CHAPTER 94 Lahat ng balahibo ko, nagsitayuan. Akala ko katapusan ko na. Akala ko hanggang doon na lang ang buhay ko nang kinalabit ng gustong gumahasa sa akin ang baril na hawak niya. “Ibigay mo sa kasama ko ang baril dahil kung hindi, pasasabugin ko ang bungo mong hayop ka!” singhal ng isa. Sinenyasan niya ang isa na kunin ang baril sa akin. Kapwa nakatutok ang mga baril nila sa akin. Hanggang sa wala akong magawa. Hinayaan kong kunin ng lalaki ang baril sa kamay ko. “Humiga ka sa karton, dali!” utos niya sa akin. Iyon ang hirap kong gawing utos niya. Hindi ko na gustong magahasa pa. Alam ko na ang pakiramdam. “Buntis ako ng limang buwan. Maawa naman kayo sa akin please! Huwag ninyong gawin ito sa akin

