ko ang aking vow at hindi kay Paul nakatingin kundi kay Rhon. Inisip kong sa harap ng Diyos, kay Rhon ko sinasabi ang aking pangako at hindi kay Paul. Hanggang nang matapos naming masabi ang aming mga vow sa isa’t isa at halikan ako sa labi bilang simbolo na nga ng aming pag-iisang dibdib ay humakbang na rin ang kanyang mga paa palayo sa akin. Hindi na niya nagawang lumingon pa. inihatid na lang siya ng aking paningin palayo. Sugatan ang puso ko nang araw na iyon. Hindi ko alam kung kailan maghihilom. Hanggang mahal ko pa si Rhon, patuloy kong iluluha ang araw na sinaktan ko siya ng sobra-s

