CHAPTER 106 "Siguro nga panahon na para malaman mo ang lahat. Gusto kong sabihin na sa’yo ang matagal ko nang inilihim dahil inakala ko na kaya kong itago sa iyo hanggang sa maging okey din ako. Na maaring gagaling din ako. Na maaring mali ang Doctor sa prognosis" Sandali akong tumigil sa pagpunas sa kaniyang mukha. Tinitigan ko siya. Pakiramdam ko, hindi lang mga kamay ko ang tumigil kundi parang humina ang pag-inog ng mundo ko. Maaring hindi ko siya mahal ngunit mabuting tao si Paul. Naipakita niya iyon sa aming pagsasama at masakit bilang asawa niya na marinig na may mali. Na may karamdaman siyang itinatago sa akin. Kumpirmasyon na lang ang kailangan ko para masabing tama ba ako sa aking hinala? Nanatili akong tahimik na nakatingin sa kaniya. Nakonsensiya ako. Sa tagal ng pagsasama na

