CHAPTER 75 "May magagawa pa ba ako para hindi mo lang siya kamuhian habang buhay? Alam nating dalawa Rhon na ako, ang aming mga anak at ikaw na lang ang meron na mahalaga sa buhay ni Rizza. Alam ko sa sarili ko na marami akong pasakit sa buhay niya. Kaya sana balang-araw, magkausap kayong muli. Magkapatawaran at matapos nang masinsinang pag-uusap ang lahat ng sa inyo ng asawa ko.” pabulong na sinabi ni Paul. "Sana, balang araw. Kapag naghilom na ang lahat ng sugat. Sa ngayon, kailangan nating tatlong bigyan na muna ng katahimikan ang lahat.” “Nalaman ko sa Tito mo, magpapari ka raw. Iyon ba ay dahil sa nasaktan ka kay Rizza? Hindi sa nangingialam ako Pare pero, iyon ba talaga ang gusto mo? May mga kilala akong mga pari at isa yung pa ring sumira sa pagkatao ko, pa ring sumira sa kung an

