CHAPTER 83 “Tito, kilala ba ninyo ang pari na kasama ninyo dito sa picture na ito?” tanong ko kay Tito pagkagising niya. Ipinatong niya ang kanyang kape at kinuha niya sa akin ang litrato at tinignan niya. “Ah oo. Kilala ko. Yan si Father Rizalito.” Ibinalik niya sa akin ang larawan. Humigop siya ng kape. “Anong alam ninyo sa kanya, Tito?” “Alam?” Kumunot ang noo niya. “Alam saan?” “Sa buhay niya, sa mga nagawa niya noon. Basta kahit ano tungkol sa kanya.” “Hindi kami magkaibigan ni Father Rizalito. Yang picture na iyan, yan yung huling pagkakataon na nagkita kami. Wala akong masyadong alam sa kanya. Iisang konggregasyon lang kasi kami kaya nagkikita. Bukod sa kasama ko sa konggregasyon, wala na akong alam. May mga personal na buhay ang mga pari. Yun ang mga personal na buhay na

