CHAPTER 82 Kahit papa’no, natauhan ako sa lahat ng mga sinabi ni Althea sa akin. Nakaramdam ako ng awa sa kanya kaya naman, tinanong ko siya kung ano pa ang gusto niyang gawin ko. "Tinatanong mo ako kung anong gusto ko? Baka mas mainam na tanungin mo ang sarili mo kung sino ba talaga ang gusto mo? Pasensiya ka na Rhon, pero mas mainam na alamin mo muna sa sarili mo kung ano ang gusto mong mangyari sa buhay mo bago mo ako tanungin kung ano ang gusto ko. Hindi na mahalaga pang pag-usapan kasi dito kung ano ang gusto ko. Kasi alam kong alam mo noon pa kung ano naman talaga ang gusto ko. Lagi ko noon sinasabi sa’yo. Kaya lang parang hindi mo ako naririnig. Hindi mo ako nakikita. Hindi mo ako nararamdaman.” Huminga siya nang malalim saka niya pinunasan ang kanyang luha. “Mas mainam siguro Rho

