CHAPTER 93 Yung damit lang na suot ko at yung perang naiwan sa pitaka ko ang meron ako. Agad kong tinawagan si Kuya Zaldy dahil wala akong alam na pupuntahan. Hindi ko rin maatim ang makisama kay Paul lalo pa’t hindi naman niya anak ang dinadala ko. Ang tanging meron na lamang ako ay ang aking pride. Pride sa aking sarili na hindi ako lalapit sa lalaking minsan nang lumapastangan sa akin. Hindi ko ipaako sa kanya ang hindi naman niya responsibilidad na anak. Hindi ko ilalagay ang anak ko sa kapahamakan. Tinawagan ko agad si Kuya Zaldy. Hindi ko gusto ang ginagawa niyang panggigipit sa akin para lang siya ang masunod. Nagbabago ang plano. Hindi man humuhupa yung galit na nararamdaman ko kay Paul at gusto ko pa rin naman siyang gantihan ngunit alang-ala sa anak ko na maaring mag-isa, mauli

