PANGGAP

2298 Words

CHAPTER 107 "Alam na ba ng mga magulang mo ang tungkol dito?” tanong ko. Kahit hindi pa ako tanggap ng kanyang mga magulang at kapatid, gusto ko pa rin na malaman ng mismong pamilya niya ang kanyang karamdaman. Kahit pinipilit kong magpakatatag ay naroon ang hindi ko maipaliwanag na hapdi sa aking kalooban sa tuwing pinagmamasdan ko siya. "Sa'yo ako unang nagtapat. Sinabi ko sa aking sarili na kung darating yung panahong wala na talaga akong pamimilian kundi ang aminin ang aking kalagayan, ikaw ang gusto kong unang mapagsabihan.” “Hindi ba dapat sabihin na natin sa kanila ngayon?” “Huwag na muna.” “Okey, kung kailan ka handa. Sasamahan kita.” Huminga siya nang malalim. Pinunasan ko ang kaniyang mga luha dahil nagpapadagdag iyon sa akin ng hirap ng kalooban ngunit patuloy ang pag-agos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD