CHAPTER 109 Iba ang dating ng mukha ni Paul nang umuwi ng gabing iyon. Alam kong may mali. Kung may hindi man ako sinasabi sa kanya, alam kong nang gabing iyon, ramdam kong ganoon din siya sa akin. Tumingin ako sa oras, mag-aala una ng madaling araw. Bumangon ako para tanungin siya kung may kailangan o ipaghahain ko siya. “Kumain ka na?” simpleng tanong ko. Kinuskos ko ang aking mga mata at humikab. Uminat. Gusto ko kasing ako ang naninilbi sa kanya kahit pa naroon pa rin ang sama ng loob ko sa ginawa niya sa aking pagsisinungaling. “Huwag mo nga akong artehan, Rizza.” Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Tinignan ko siya sa kanyang mga mata. Nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. “Tinatanong lang kita kung kumain ka na. Hindi mo ako kailangan sagutin ng ganyan.” Hihiga na sana ak

