CHAPTER 95 “Paul! May mga tama ka, Paul!” malakas kong sigaw. Sa pagkatumba namin ni Paul ay maingat niyang sinalo ang aking katawan at ulo pagkabagsak namin. Siya ang unang bumagsak at pumatong ako sa kanya saka niya inasinta sa ulo ang kalaban. Bang! Bang! Bang! Patay ang tatlo. Dahan-dahan niya akong pinahiga para tuluyan na muna niya ang lahat ng kalaban. Kahit ang walang malay pa rin na pinukpok ko ng baril kanina ay inasinta niya ang ulo. Nakita ko ang pangingisay ng mga ito. Noon lang ako nakakita ng pinatay. Isang nakakagimbal na pagkakataon para sa akin. Hanggang sa nakita kong iniabot ni Paul ang duguan niyang kamay sa akin. Tinulungan niya akong bumangon. Nakita kong masaganang dugo na umagos sa balikat at tagiliran sa likod ni Paul. Ngunit kahit sugatan siya ay hindi pa

