CHAPTER 108 “Alam kong sa kagaya mong maraming alagad at halang ang kaluluwa, wala ka nang kinatatakutan ngunit sasabihin ko sa’yo, hindi ako titigil hangga’t mapatay kita kung di mo sa akin ibabalik ang anak ko. Kung ayaw mong tayong dalawa sa huli ang magpapatayan, ibalik mo ang anak kong ligtas,” palaban at malakas ang boses kong sinabi iyon sa kanya. “Sige. Sa ngayon, ibabalik ko ang anak mo ngunit kung hindi mo pa rin magagawa ang lahat nang naging usapan natin na patayin mo na si Paul sa loob ng isang buwan, pasensiyahan na tayo pero uunahin ko ang anak mong patayin para magising ka sa katotohanang hindi kung anong kasunduan lang ang pinag-usapan natin noon. Nag-invest ako sa’yo. Pinaniwala mo akong kaya mong gawin ang trabaho kaya dapat lang na sumunod ka sa kung anong pinag-usapa

