CHAPTER 74 Nilingon ko siya. Nakita ko ang nakakaawa niyang mukha. Mukhang nakikiusap. Mukhang madaming gustong sabihin. "Bigyan mo sana ako ng sandaling makausap ka, kung pwede lang sana, P’re." Hindi ako sanay sa ganong tono ng boses niya. Naninibago ako. Pero mas pinangunahan ako ng aking pride. Naroon man ang galit ngunit hindi na ganoon katindi kagaya ng mga nakaraang taon. "Para ano pa? Kasal na kayo ni Rizza. Hindi pa ba sapat iyon?” “Hindi sapat dahil ikaw pa rin ang alam kong mahal niya. Pero asawa ko siya. Hindi porke ikaw ang mahal niya ay pwede ko na lang siyang isuko.” “Iyon na nga eh. Asawa mo na siya, hindi pa ba sapat? Ano pang ginagawa mo rito? Magkasama na kayo ah? Nakikiusap ako, patahimikin niyo na ang buhay ko.” Bumunot siya ng malalim na hininga. Tumalikod ako.

